Chapter 109

203 5 0
                                    

"Ano ready ka bang maglaro ngayon?" Tanong ni Rick.

"Pass muna, uuwi na ako." Sabi ko nalang. Kinuha ko yung bag ko at lumabas ng gym.

"sige pre, ingat ka." sabi nalang nila.

Sa paglalakad ko nakarinig ako ng may nag-aaway na babae, sinundan ko saan nang gagaling at hanggang sa nahanap ko sila sa isang hallway. Si Hailey at si Sam.

"Ang lakas din ng loob mo saktan si Bryan! Ano kumapit ka lang para makilala ka dito sa school?"

"ikaw! hindi ako gaya mo Hailey, wag mo isisi saakin mga ginawa mo. Tsaka linawin ko lang sayo, ako yung iniwan at hindi ako yung nang-iwan gaya ng ginawa mo sakanya."

"nakakainis ka... Sinaktan mo si Bryan." agad niyang sinabunutan si Sam.

"aray ano ba Hailey nasasaktan ako, bitawan mo ko. Ano ba!"

"eto dapat sayo." agad niyang tinulak si Sam sa hagdan, umakyat ako para saluhin siya pero nadala din ako. Niyakap ko siya para ayoko yung masaktan.

"Bryan!" sigaw ni Hailey.

Pagka bagsak namin sa baba, tinignan ko si Sam pero huli na, wala na siyang malay at may dugo umaagos sa ulo niya. Di ko napigilang sumigaw.

"ano ginawa mo Hailey????"

"so-sorry, di ko sinasadya. Wala sa plano ko to."  Tumakbo siya, at ako naman tumawag barkada. Bigla nalang si Oliver na dial ko.

"Hello Oliver!" sabi kong nag papanic.

"Hello Bryan, may nangyari ba at nagpapanik ka?"

"Si Sam..."

"Nasaan kayo?"

Sinabi ko sakanya nasaan kami, tumawag na din ako sa hospital para makapag padala sila ng ambulansya dito sa school.  Naririnig ko na parating na silang lahat, paglapit nila.

"SAAAMMM..." Sigaw nila Ras at Jess..

"anong nangyari Bryan? bakit may dugo?"

"tumawag ka na ba ng ambulansya?" tanong ni Oliver.

"oo parating na sila."

"ano ba kasi nangyari ha Bryan? Di naman gagwin ni Sam magpahulog sa hagdan dahil broken hearted siya, kaya please ano nangyari?" tanong ni Jess na umiiyak.

"nakita ko sila ni Hailey, nagtatalo sila. Huli ko nang nasalo si Sam nung itulak niya si Sam."

"bwiset talaga yang Hailey na yan! sinapian na talaga. Humanda talaga saakin yan pag nakita ko. Ihuhulog ko din siya." gigil na sabi ni Ras.

"Ras ireport nalang natin, imbis na ihulog mo siya, wala saating kriminal." sabi ni Matt.

"ayan na yung ambulance!" sabi ni Pia.

"kami na sasama sa ambulance, commute na kayo." sabi ni Jess.

Sumakay na sila a umalis na... kasalan ko to lahat!

"sasama ka ba?" tanong saakin ni Oliver.

Napayuko ako at tinignan mga kamay ko na may bahid ng dugo. Tinapik ako ni Oliver!

"magiging ok si Sam, naiintindihan ko kung di ka sasama. Salamat kahit alam mong di kayo ok nararamdaman kong may care ka parin sakanya, Alam kong may galit ka parin saakin, wag ka mahiya lumapit saakin pag handa kana."

Sumunod na siya sa barkada at ako naiwan. Di ko napigilang umiyak... Paano kung may nagyari kay Sam? Kung di ko siya hiniwalayan di mangyayari to. Tumayo ako at minabuting umuwi nalang. Di ko kayang makita nasa Ospital si Sam dahil saakin.

Remember your FIRST (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon