Chapter113

197 4 0
                                    

"good job" sabi saakin ni Oliver nung nasa backstage na kami. Tsaka niya ako niyakap, para patahanin ako. Napangiti ako nang pinasan niya ulit mga luha ko.

"Nakita ko siya." sabi ko.

"nakita ko din siya, alam ko nagustuhan niya yung ginawa mo."

"baka nga lalo nagalit sa nakita niya, e diba..."Di ko natuloy sasabihin ko, kasi pinigilan niya ako.

"sa tingin mo iniisip pa ni Bryan yun, di pa kami formal na nag-uusap. Ramdam kong nagsisisi siya sa nagawa niya." paliwanag niya saakin.

At nag umpisa na kami ulit tawagin lahat para sabihin sino nanalo. Pitong school kami naglaban, hawak ni Oliver kamay ko. Buti hindi selosa si Pia, sabagay siya pala nagturo ng mga gagawin namin ni Oliver. Inumpisahan sa pagsabi ng 2nd runner up
sunod ang 1st runner up.

"So eto na yung huling envelop, nakapaloob dito kung sino ang Champion sa Singing Contest na to. Pero bago ang lahat, Congrats sa inyong lahat, So eto na yung winner... "
Humigpit yung kapit ko kay Oliver nakayuko at nakapikit na ako. Hinihiling kong sana kami.

"Samantha Buenavista and Oliver Sandoval...." Pagkasabi ng pangalan namin nagulat ako napatakip ako ng bibig, Sabay yakap ko kay Oliver pati siya niyakap ako. At nagsigawan yung mga ka-schoolmates namin lalo ang barkada, nakita kong sabay-sabay silang tumayo at sumigaw.

"Congrats!" sabi ko kay Oliver habang magkayakap kami.

"Ang galing mo!" sabi niya saamin." Lumapit na saamin yung magsasabit saamin ng medal.

"Once again Samantha and Oliver, Kakantahan nila ulit tayo." sabi ng Emcee.

Nag-umpisang tumugtog yung banda, hinawakan ni Oliver yung kamay ko at naglakad kami sa harap. Di ko napigilang lumuha. Pinunasan niya yung mga luhang yun at ngumiti siya. Inakbayan niya din ako tapos magkaharap ulit. Parang concert nga ginawa namin. At kung ano yung last part na pinakita namin ganun ulit ginawa namin. Nagpalakpakan yung mga nanuod saamin.

Matapos ng contest kumain kami sa labas.

"Congrats pala sa team." sabi ko.

"bakit di ka kasi nanuod?" sabi naman ni Matt.

"kinakabahan kasi ako para sa contest kaya nagpraktis ako. Tsaka alam ko namang ipapanalo niyo yung laro."

"di mo tuloy nakita paano mang-gigil tong si Bryan." sabi naman ni Al.

Nagpatuloy nalang ako kumain.

"grabe yung sainyo ni Oliver ha, highest level yung performance, sabi ko na kayo mananalo kasi ang ganda."

"Well, thank you kay Pia. Siya kasi lahat nagturo." Sabi ko.

"Buti naman at natapos mo yung kanta na di umiiyak." sabi naman ni Pia, nahiya tuloy ako kasi kasama namin si Bryan.

"Natapos nga niya pero sa dulo nung magkaharap kami may luha yan. Pinigil niya lang." pang-aasar ni Oliver.

"Damang-dama ba?" eto pa si Ras ginatungan pa kaya nagtawanan na lahat.

"may laban kami ulit bukas, ano manunuod ka ba?" tanong saakin ni Rick.

"Ewan ko pa. Malalaman bukas."sabi ko nalang.

Matapos kumain umuwi na kaming lahat. Si Oliver at Pia magkasama kasi hahatid niya si Pia sa condo. At yung iba nakasakay na din, Hindi na pinasama ni Jess si Al saamin pinagpahinga niya nalang, dahil iisa lang way namin apat kaming natira sa waiting shed.

"Sandali lang ha, iwan muna namin kayo, Papasama muna ako kay Ras. Wag kayo aalis ha." Tumakbo yung dalawa palayo saamin ni Bryan.

"hoy sandali sama ako." sigaw ko. Pero nakalayo na sila.

Remember your FIRST (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon