Chapter 59

324 9 1
                                    

Habang gumagawa kami ng projects, nagpatugtog si Bryan sa phone niya. Diko napigilang sabayan yung kanta.

"Ganda pala ng boses mo." sabi niya.

"Di naman, diko alam mahilig ka pala sa mga ganyang kanta. Haha.."

"Ah oo haha. Puro mga ganito kanta sa phone ko."

Nagfocus kami ulit sa ginagawa namin, pero diko naiwasang isipin parin siya.

"Hey! Are you ok?" tanong saakin ni Bryan. Napansin niya siguro sa mga kilos ko.

"I miss him :(" maikling sagot ko. Tsaka hinawakan ni Bryan kamay ko.

"Sabi ko na nga ba, miss mo na din si Oliver, kunwari galit pero namimiss din pala." sabi niya na natatawa.

"Tsk! Galit parin ako sakanya, bigla nalang siya nang iiwan na walang pasabi." galit kong sabi.

"Andito naman kami, Ako..." napahinto siya at nagtitigan kami, habang hawak kamay ko. Parang huminto yung oras sa huling binanggit niya.

Kita sa mga mata niya na concern siya saakin, na laging nasa tabi ko. Simula nung nawala si Oliver siya na yung nakakasama ko, pag may away kami ni Oliver siya din kasama ko.

"Ahem!!! Project ba ginagawa niyo o nagliligawan na." nagulat kami sa nagsalita, bumalik yung katinuan namin. At naghiwalay mga kamay namin.

"Hailey!" sabay naming banggit.

"Siya na ba Bryan?" tanong ni Hailey.

Hinawakan ulit ni Bryan kamay ko tsaka tumingin saakin, tinignan ko rin siya. Yung hawak niya iba sa pakiramdam yun bang sinasabing akong bahala sayo di ka niya magagalaw! Yun yung pakiramdam.

"Oo Hailey, kaya kung pwede layuan mo kami wag kang manggulo." sabi ni Brayn na mahigpit na pagkakahawak saaki. At culture shock parin ako sa sinabi niya kaya di na ako nakapag salita.

Sam ano ba tong pinasok mo. Mali to! Oo crush ko siya pero ano take advantage nalang? Maling mali Sam.

"She's Beautiful, pero mas maganda parin ako." sabi ni Hailey. Ok na biglang may segway na ganun.

"No, she's beautiful than you. Wake up Hailey. Kahit noon dika na maganda, sa simula akala ko iba ka, nung tumagal panget ng ugali mo. Ginamit mo lang ako para sumikat ka sa University na to."

"Sorry Bryan, diko din gusto nangyari. After lahat nang nangyaring yun nagsisi ako bakit ko nagawa sayo yun. Mahal parin kita Bryan nagseselos ako pag may kausap ka kasama kang babae, iniisip ko sana ako nalang ulit." sabi ni Hailey na parang iiyak. Ewan arte niya lang ata para makuha niya loob ni Bryan.

"Wala nang ibabalik Hailey, wag kana umasa na maibabalik ang lahat. Masakit saakin ginawa mo."

"Masakit din naman para saakin yun Bryan. Kaya nagsisisi ako sa ginawa ko. Sorry! Sana pwede pa."

"wala na akong nararamdaman sayo Hailey matagal na, kaya tumigil ka na. Si Sam na mahal ko ngayon" sabi ni Bryan na mas humigpit yung hawak saakin. Napatingin ulit ako sakanya.

Tumayo kami at binitbit niya mga gamit namin, at hinila niya ako.

"Saan tayo pupunta?" bulong ko.

"Kung saan tayo dalhin ng mga paa natin, ayoko siya makita!" sabi ni Bryan.

Hanggang sa garden kami nakarating.

"Sorry Sam!" sabi niya pagka upo namin.

"Dapat lang na mag sorry ka, mali to Bryan, maling mali."

"Alam ko mali yun, wala na kasi ako maisip para layuan niya ako. Sorry nagamit pa kita." tsaka niya ako niyakap.

Diko alam bakit di ako nagprotesta sa ginawa niya. Ewan bigla nalang gumaan yung pakiramdam ko.

"Di ka niya magagalaw, basta kasama kita. Ako pro-protekta sayo." sabi niya.

"Ok." sagot ko.

"Thank you kanina, sorry ulit!"

"Ok na yun, tapusin na natin tong mga to para ma pasa na din mamaya." sabi ko.

Sa garden na kami gumawa nun. Bigla ko naalala yung secret admirer ko, dito kami nagpunta at dito kami sumayaw. Tinignan ko si Bryan, wait yung ilong yung bibig...

"Bryan." tawag ko sakanya. At tumingin siya saakin. Yung mata niya... Parehas sila ng features.

"Why?" tanong niya... Pero baka mali ako di nga siya nagpunta sa ball diba? Nagkataon lang na parehas sila.

"Ah wala naman, gwapo mo pala" sabi ko, what? Ano sabi ko?.

"Wow thank you, sabi ko na nga ba may gusto ka saakin e, maganda ka rin." sabay smirked, at ako napangiti.

"Joke lang." bawi ko. Tapos sumimangot siya.

"Joke din pala sinabi kong maganda ka." sabi niya na natatawa. Haha ang kulit lang namin. Hanggang sa natapos nanamin yung projects. Kailangan din nila matapos kasi start na nilang mag practice yung seryoso na. Kasi next week na laban nila.

Biglang nag vibrate phone ko.

Sam nasaan kayo ni Bryan? Tapos na kami sa project.

"Si Jess nagtext, hinahanap tayo tapos na daw sila sa projects."

"Ah ganun ba? Tara na sa gym." sabi niya.

Dinala niya lahat ng ginawa namin. At lumabas ng garden.

Pagdating namin sa gym.

"Saan ba kayo nag date pare?" bungad ni Al.

"Baliw di kami nagdate, tinapos namin tong mga to sa tahimik na lugar. Kaya nawala kami dito sa gym" paliwanag ni Bryan.

"Saan sa sementeryo?" sarkastikong tanong ni Ras.

"Sa garden, may nanggulo kasi saamin habang gumagawa e, kaya lumayo kami." sagot ko naman.

"So tara na, ipasa nanatin to." sabi ni Jake

"Mabuti pa nga." sabi ni Bryan.

Habang naglalakad kami palabas ng gym at papunta ng faculty di mapakali yung dalawa na tanungin ako.

"Bakla anyare?" tanong ni Ras na pabulong. Nasa likod kami ng team.

"Si Hailey, nilapitan kami kanina ni Bryan. Tinanong kung ako na daw ba ipinalit sakanya."

"a..ano sabi ni Bryan?" tanong ni Jess.

"Sagot niya, oo ako daw, tapos hinawakan ako ni Bryan. Di ako nakapagsalita kasi nagulat ako. Gusto makipagbalikan ni Hailey kay Bryan."

"parang teleserye ha, ano sabi ni Bryan?" tanong ni Ras.

"Hindi na siya mahal, kasi ako na daw mahal niya, ok guys that was an act ok, wala yun. Kasi nagsorry siya saakin alam niya na mali ginawa niyang pag gamit saakin." paliwanag ko sakanila, kasi gusto na nila ako tuksuhin nung binitawan ko na ako na mahal ni Bryan.

Alam niyo naman tong dalawa. Pag nang-asar! Nakarating na kami ng faculty at pinasa namin yung mga projects kada subject.
______
Hello Readers, ok ba kayo dyan? Haha sensya ha, madalang ako mag update. Sana nagustuhan niyo mga scenes ng bawat chapter. Thank din sa mga votes niyo :)

Sa mga silent reader, kaway kaway. Hahaha

Basta enjoy lang. Marami pang mangyayari. Thank you ulit Readers godbless!

Remember your FIRST (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon