CHAPTER 41

10.4K 184 7
                                    


Hindi ako nagiging komportable sa tuwing mag-sasalubong ang mata naming dalawa kaya hangga't maaari ay umiiwas ako na mag-usap kami dahil nauuwi lang sa masasakit na usapan ang nangyayari samin.


"Are you ready?" sumilip na sa loob si Sadie habang nag-aayos ako.


I was looking at the mirror, tinititigan ko ang sarili ko habang naka-ayos. I was wearing a long black dress, kita sa suot ko ang ganda ng katawan ko, pinili kong ilugay ang buhok ko.


Lumabas na ako dahil kanina pa nag-hihintay sa labas si Sadie. Sabay kaming pupunta sa Fashion show, kanina pa siya naka-bihis habang hinihintay akong lumabas.


Madrama niyang tinakpan ang bibig sa gulat. "Mukhang kakabugin mo lahat ng models mamaya, infairness."


I just rolled my eyes, late narin kami kaya kailangan na naming mag-hamadali. Good thing ang father niya ang nag-decide na mag-hatid samin kaya hindi na kami nahirapan pa at para din hindi magulo ang suot namin.


Malaking Fashion show 'yun sa bansa, some richest business man are invited. Matagal na naming kakilala si Mrs. Lopez, ang company din ang nag-asikaso ng Fashion show siya last year sa Mexico but hindi ako nakapunta because I was in California that time, bumabawi lang ako ngayon.


"Are you ready to meet your parents?"


After six years hindi ko parin sila nakaka-usap, hindi nila ako kinamusta. Wala din akong balita sa kanila at hindi ko narin kailangang alamin pa ang nangyayari sa buhay nila sapat na naging mabuting anak ako ng ilang taon sa kanila.


"Hija, kamusta mo ako sa daddy mo kapag nakausap mo." narinig kong sabi ng tatay ni Sadie.


"Tatay naman nananadya kaba? alam mo namang hindi sila okay tapos sasabihin mo pang ikamusta ka." pagalit niya dito.


"Mahirap mabuhay ng may sama ng loob sa ibang tao, kaya nga may mga taong mas pinipiling mag-patawad-"


"I'm not like them." mabilis na sabi ko.


I know that he's just concern about me, he's like a father to me. Noong mga panahon na kailangan ko ng gabay ng isang ama nandon siya at tinuring akong isang anak kaya malaki ang pasasalamat ko sa kaniya, naging sapat sakin na silang dalawa ni Sadie ang naging pamilya ko sa loob ng ilang taon.


"O siya, mag-iingay kayo mga anak." tumingin ito at ngumiti samin.


Malaking venue ang pinuntahan namin. Dalawang team ang pinapunta namin dito kaya sila ang sumalubong samin. Gaya nang inaasahan ko madaming business man ang pupunta dito, halos napuno ang lugar ng mayayamang tao.


"Ms. Benzuelo, Ms. Carson, please come with me." a man approached us, dinala kami sa table, nandoon pa ang name ng company namin.


"Do you need something po?" tanong samin ng isang lalaking kasama niya.


Treat me right, Architect (McMaster Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon