"Talaga bang wala kang balak mag practice para sa graduation?"
Hindi ako sumasagot sa kaniya patuloy lang ako sa pag-eedit ng project na ipapasa ko tommorow. And yes, since last week nag-papractice na kami for graduation, palagi akong absent I think isang beses palang ako nakapag-practice.
"Sa bagay bakit ka mag papractice hindi pa nga sigurado si Proffesor kung ipapasa ka sa college."
Huminto ako at humarap sa kaniya habang nakasalubong ang kilay ko. Sadyang hindi lang talaga ako favorite ng proffesor na 'yun kaya palaging bad trip kapag ako ang nakikita. Hindi ko din naman gusto siyang makita, pero kailangan parin. And I need him para makapasa ako, madalas akong absent sa mga exam niya.
"Ga-graduate ako." hinagis ko sa kaniya ang maliit na unan sa hita ko.
Kinuha niya lang yun saka nahiga sa kama ko. "Bakit ba kasi kung kailan malapit na ang graduation natin saka ka tinamad, bilang ko ata ang araw na pinasok mo ngayong buwan. Parang sampung beses ka lang pumasok sa buwan na 'to. Ano bang nakakain mong babae ka."
"May importanteng bagay lang ako ina-asikaso."
"Mas importante pa sa pag-graduate mo sa college?"
Pareho namang imporante ang bagay na 'yun pero mas kailangan ko ang bagay na pinag-lalaanan ko ng panahon ngayon. Kaya ko naman matapos at kumpletuhin ang projects and activities ko sa University.
Tumayo siya saka kinuha ang camera ko at bumalik din sa pagkaka-upo sa kama ko. Matagal niya bago ibalik 'yun sakin kaya alam kong may iba siyang binibisita sa camera ko.
"Hindi mo parin binubura 'yung mga pictures niya?"
Kilala ko na agad kung sino ang tinutukoy niya, wala namang ibang litrato sa camera ko kundi si Vilto lang. Matagal ko na ding hindi nahawakan ang camera ko dahil sa pagiging abala ko marahil nakalimutan ko lang burahin ang ibang pictures niya sa camera ko. But I will delete it soon.
"Buburahin ko na sana."
Humarap ulit ako sa computer habang abala lang siya sa pag-silip ng iba pang pictures.
"Kamusta kayong dalawa?"
Nagkibit-balikat ako habang nakatalikod sa kaniya. "Hindi na kami nag-uusap na dalawa."
Yes, almost isang buwan na hindi kami nakakapag-usap. Nakikita ko siya sa McMaster, he's doing great I think, pero hindi ko alam kung bakit hindi na kami kakapag-usap na dalawa. Na-aalala ko pa na sa Airport ang huling beses na nag-usap kami at mukhang hindi na masusundan pa. Naisip ko din na baka wala na akong connection sa kaniya dahil nag-break na sila ng kapatid ko it means wala na akong reason pa para makipag-kamustahan sa kaniya.
Tumayo siya para ibalik ang camera. "Sa bagay, hiwalay na sila ng Ate mo at tsaka ang sabi mo alam niya na may gusto ka sa kaniya for sure iiwasan ka talaga nun kasi mahal niya pa ang kapatid mo." sabi nito. "At ito pa napansin ko na sumungit siya ngayon, nakikita ko sila after ng lunch na nasa field, hindi siya ngumingiti saka hindi siya namamansin ng kahit sino, narinig ko pa nga 'yung mga teammates niya na pinag-uusapan siya na mayabang, at lumaki ang ulo. Siguro hindi naman siya yumabang baka broken lang talaga."
BINABASA MO ANG
Treat me right, Architect (McMaster Series #5)
RomanceNOTE : my character isn't perfect like you, like us, they make mistakes, they cry and get hurt. She sacrificed everything for family, she gave up everything for them just to be a good daughter and she's willing to let go the only man that she loves...