CHAPTER 45

13.2K 213 16
                                    

VILTO.


"Sino ba kasi 'yang tinititigan mo?" biglang humarang sa harapan ko si Artem.


Inakmaan ko siya at mabilis na sinagi. Bumalik ang mata ko sa kabilang row, nakatitig sa isang babaeng may hawak ng camera. Nakikipag-tawanan siya sa kasamahan niyang babae, nag-sasalubong ang kilay ko dahil pakiramdam ko ako ang topic nila.


"Hey Artem, come over here." tinawag ko siya. "Look at her, sa tingin mo ako ang kinukuhan niya ng litrato?"


Nag-singkit ang mata niya at tinitigan ang babae. "Mukhang hindi naman, baka nag eexplore lang siya. Nag-assume ka lang." malamig na sabi niya.


"Stup up, hindi naman kita pinapa-kialaman diyan sa crush mong never kang pinansin."


Hindi siya nag-salita at kinuha ang bag sa table at mukhang aalis na agad dahil nainis.


"I'm just kidding." pigil ko, kahit ang ngumiti o tumawa hindi niya magawa, such a cold person. "Pupunta akong club tonight, find a new girl."


Inalis niya ang pagkaka-akbay ko. "Mag-rereview ako."


Hindi ko na siya pinigilan. Hindi naman din siya sasama, mukhang mag-isa na naman ako. Naiwan akong mag-isa kaya muling tumuon ang pansin ko sa babae. She looks familiar to me, hindi ko alam kung saan ko siya nakita maliban lang sa araw na 'to.


"Rhia, ano na kanina ka pa naka-tanga diyan!"


Nag-taas ang kilay ko nang marinig ang sigaw ng babaeng kasama niya.


Rhia? so that's her name.


Tumayo siya at sinamaan ng tingin sa kasama. "Hindi ba pwedeng mauna ka na, hindi pa ako tapos."


Even her voice, pamilyar na pamilyar.


'wait! your jacket!'


Mas naging malinaw ang paningin ko nang ma-alala 'yun. Yes, that's her. Siya 'yung girl sa club last time 'yung pinag-bigyan ko ng favorite jacket ko. So she's studying here?


Nakita kong naiwan na siyang mag-isa. Kinuha ko ang bag at nag-lakad papunta sa kaniya, ngayon ay naka-luhod siya at kinukuhanan ng litrato ang ibang tao na nasa kabilang table.


"Hi."


Nasa likuran niya ako. Humarap siya at tumayo ng maayos, ngumiti ako ng mahagya habang nakatitig sa kaniya. It's her. I was drunk that time kaya hindi ko siya masyadong ma-alala. But standing in front of her now, wow she's totally gorgeous.


"W-what do you need?"


Hindi ko alam kung kinakabahan ba siya? masyado ba akong lumapit at bigla siyang kinausap. Itatanong ko lang naman ang jacket ko, It's my favorite jacket so gusto kong tanungin kung nasa kaniya pa.

Treat me right, Architect (McMaster Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon