CHAPTER 14

8.5K 146 15
                                    


"Paano mo nalaman na nandidito ako?" tanong ko sa kaniya pag-upo.


"I saw your post." sagot niya saka ako tinabihan sa bench. Kahit ako ay nagulat din ng makita ko si Ramir na nandidito. 


"How's your hand?" tanong niya. "Gumaling na ba?" naka-litaw ang kamay ko kaya agad niya 'yung sinilip. 


Paano niya nalaman na may sugat ako sa kamay. Hindi niya naman 'yun napansin noong pumunta siya sa bahay. Pinakita ko sa kaniya ang kamay ko saka tumango at sinabing magaling na 'yun. 


Wala naman masyadong tao at sobrang tahimik ng plaza. Naisipan ko lang pumunta dahil nasa bahay ngayon sila mommy at daddy at nag-uusap. Madalas mas pinili kong hindi nalang makinig sa mga usapan nila lalo na kung ako ang topic. Alam ko na agad ang kakahantungan nun kaya mas gusto ko nalang lumayo kahit ilang oras lang. 


"Alam mo bang skater din ako." biglang sabi nito habang nakatitig sa skateboard ko. 


"I don't know that." hindi naniniwalang sabi ko, hindi ko naman siya nakikitang gumagamit nun, noon madalas bola ang hawak niya at palagi siyang nasa court dahil volleyball captain siya ng McMaster.


"Proffesional ata ang kinakausap mo." tumayo ito at mayabang na nag-salita sa harapan ko. "I'll show you."


Tumaas ang kilay ko. "Do some tricks then." agaran kong pinasa sa kaniya ang skateboard ko, at nagulat pa siya at hindi makapaniwalang tumitig sakin. 


"N-now? as in now?" nauutal na tanong niya. "Hindi ba pwedeng magpratice muna ako?" 


I shook my head. "Akala ko ba proffesional ka, dapat ready ka." 


Napakamot siya ng ulo. Sumandal ako at nag-pahinga, noong akma kong babawiin sa kaniya ang skateboard ay tinago siya ito sa likuran at sinabing susubukan niya. Lumayo ito nang bahagya at tinitigan ang ibang skater na nag-papakitang gilas sa plaza.


"Rhia!" narinig ko ang malakas na sigaw niya. "Let's go out..k-kapag nagawa ko 'to!" biglang natakot ang tono niya. 


Abala sa ibang bagay ang mga tao kaya hindi siya pinapakinggan maliban lang sakin na sumama ang tingin sa kaniya. Mukhang namang hindi niya magagawa 'yun. Ngayon palang natatawa na ako sa panginginig ng tuhod niya. Para naman siyang maiihi sa pants niya!


"Watch me!" hindi ito nag paligoy-ligoy sinimulan ang pag-andar. Noong una ay maayos at malinis ang pag-kakagalaw niya hanggang sa nanlaki ang mata ko nang naiwan siya ng skate board dahil nahulog ito. 


Tumayo ako at mabilis na tumakbo papunta sa kaniya. "The fuck?" napa-luhod siya at mukhang nasugatan pa ang hita sa ginawa. "Are you okay?" 


Nakangiwi ang mukha niya habang nakatitig sa sugat. Ako naman ay agad na nag-alala dahil makinis ang tuhod niya at mukhang walang kasugat-sugat, hindi naman siya mukhang takot sa dugo marahil siguro ay sanay na siya. 

Treat me right, Architect (McMaster Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon