Chapter 13

731 15 0
                                    

Pagdating ko sa kwarto, nahiga ako!

"Haayy... Ok na kami ni Oliver."

" HEY!

All our troubles gone
Like when we were young
Take me back to where we all began
Here we are again like we should have been
Oh my lady can I have this dance?"

Narinig kong kumakanta si Oliver, kaya dali dali ako pumunta sa sliding door ko para silipin siya. At....at... Wwaaaahhh.... Dto siya nakaharap sa kwarto ko. Ok umayos ka Sam.

Lumabas ako ng terrace ko, bigla siyang ngumiti habang kumakanta. Napangiti din ako, hinaharana ba ako nito?

"Hi Sam, maganda ba?"

"Oo maganda."

"Good, kala ko hindi e."

"Para kanino? Compose mo yun?"

"Wala lang, oo compose ko yun! Simula kasi nung di na ako nakapaglaro ng basketball sa music ako nag focus."

Kwentuhan lang kami, halos pwede niyang talunin yung terrace ko sa sobrang lapit lang. Nagkwentuhan lang kaming dalawa hanggang sa tinawag na ako ni Mama para kumain.

"Sige na Oliver, papasok na ako!"

"Sige, bukas nalang!"

Sabay na kami pumasok sa kwarto namin. Naisip ko bigla, di kaya may pag aalayan siya ng kanta niyang yun? Wala naman siguro, diba nga sabi niya wala. Tsss... Nagbihis muna ako bago bumaba para kumain.

After ko kumain, dito ulit ako sa kwarto ko. Pagkasara ko ng pinto, saktong may narinig ako sa terrace ko.

Di kaya akyat bahay to? Teka teka text ko si Oliver, engot wala kang number niya. Nakikita ko na yung shadow niya mula sa labas. Di pa kasi ako bagbubukas ng ilaw ng kwarto, buti sarado sliding door pero yung kurtina bukas. Lord katapusan ko na ba talaga? Ayan na siya...

Napapikit na ako sa takot! Bigla siyang nagsalita.

"Sam andyan ka ba? Ako to si Oliver..."

Napahinga ako ng malalim, papatayin ata ako ng taong to e. Inayos ko sarili ko tsaka binuksan yung sliding door.

"Alam mo ikaw papatayin mo ko sa takot, kala ko sino na yung tumalon dito sa terrace ko. Amp!"

"Sorry naman! Di pa kasi ako inaantok e."

"Upo ka." sabi ko sakanya.

"kwento ka naman, ngayon lang tayo makakapagkwentuhan e" sabi niya.

"ano ikwe-kwento ko sayo?"

"Kwento mo mga nangyari saiyo sainyo nila jess at ras nung umalis ako."

"masaya din naman, lagi kaming naglalaro tuwing hapon. Magkakasabay kami pumasok at umuwi galing school, lagi din kami magkakaklase nung elementary. Ikaw kwento ka naman?"

"Wala bang nanligaw sayo nun?" tanong niya.

"Walang nagkakamali, haha tsaka bakit mo naman itinanong yan? Hello Elementary pa ako nun, kaka highschool ko palang diba? Tsaka ewan ko. Teka nga bat ba ito usapan natin? Ikaw magkwento ka naman!"

"Bukod sa naikwento ko na sayo na napilayan ako dahil sa basketball, tinuon ko yung sarili ko sa music, ok naman ako dun, may mga naging kaibigan. Pero alam mo gusto ko ulit maglaro ng basketball. Ok naman na ako e."

"Alam ko ayaw ni Ninang, Di naman sa chismosa ako, narinig ko kasi kayong nagtatalo, nakita ko sa muka ng Mama ang pag aalala. Kausapin mo kaya si Ninang, tutal nakapagpalista kana."

"Sige kakausapin ko siya ulit. Teka nga pala, close ba kayo nung Bryan?"

"nope, pero kilala siya! Grade 6 palang kami siya na ang gumawa ng ingay sa University, nasaksihan namin yun nila Ras and Jess. Sa galing niyang basketball taob pati mga varsity ng College. Di na kami nagulat nung siya ang captain ball para sa laboratory, huh! What more pag nag college.

Remember your FIRST (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon