"What happened to your hand?" dumating ang kapatid ko at hinawakan ang kamay ko.
Ginamot ko 'yun kagabi at kaninang umaga ko lang naramdaman ang lahat ng kirot sa pagsuntok ko sa salalim. Dinahilan ko nalang kay nanay na aksidente kong nabasag ang mirror naniwala naman siya at sinabing hindi ipapa-alam kila mommy. Nasa loob ako ng sasakyan ni Vika.
"Hey, I'm talking to you." pukaw niya sa pansin ko dahil hindi agad ako sumagot sa kaniya. "Hindi ko naman napansin 'yan kagabi."
Binawi ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya. "Na-aksidente lang..'nung nag-skate board ako. Pero ayos nagamot ko naman, gagaling na din 'yan."
Medyo sumama ang tingin niya sakin. "Nex time be careful buti kamay lang ang nasugatan sayo mamaya totoong aksidente na talaga." pag-sasabi nito. "You should stop using your skate board, kakausapin ko si daddy na dapat mag karoon ka na ng sariling car para may iba kang pinagkakalibangan."
Nanlaki ang mata ko dahil seryoso siya sa sinabi. "No! It's okay. Mas gusto kong libangan 'yun kaysa mag karoon ng sasakyan, saka okay naman na may driver ako o nag cocommute."
"Still Rhia, iba parin kapag may sarili kang sasakyan. And nasa tamang edad ka naman para doon, don't worry next week we will buy a new car for you." ngumiti siya at kumindat.
Mas lalo pa akong umiling sa pinag sasabi ng kapatid ko. "Hindi na. May point naman sila daddy kaya hindi pa nila ako pinapayagan, saka kaya ko namang mag hintay hanggang sa pumayag na sila. Saka baka pagalitan ka pa ni daddy kapag bumili tayo. Promise, okay lang talaga ako."
Matagal siyang nakatitig na parang pinapakiramdaman pa kung nag sasabi ako ng katotohanan. Isang malaking ngiti ang ipinakita ko sa kaniya para malaman niyang nag sasabi ako ng totoo. Umiwas siya ng tingin dahil tuluyan nang nakumbinsi, gusto niyag ihatid ako ngayon kaya sa car niya ako sumabay.
Nagmamaneho siya habang ako ay hindi maiwasang titigan siya. Hindi niya naman 'yun napapansin kaya sinusulit ko nalang. Pakiramdam ko naguguilty ako kapag nakakausap ko siya, para akong nagtatago ng lihim sa sarili kong kapatid. Alam kong wala kaming relasyon ni Vilto at hindi niya ako gusto pero pakiramdam ko parin niloloko ko si Vika.
Ngayon ko nararamdaman ang pagiging magkapatid namin at ayaw kong mawala 'yun pero hindi ko naman kayang pigilan ang sarili ko. Ang hirap kalabanin kahit anong laban at pigil na gawin ko. Sa huli bumabalik parin talaga ang nararamdaman ko para sa boyfriend niya.
Hindi normal ang sitwasyon namin. Masyadong malaki na ang kasalanan ko sa kaniya, sobrang laki na.
"Hindi ako titigil sa kakatanong hangga't hindi mo sinasabi kung anong nangyari diyan sa kamay mo." naiinis na si Sadie.
"I already told you!"
"Sinungaling!" sigaw niya. "Alam ko naman na tanga ka minsan pero imposible naman na nagasgasan lang 'yan. Tignan mo nga halatang malalim, saka muka pang masakit."
BINABASA MO ANG
Treat me right, Architect (McMaster Series #5)
RomanceNOTE : my character isn't perfect like you, like us, they make mistakes, they cry and get hurt. She sacrificed everything for family, she gave up everything for them just to be a good daughter and she's willing to let go the only man that she loves...