WARNING | R18 (slight)
Sa lumipas na limang buwan ay wala akong ibang naramdaman kundi ang pagiging masaya. Masaya at kuntento habang kasama siya, 'yun na ata ang pinaka masayang bagay, ang palagi siyang makita. I know I deserve this kind of happiness.
"Why are you looking at the sky?"
Naka-upo ako habang nakaunan ang ulo niya sa hita ko, naka-higa sa damo. Sinusuklay ko ang buhok niya habang nakatitig lang sa itaas, pilit kong binibilang ang mga bituin na matatanaw ko, kahit alam kong imposibleng mabilang lahat ng 'yun.
"I'm counting."
"You're counting what?" kinuha niya ang isang kamay ko at inilagay sa dibdib niya.
"Stars."
"The stars?" natawang tanong niya. "Puputi nalang 'yang buhok mo pustahan hindi mo kayang bilangin 'yan."
Inagaw ko ang kamay ko sa kaniya. "What if nabilang ko silang lahat?"
Bumaba ang tingin ko habang naka-taas naman ang tingin niya, napapangiti sa ini-isip. Muli niyang kinuha ang kamay ko at pinag-laruan. "Kapag nabilang mo lahat ng bituin papakasalan kita. I will marry you..today."
Umirap ako. Alam ko namang nag-bibiro lang siya, sino bang tanga ang bibilang ng bituin sa langit. Hindi pa naman ako mahilig sa math.
Nakataas ang kilay niya't nag-hihintay sakin. "Go ahead count them, mag-kakabisado lang ako ng vows ko sayo, take your time, mahal."
Mahinang kong hinampas ang dibdib niya. "Ang labo mo naman. Nasa langit na ako bago ko mabilang lahat ng bituin."
He laughed at me. May kinukuha sa bulsa at inabot sakin ang telepono. "Anong gagawin ko dito?"
"Google it." sabi niya. "Ask google, kapag alam mo na ang sagot sabihin mo sakin. Then we will get married right away."
Mas sinamaan ko siya ng tingin, binalik sa kaniya ang cellphone. "Ayaw ko nga!"
"Ayaw mo akong pakasalan?!"
Umiling ako. "Ang sabi ko ayaw kong gumamit ng google mapag-hahalataan akong walang alam no!"
Humaba ang nguso niya at binaba ang telepono sa tabi. "So why are you counting the stars?"
"Nabasa ko lang sa book na kapag nabilang mo lahat ng stars na malapit sayo you can have a wish, just one wish."
"Masyado kang mahilig maniwala sa mga bagay na nababasa mo. Bakit hindi mo tuparin, bakit kailangan mo pang hilingin kung ano ang gusto mo, mas maganda kung ikaw mismo ang gagawa ng way para maging totoo 'yun diba."
BINABASA MO ANG
Treat me right, Architect (McMaster Series #5)
RomantikNOTE : my character isn't perfect like you, like us, they make mistakes, they cry and get hurt. She sacrificed everything for family, she gave up everything for them just to be a good daughter and she's willing to let go the only man that she loves...