CHAPTER 26

9.2K 179 25
                                    


Nasa trabaho kami pero ang utak niya ay parang nasa himpapawid kanina pa siya nakatitig sa babae. Nasa 18th birthday party kami, marahil ay nagugustuhan niya ang suot nitong gown.


I fake a coughed. "Mag-focus ka naman, mamaya na tayo kakain."


Mag-katabi lang naman kaming dalawa sa isang pwesto sa gilid, kinukuhanan ang mga taong nag-sasayaw. The party was too loud, para ata kaming nasa gera pero kailangang tiisin, kakatapos lang din naming kumain, hindi naman ganun kaganda ang party at sobrang simple lang pero masaya kung titignan.


"Alam mo bang cornbeef lang ang handa namin nung mag-debut ako." tila malungkot na bulong niya.


"Hey, we went to the mall and I even ordered some food for us!" nagtatampong sabi ko, para bang nakalimutan 'yang nacelebrate namin ang 18th birthday niya noon.


"Pero cornbeef at coke lang ang ulam namin ni tatay nung araw ng birthday ko. Pangarap ko din kayang makapag-celebrate ng party tapos nasa magandang venue at sobrang daming tao, kahit wala ako masyadong kaibigan." dagdag pa nito.


Nasa ibang bansa ako nung araw ng birthday niya kaya niyaya ko nalang siyang lumabas bago kami umalis atleast nakapag-celebrate siya at kasama ako kahit napa-aga.


"Lagpas kana sa 18th huwag ka nang mangarap." I joked.


Nagawa niyang abutin ang buhok ko para mahila. "Hoy, bakit may susunod pa naman akong birthday na dadaan, saka 'young' parin naman ang tawag sa edad natin."


"Well, may point ka. Kaso sa sobrang tipid mo na 'yan imposibleng gumastos ka para sa mahal na party."


"Bakit sino bang may sabing ako ang gagastos?" ngumisi siya habang may kakaiba ang titig sakin, tinataas pa ako ng kilay.


Biglang nag-bago ang ekpresyon ng mukha ko. "So pati ang birthday mo responsibilidad ko pa? e'di sana kumuha ka nalang ng kutsilyo tapos sinaksak mo nalang ako. Grabe, hindi ko nga pinangarap ng malaking party tapos gagatos ako para sayo."


"Exactly, hindi ka mahilig sa party, so wala kang pag-lalaanan ng pera mo. Sakin mo nalang gastusin, tutal madami naman akong utang na loob sayo lulubusin ko na, tapos sa langit ko nalang babayaran kapag ako ang nauna sating dalawa, kung gusto mo ako pa sasalubong sayo doon." natawa siya sa sariling kalokohan.


Kung sa kaniya ko naman ilalaan 'yun hindi naman makakapanghinayang. All I want is to make her happy, make her smile and feel loved gaya ng ginagawa at pinaparamdam niya sakin. She deserves it. Pero minsan talaga nakaka-inis siya.


"Ayaw mo bang mag-anak in the future para naman kahit papaano may pag-gagastusan ka."


Natawa ako sa tanong niya bigla. "Kung mag-aanak lang ako para may mapapag-gastusan no thanks, sa sarili ko nalang ilalaan 'yun."


Huminga siya ng malalim. Gaya nang lagi kong paraan, never akong nag-plano kahit pa sa future ko. I just want to be sucessful gaya ng pangarap ng iba. But I really hope that one day, may matatawag na akong pamilya, with him..

Treat me right, Architect (McMaster Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon