"Maaga ka atang sinundo ng Architect mo." bumungad sa pinto si Sadie.
Gulat pero ngumiti ako at mabilis kong inayos ang suot ko. Halos kaka-tawag niya lang sakin na mag-kikita kami at ngayon nandito na agad siya, paano niya nakayang lumipad?
"Hoy, baka nakakalimutan mo, may meeting tayo after nito saka mo na unahin ang lovelife mo." inabangan niya ako sa pintuan at pina-alala sakin.
Na-alala ko nga pero nag-promise ako na aalis kami ngayon. "Takpan mo nalang for me 'yung meeting, please?"
Tumaas ang kilay niya, nagmamaka-awa ang mukha ko. "Ano pa bang magagawa ko? palagi naman."
Niyakap ko siya at agad na tumakbo. Hinanap ko agad siya sa labas, narinig ko ang ingay at sumulyap ako sa likuran. Nag-singkit ang mata ko nang makita siyang naka-dikit sa ducati, hinihintay ako habang hawak ang isang helmet.
"Hey." lumapit ako at yumakap sa kaniya.
Yumakap siya pabalik at hinahaplos ang likod ko. Bumalik siya sa Europe last week para ayusin ang ibang papers niya. He wants to stay here for good and I'm very okay with that. Amoy airport pa ang damit niya.
"Did you miss me?"
I bit my lower lip before giving him a kiss. "Hindi masyado."
Nag-salubong ang kilay niya saka ngumuso. "Hindi naman masakit."
Natawa ako saka yumakap pa nang mas mahigpit. "I miss you a lot." tumayo ako ng maayos, mahina kong hinampas ang braso niya. "Hindi ba nag-usap tayo na sasabihin mo sakin na uuwi ka para ako ang susundo sayo."
Napa-kamot siya ng ulo. "I wanted to suprise you, mukhang success naman."
Umirap ako, biglaan din ang pag-balik niya sa Europe dahil sa business issue ng parents niya at kailangan 'yang ayusin ang bagay na 'yun. Ginusto niya din na dito tumira kahit sa Europe na mag-tatagal ang magulang niya.
"I missed how you ride your ducati."
Natawa siya at tinitigan ang ducati sa likod. "Yes, and I missed him too."
Sumimangot ako, mukhang babalakin kong sirain ang ducati niya. Nangangamoy na magiging karibal ko 'yun sa puso niya. Dahil 'yun ang first love niya.
"I miss your ducati more." sabi ko at kinuha ang helmet na hawak niya.
"Where do you want to go, gorgeous?"
I smiled. "Let's visit her?"
Binigyan niya lang ako ng malaking ngiti at tumango, alam na agad kung sino ang gusto kong makita. Naging abala ako nitong nag-daang mga linggo, hindi ko nakakalimutan bisitahin siya pero hindi lang kaya ng oras ko na puntahan siya.
BINABASA MO ANG
Treat me right, Architect (McMaster Series #5)
RomanceNOTE : my character isn't perfect like you, like us, they make mistakes, they cry and get hurt. She sacrificed everything for family, she gave up everything for them just to be a good daughter and she's willing to let go the only man that she loves...