Chapter 11

749 15 0
                                    

Natapos ang araw na di na talaga ako pinansin ni Oliver, Sila Jess at Ras lang, di din siya saamin sumabay mag recess at maglunch kila Bryan siya sumama.

Mali ata yung mga ginawa ko, bakit ganito ULIT yung nararamdaman ko? Bakit galit, inis ang mga pinakita ko sakanya? Tama naman sinabi niya saakin na Move on na, kasi matagal na yun.

Nagagalit ako sakanya kasi bigla nalang siya nawala dati, sa bawat araw na dadaan hinahanap ko ang pang-aasar niya saakin. Kaya galit ako sakanya. Tapos bumalik siya kung kailan diko na siya iniisip kahit yung pang aasar niya.

Andyan nga siya pero parang wala din, di kami nag eexist sa isa't-isa..

*PAK!* Pumalakpak sa harap ko si Ras ng isang beses bigla akong nagising sa iniisip ko. Palabas na din kami sa Campus.

"Problema mo ba teh? Kanina kapa tulala, wag kang sasagot ng wala sasabunutan kita." mataray na tanong ni Ras

"Oo nga, ano ba problema? Andito kami oh! Nag eexist!!" singit naman ni Jess.

"Mali ba ginawa ko? Alam niyo na about saamin ni Oliver!" malungkot na sabi ko.

"Tsk! Natauhan ka no?" sabi ni Jess.

"kasi yung mga sinabi niya saakin, oo masama loob ko sakanya kasi sinanay niya ako noon na inaasar ako tapos bigla siyang aalis tapos ngayon babalik siya, lalo lang ako nainis, pero matapos ko marinig mga sinabi niya, masakit pala dito ( tinuro ko yung puso ko ) gusto ko siya kausapin kahapon, damayan man lang kasi di sila nagkasundo ng Mama niya, diko magawa kasi nagsalita na siya. Tama sabi niya move on na, pero iniisip ko paano pag nasanay ako ulit sa pang iinis niya saakin tapos aalis nanaman siya."

"Kausapin mo kaya! O baka iba na yang nararamdaman mo?" sabi ni Jess.

"Oy wala ha, diko din alam paano ko siya kakausapin kasi nga diba? Baka di din niya ako kausapin."

"gusto mo tulungan ka namin." sabi ni Ras mukang nabuhayaan naman ako dun.

"Sure kayo?" tanong ko.

"Oo naman, bukas sa garden ng recess dun kayo mag-usap! Kami bahala!" sabi ni Ras na parang kinikilig.

"Thanks Guys!" pasasalamat kong naka ngiti sakanila.

Actually Oliver is my First Crush. Dipa rin nawawala yun lalo ngayon mas lalo akong nagkagusto sakanya, gwapo, matangkad, mahilig sa music. Kaya ganun nalang galit ko sakanya nung iniwan niya ako.

Nasa kwarto ako ngayon at nakaharap sa komputer ko, clinick ko ang Ms Word at dun ko binuhos yung nararamdaman ko.

At narinig ko nanaman ang maganda at husky voice niya, sumilip lang ako sa kurtina at pinanuod ko siya.

" Was it all in my head?
In an empty bed
And I told you that I need you baby
Can't you see I'm alone oh oh?
I was lost in my feet
On an empty street
So I said you seemed infinity
You forever figures 5 and 3
You know oh oh"

Tapos bigla siyang huminto at huminga ng malalim. Dika may pag aalayan siya nung kinakanta niya? Diko naintindihan yung naramdaman ko kaya napahawak ako sa dibdib ko. Nakita ko siyang tumayo at pumasok sa kwarto niya.

Remember your FIRST (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon