CHAPTER 4

10.9K 206 17
                                    


"Kanina ka pa naka-nganga diyan." hinampas sakin ni Sadie ang makapal na notebook.


I rolled my eyes. "May ini-isip lang ako."


Wala parin hanggang ngayon ang Proffesor namin at mukhang hindi na 'yun dadating pa. Ang iba ngang boys dito sa room ay wala na at isa isa nang nagsi-alisan habang natitira nalang ang ibang matino sa loob. Gusto ko na rin talagang umalis kaso baka biglang dumating ang Prof. ko.


"Mamaya mo na isipin ang pag-uwi." 


Agad na sumama ang tingin ko sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit sobrang sipag niyang tao, as in super. Parang ngayon wala naman ang nagtuturo samin pero panay ang sulat niya ng mga notes. Hindi ko alam kung ano ang kinakain niya araw-araw gusto ko din maging masipag just for one day.


Lumiwanag ang mata at tenga ng lahat nang marinig ang malakas na bell. Ako naman ay dali-daling pinasok ang notebook sa bag ko habang nakatayo na ako sa harapan ni Saide at hinihintay siyang matapos sa pag-pasok ng sobrang liit niyang libro. 


Napapakamot ako ng ulo habang tinititigan niya, tinulungan ko nalang para mabilis na.


"Hindi ka paba uuwi?" magkatabi lang ang locker naming dalawa.


Kinuha ko ang camera ko sa loob. "Hindi, manonood ako ng game nila Vilto." 


Sinarado niya na ang locker niya saka tumango. "Inlove na inlove ka talaga sa boyfriend ng kapatid mo." 


Nagulat ako sa sinabi niya at mabilis siyang hinampas ng kamay ko. "Fuck no, bago pa naman maging sila nanonood na talaga ako ng mga game niya saka hindi ba pwedeng support lang?" napapa-iling ako sa sobrang kitid ng pag-iisip ng babaeng 'to.


Hinihilot niya ang brasong nahampas ko. "Daming sinabi nagbibiro lang naman ako." sumama ang tingin niya. "Sama ako, wala naman si tatay sa bahay ngayon kahit mahuli ako ng uwi." 


Tumango ako, pumunta muna kami sa restroom para makapag-palit ng damit. Sobrang tirik ng araw sa field habang nag-sisimula na ang game nila Vilto. Karamihan sa mga laro dito ay pustahan lang, lahat naman sila may pera kaya ayos lang ang matalo kahit malaking pera pa ang itaya nila. Hindi ako mahilig sumali sa pustahan, wala akong pera.


Habang naka-upo ako ay pinag-sisisihan kong isinama ko si Sadie dito, kanina ko pa naririnig ang pag-rereklamo niya. Dapat hindi nalang siya nag-presintang sumama sakin. Matagal na kaming mag kakilala, driver ni daddy ang tatay niya at halos pitong taon na itong nagtatrabaho samin kaya naging scholar ni daddy si Sadie kaya siya nakapasok ng McMaster. Mas lalo kaming naging close dahil isang course lang naman ang kinuha namin sa college.


Hindi marinig ang mga sigaw namin dahil sobrang daming babaeng nag-titilian sa harapan. Halos mayanig ang mundo ko sa ingay nila, para naman akong nanonood ng championship nito. Natapos ang game at nanalo sila Vilto. Hindi naman kami nag tagal at umalis na rin, naunang umuwi sakin si Sadie.


"Hinihintay kitang lumapit kanina after ng game namin." nasa gate ako ng huminto si Vilto, naka-sakay sa motor niya. "Akala ko hindi mo tinapos."

Treat me right, Architect (McMaster Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon