CHAPTER 7

9.3K 178 11
                                    


Tahimik lang akong naka-upo habang iniisip ang sasabihin kay Vilto. Hindi ko inaasahan ang ugaling pinakita ko sa kanya noong nakaraang araw. Panigurado galit siya sakin dahil 'yun ang unang beses na bahagya ko siyang nataasan ng boses.


Nasa tabi ko lang si Sadie at kanina pa kumain. Balak ko pa naman ikwento sa kaniya ang nangyari kaso alam kong gagawa na naman ng issue ang babaeng 'to kaya mas mabuting sakin nalang tutal hindi naman ganon kaseryoso 'yun. Sana nga hindi masyadong seryoso.


"Saan ka pupunta? sama ako." tatayo palang ako nang marinig ko siya.


"Hindi na. May pupuntahan lang ako, just message me kapag papasok ka na sa next class natin." 


3 hours ang naging vacant namin at pareho kaming walang magawa. Pumayag naman siya dahil abala sa pagkain, madali lang siyang kausap lalo na kapag may pagkain sa harap niya. 


"Sandali wala pala akong load paano kita mamemessage?" 


Nag-taas ang kilay ko at biglang namoblema. "Then..basta hanapin mo nalang ako." 


Tumango siya sakin. Tumakbo ako papunta sa building nila Vilto, pero mukhang wala siya doon at nasa court kasama ang ibang team niya at nanonood ng game. Pinuntahan ko lahat ng indoor court sa building para hanapin siya. I even messaged him pero wala akong natanggap na reply, mukhang abala nga ito. 


Inabot ako ng isang oras kakahintay sa kaniya. Inaakala kong nasa loob siya ng locker room ng boys. Naririnig ko ang mga boses nila kaya nakakasigurado ako. Nasa labas ako at naka sandal sa pader.


Nag-sisimula na akong mag-practice ng sasabihin ko sa kaniya mamaya. Hindi naman siya mahirap kausap at mabait naman siyang tao for sure maiintindihan niya ako. Well, sana nga.


Bumukas ang pinto at naunang lumabas ang team mates niya. Tinitigan pa ako ng mga 'yun at sabay-sabay ngumisi.


"Where's Vilto?" hindi ko pinansin ang mga mukha nilang lahat at sumilip lang ako nang bahagya sa loob. 


"Nasa loob parin." matinong sagot ng isa.


Mukhang may klase pa silang hahabulin kaya nauna na silang umalis. Naisipan kong pumasok dahil mag-isa nalang naman siya sa loob at wala nang kasama iba. Huminga ako ng malalim upang pakalmahin ang sarili. Sana hindi ito galit sakin. 


"You know that I really miss you, right?" nahinto ako ng marinig ang boses nitong nag-salita. "I want to see you tonight." 


Nakita ko siyang hawak ang telepono habang naka-ngiti. Naririnig ko din ang boses ng kausap niya. He was talking to my sister. Bigla akong nag-dalawang isip kung tutuloy ba ako o baka hindi nalang. 


"Okay. I'll see you later." pinatay niya na ang tawag at sinara ang locker. 


Nakatitig parin ako. Ang paa ko ay handa nang tumalikod sa kaniya pero mas lalo lang akong nanigas ng humarap siya at nakita akong nakatayo sa likod.

Treat me right, Architect (McMaster Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon