Chapter 104

163 5 0
                                    

Sam's Pov

"Ok ka lang?" Tanong saakin ni Jess. Bigla nalang tumulo ulit mga luha ko, sa tanong ni Jess at kumirot lalo ang puso ko.

Niyakap nalang nila ako. Iba tong nararamdaman ko kay Bryan hindi gaya ng kay Oliver noon. Mahal ko si Bryan, kala ko iba siya bakit sinaktan niya ako ng ganito?

"Hello?" Biglang may tumawag kay Jess.

"Andito na yung Van."

"Sige papunta na kami."

"Tahan na, andyan na daw yung Van." Pinunasan ko luha ko at sinuot ko ulit yung hoodie ko at yung shades ko. Pagdating namin doon nakasakay na lahat, kaming tatlo nalang yung hinihintay. Binuksan ni Al yung pintuan. Nakita kong si Oiver at Pia nasa likod at si Al, paglingon ko nasa passenger seat si Bryan.

"Sam pasok na!" Sabi ni Al. Kaya pumasok na ako! Alam niyo yung parang slow motion lahat nung pumasok ako ng van.

Tumabi saakin si Ras. Sa may tabi ako ng bintana umupo. Tinanggal ko yung shades ko, wala na rin naman makakakita. Umalis na kami ng resort at nagbyahe na pauwi. Bahagya akong tumingin kay Bryan kahit nakatalikod siya saakin, di ko napigilang mapaluha. Agad kong pinunasan, hinimas lang ni Ras balikat ko. Medyo barado na din ilong ko, kaya diko napigilang suminghot.

"Are you ok Sam?" Tanong ni Pia na nasa likod ko. Di ko na siya nilingon.

"Ok ako, don't worry! Dahil siguro sa aircon."

"Manong pakihinaan nalang po yung aircon." Sabi naman ni Pia.

"Ah wag na, baka mainitan kayo, wag na manong ok na po yan."

"Sure ka?" Tanong ni Pia.

"Mmm.." Sagot ko. At huminga ako ng malalim.

Tahimik lang naging byahe namin, di din ako nakatulog nakatanaw lang ako sa bintana. Hanggang sa nag stop over para kumain at makapag cr din. Niyaya ako nila Jess bumaba pero nanatili ako sa loob ng van, ako lang mag-isa! Nakarecieve ako ng text kay Jess na hindi sumabay sakanila si Bryan kumain. Sa iba daw nagpunta! Pagbalik nila dinalahan nila ako ng pagkain. Di ko rin nakain, wala akong gana kumain. Habang nasa byahe binuksan ni Ras yung radio. Napapansin na din siguro ni Oliver at Pia yung sitwasyon namin ni Bryan, pero pinili nalang nila na wag magtanong.

Sa oras na to gusto ko na tumakbo pauwi at magkulong sa kwarto ko. 2 oras pa titiisin ko na kasama ko si Bryan dito sa Van. Hindi man lang niya ako kinakausap, lingunin, o sulyapan man lang. At huminto na saamin yung Van, bumaba kami nila Jess, Ras, Oliver at Pia. Di siya bumaba ng Van. Huminga ako ng malalim, tsaka nagpaalam kila Jess at Ras pati na din kay Pia at Oliver. Pumasok na ako sa loob sinalubong ako ni Mama sa loob, at di ko napigilang umiyak at niyakap si Mama.

"Oh bakit ka naman umiiyak? Namiss mo ko no? Si Bryan?" Nung binanggit niya yung pangalan ni Bry, mas lalo akong umiyak.

"Hay bata ka, bakit ka umiiyak? May nangyari ba? Nag away ba kayo?"

"Ma... Wala na kami ni Bry..." At umiyak ako ng umiyak. Niyakap ako ni mama ng mahigpit!

"Hay! Sige iiyak mo lang yan. Mawawala din yan! Handa ako makinig kung handa mo na saakin ikwento lahat. Sa ngayon magpahinga kana, halika na!" Inalalayan ako ni mama papunta sa kwarto ko. Ayaw parin tumigil mga luha ko.

"Tama na, ipahinga muna mga mata mo, sige na dito lang ako."
Humiga ako at humiga din si mama na nakayakap saakin. Ang sarap din sa feeling na dinadamayan ka ng Mama mo sa ganitong sitwasyon. Sasaluhin ka pag down ka na!

Oliver's Pov

"Napansin mo ba sila Bryan and Sam kahapon nung pawi na tayo? bakit di sila nagpapansinan?"

"diko din alam, gusto ko din kausapin si Sam."

"oo nga, bestfreind ka niya kaya dapat i-comfort mo siya."

Di na ako umimik, alam niya din na nag-usap kami ni Sam, Actually nagpaalam ako sakanya. Tinutulungan ko siyang mag ayos ng mga gamit niya, ngayon na kasi siya lilipat sa condo na binigay ng daddy niya sakanya. Matapos mag ayos, nagpaalam na siya kay Mama at kay Papa. Pag weekeends dito siya mag stay saamin. Sumakay kami sa kotse, tsaka kami umalis.

"kailan mo balak kausapin si Sam?" tanong niya.

"di ko pa alam, tsaka baka di niya din ako kausapin."

"pwede bang di ka niya kausapin? kailangan niya ng kaibigan, bestfriend na laging nandyan sa tabi niya. Ngayon ka bumawi, maging bestfriend ka sakanya lalo ngayon. Ok?"

"ok lang sayo?"

"Ano ka ba? ok lang saakin, Look Oliver, girlfriend mo ko handa ako tumulong sa mga problema mo lalo sa mga kaibigan mo higit sa lahat sa bestfriend mo. ayoko namang mag mukang kontrabida sakanila, kung sino mga kaibigan mo kaibigan ko na din. Tsaka alam ko naman yung sainyo ni Sam, At thankful ako kasi honest ka saakin, kung ano pa yung nangyari sa resort kiniwento mo lahat. At pinatawad kita, may tiwala ako sayo, andito ako para tulungan ka."

"thank you Pia, swerte ko ikaw ang girlfriend ko."

Flashback...

Pagtapos namin mag-usap ni Sam noon, umalis na din ako. Nakipag-kita ako kay Pia, tinext ko saan kami mag kikita. ilang minuto dumating siya.

"may naging problema ba sa pag-uusap niyo?"

"sorry Pia, Sorrry!"

"o bakit ka naman nag-so-sorry?"

"Binalak ko na ibalik yung dati, inamin ko na gusto ko pa siya, kahit alam kong may girlfriend ako at may boyfriend siya. Akala ko may feelings pa siya saakin kahit sila na ni Bryan, pero mali ako. Si Bryan na yung mahal niya. Sorry Pia... Sorry..." Tsaka ko siya niyakap.

Akala ko magagalit siya, ipagtatabuyan niya ako. Pero hindi! Niyakap niya din ako ng mahigpit.

"Ok lang, pinapatawad na kita, kasi saakin ka parin tumakbo at naging honest ka saakin. Mahal na mahal kita Oliver, tutulungan kita." Sabi niya. Mas lalong humigpit yakap ko sakanya.

Nakarating na kami sa condo niya. Ok lang yung laki para sakanya, mag-isa lang naman siya. Nagsimula na kami ayusin mga gamit niya at naglinis. Ako yung nagwalis siya yung nag cover ng kama niya pati mga unan niya. Siya na din naglagay ng kurtina.

"Gusto mo samahan kita sa grocery after natin dito, para may mga stock ka dito at may mga gamit ka?"

"Sure, may malapit namang mall dito, walking distance lang. Shower muna ako. Gusto mo buksan mo yung tv." Sabi niya at kumuha na siya ng pamalit niya sa cabinet niya.
At ako binuksan ko nga yung tv habang hinihintay siya. Maya-maya lumabas na din siya sa cr at nag ayos lang siya saglit.

"Tara na!" Sabi niya sabay kuha ng susi at yung shoulder bag niya. In-off ko na din yung tv. At lumabas na kami ng unit niya at lumabas na sa condo.

Remember your FIRST (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon