Chapter 87

184 6 1
                                    

"Tara na sa gym!" Pag aaya nila Ras.

"Una na kayo dun susunod ako, may titignan lang ako sa library."

"Ok basta sunod ka." Sabi ni Jess.

Lumabas na sila ng room at ako nalang naiwan. Pagka ayos ko ng mga gamit ko bumaba na din ako sa building namin. Pupunta talaga ako ng library gusto ko iwasan si Bryan, nanggigigil parin ako sa ginawa niya.

Madadaanan kasi yung gym papuntang library. Malapit na ako dun ng may humarang saakin.

"Sam, please mag usap tayo. Di ko kayang ganito tayong dalawa."

"Ayaw kitang kausap!" Pagka talikod ko hinawakan niya braso ko at hinarap niya ako sakanya.

"Ano ba Bry!!! Di mo ba naiintindihan ha? Ayoko makipag usap sayo. Tsaka ikaw may kasalanan bakit ka nahihirapan ng ganyan."

"Kaya nga gusto ko ayusin diba? Gusto ko ipaliwanag ulit sayo lahat."

"Oy ano to? Bat nag aaway kayo? Sabi ni Rick!

"Tanungin niyo yang kaibigan niyo. Uuwi nalang ako" agad akong umalis at silang dalawa ang naiwan.

Alam ko malalaman din ng iba yung nangyari saamin. Mas lalo ko pa ata pinalala yung sitwasyon. Imbis na pumunta pa ako ng library umuwi na ako. Tinext ko nalang yung dalawa.

Pagdating ko sa bahay nagkulong ako sa kwarto.
_________________
Alam ko naman na hinihintay niyo POV ni Bryan. Paiikliin nalang natin. Hahaha so eto na.

Bryan's Pov

Naiinis ako sa sarili ko, dapat umamin nalang ako sakanya ng harapan hindi sana nangyari to. Matagal na ako may gusto kay Sam 1st year palang, pero wala akong lakas ng loob para umamin sakanya, minsan na akong naloko kilala niyo naman si Hailey, ayokong maramdaman ni Sam na gumaganti ako dahil sa ginawa saakin ni Hailey, iba si Sam. Ayaw niya ng sinungaling, dahil na rin siguro sa nagawa sakanya ni Oliver, ayoko naman ulitin yun, pero nagawa ko na. Paano ko ba maayos to?

"Ano ba nangyari Bryan?" Tanong saakin ni Jess. Lahat sila nasaakin ang atensyon.

"Ang tanga ko kasi, aamin na ako sainyo, ako yung secret admirer ni Sam."

"Takteng yan, ikaw Bryan? Kung ako si Sam magagalit din ako, kasama mo na ako araw araw, dika pa umamin may ganyan ka pang nalalaman. " Nagulat si Matt.

"Ugh! Di ko alam na magiging ganito."

"Kaya pala sabi ni Sam nung Prom, di natin kayang saktan yung secret admirer niya. Yun pala kaibigan natin secret admirer niya."

"Ayaw pa naman ni Sam ng sinungaling." Sabi ni Jess

"Alam ko, wala kasi akong lakas ng loob para umamin sakanya ng harapan kaya dinaan ko sa sulat, ilang beses niyo din ako nahuli na hawak yung letter pero tumatanggi ako."

"Ewan ko sayo Bryan, dapat nagpatulong ka saamin, ayan napala mo." Sabi ni Jack.

"Ngayon pwede niyo ba ako tulungan?"

"Sige kami bahala. Pero sana wag muna uulitin kung sakaling patawarin ka niya."
Sabi ni Ras.

"Kakausapin namin siya." Sabi ni Jess.

"Salamat!"

"Tara na umuwi para makausap na din nila si Sam." Sabi ni Al.

At umuwi na nga kami. At ako nag iisip anon paran ko para maging ok na kami ulit.
______________

Remember your FIRST (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon