CHAPTER 44

11.6K 214 4
                                    

WARNING | R18


"One glass of beer for you, Ms. President." Natatawa akong umiling nang ilagay ni Trinity ang glass sa harap ko.


"Thank you, Mrs. Alaric."


Umirap siya pero alam kong kinikilig sa pag-papasalamat ko. Parang gustong-gusto niyang tawagin ko sa pangalan na 'yun. 


"Ikaw, wala ka bang balak maging Mrs.?" biglang pasok ni Khiara, may makakalokong ngiti.


"Feeling ko nakalimutan niya na ata kung paano lumandi." 


Napapa-irap ako sa pag-uusap nila tungkol sakin. How I wish na sana nandito si Zhep para naman may kakampi ako dito. Palaging ako ang favorite topic nila, hindi ba sila nag-sasawa? palagi ko nalang iniiwasan ang tanong na 'yun.


"Go, find a man not a boy." singit ni Ance.


Sa kaniya lang ako nakinig. They are all married and happy. Ngayon na naka-stay si Zhep sa ibang bansa ako ang naa-out of place dahil ako ang hindi maka-relate sa mga pinag-uusapan nila about sa family. I'm not married, I don't have kid, and family hindi tulad nila.


Tahimik ako habang nag-uusap silang tatlo. Masaya akong pag-masdan na lahat sila masasaya at kuntento sa buhay na binuo nila. Sino bang tao ang hindi hihiling sa happy ending at nakamit nilang tatlo ang bagay na 'yun kaya masaya akong isipin na nasa tamang tao sila. They deserve it.


Tumingin ako kay Khiara she can't drink her beer because she's with her son. Honor is a mommy's boy. Mas lalo pang lumaki ang ngiti ko habang pinag-mamasdan si Honor na pinag-lalaruan ang dulo ng mahabang buhok ni Khiara, tuwang-tuwa habang kinukurot niya ang pisngi ng anak.


Bigla akong nakaramdam ng kakaiba. Bakit bigla akong nakaramdam ng inggit sa kaniya, sinigurado ko ang nararamdaman ko, noon ay walang kaso sakin ang makitang may pamilya sila habang nag-iisa ako. I'm not scared to be alone but there was a time that I can't stop getting jealous. Na-aalala ko lang noon kung paano ako nangarap na mag-karoon din ng sariling pamilya.


For the past six years natuto akong mag-isa at handa akong maging mag-isa sa susunod pang mga taon. But may mga bagay akong hindi ina-asahan na mangyayari. Gaya ng pag-balik ni Vilto sa buhay ko, ngayon mas dumami ang mga dapat kung isipin. Ngayon bumalik ang takot kong mag-isa. Nakakatawang isipin na natatakot akong iwanan pero ako naman ang madalas mang-iwan.


"Natatakot kaming tumanda ka mag-isa. Well, pwede ka naman sigurong mag-adopt?" suggest ni Trinity.


Never kong naisip 'yun. Well, of course hindi naman magiging big deal sakin ang pag-ampon kung sakaling mag-isa ako pero hindi ko gustong mag-ampon dahil lang natatakot akong tumanda ng mag-isa at gusto kong may mag-aalaga sakin. Ayaw kong bigyan ng responsibilidad ang ibang tao.


"But wait, diba mahirap mag-adopt lalo na kapag solo or not married." nag-tatakang tumingin si Khiara kay Ance.


Umupo ito ng maayos sa couch. "Mas magiging madali kung may asawa ka at gusto niyong mag-adopt kasi ang focus ay kung mabibigay mo ng maayos na buhay ang bata and kadalasan mas nabibigyan ng chance ang may asawa dahil dalawa silang nag-tatrabaho kaya nilang mabigay ang pangangailang ng bata. But it's okay if solo parent, as long as kaya mong i-reach ang mga requirements. And if ikaw ang pag-uusapan I'm very sure na kaya mong mag-palaki ng bata. It's not always about money kailangan mo din maging reponsable. If ever you want to adopt I'll help you." paliwanag ni Ance habang naka-tuon sakin.

Treat me right, Architect (McMaster Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon