CHAPTER 16

8.6K 159 10
                                    

Walang ibang sinasabi sakin ang kapatid ko tungkol sa pag-alis niya maliban nalang sa alam kong hanggang ngayon wala paring alam si Vilto tungkol dun. 


"I really hope nalang talaga na maintindihan niya ako. Palagi niyang sinasabi ang bagay na 'yun at sana maintindihan niya ang sitwasyon na 'to. It's just two years. Maikli lang ang panahon na 'yun." 


Ayaw kong may kampihan but this time I can tell na mali ang kapatid ko. Hindi niya ba nakikita na palaging si Vilto nalang ang nag-aadjust sa relasyon nila, na bakit parang ito nalang ang paging umiintindi sa kaniya. Palagi siyang nag-dedesisyon mag-isa dahil naniniwala siyang maiintindihan ni Vilto ang lahat ng bagay.


Before matapos ang last subject namin ay sinabihan ko si Sadie na pupunta kaming club mamaya but guess what bago pa ako makalabas sa room agad na siyang tumakbo para takasan ako. Ano pa bang aasahan ko, ayaw na ayaw niya kapag usapang lasingan. Never niya pa kayang natikman ang alak, ang pangit naman ng college days niya kung ganon. 


Naka-sandal ako at nag-iisa lang sa table. Halos lahat ay may kasama at nag-iingay sa loob. Agad kong sinasamaan ng tingin ang ibang lalaki na aakmang lalapit sa table ko. Wala ba silang sariling pwesto at gustong maki-share sakin?


"Are you alone?" 


Naka-taas ang kilay ko sa lalaki. "Yes, now stop talking to me." 


Natawa lang siya sakin at mukhang uupo pa sa tabi ko. "I'm with my boyfriend so get the fuck out of my table."


Natigilan siya sa pag-upo at matagal pa akong tinitigan. Nag-bagsak siya ng balikat bago tumalikod at bumalik sa table nila, nakita ko pang pinag-tatawanan siya ng mga kasamahan niya.


I hate her, now I need to deal with these guys. Kung sumama lang sakin si Sadie e'di sana may kasama ako at hindi lumalapit sakin ang mga lalaking 'yun. Kung tignan ko sila parang may mga asawa na at nagagawa pang kumausap ng ibang babae, wala bang balak sunduin ng mga asawa nila ang mga 'to dito, nang-gugulo lang naman sila. 


"Hey, look I'm enjoying!" naisipan kong tawagan si Sadie para ingitin ito pero mukhang hindi gumawa dahil wala siyang paki-alam. 


"Oh, buti naman, bye." 


"Hep, hep hep. Don't be rude." pigil ko sa kaniya. "Puntahan mo ako dito."


"At bakit naman kita pupuntahan? para ano? sunduin ka at ihatid kita sa bahay niyo. Hindi ba nakaya mong pumunta diyan pwes dapat kaya mo ding umuwi ng bahay." 


Nag-kunot ang noo ko at parang gusto ko na siyang babaan. "I will buy you food tomorrow."


Mabagal siya bago sumagot at buong akala ko ay papayag siya. "Still no! Tawagan mo ang driver mo at magpasundo ka."


"But-" bago ko pa siya masagot ay binabaan niya na agad ako ng tawag na mas kinasakit ng ulo ko. Hindi siya maaasahan sa mga ganong bagay, kapag talaga may ibang nangyari sakin siya ang sisisihin ko dahil siya ang huli kong naka-usap. 

Treat me right, Architect (McMaster Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon