Chapter 1

3.6K 34 1
                                    

Once Upon A Time may magkababata na di magkasundo inis na inis sila sa isa't-isa. Madalas na usapan nila ang asarin ang bawat isa.

Natahimik ang mga mundo nila nung nag migrate ang family nila Oliver, may kailangan silang ayusin dun, kaya walang natira sa bahay nila. Sobrang close ang mga pamilya nila ni Samantha kahit madalas silang nag aasaran. Sa katunayan magkatabing bahay lang sila.

First year highschool na si Samantha ngayon. Hanggang ngayon dipa sila nagkikita ni Oliver.

Samantha's Pov

"Ma... May titira na ba sa bahay na yan?" (referring sa bahay nila Oliver)

"Oo anak, bukas sila titira dyan! Bakit ayaw mo bang may ibang tumira dyan gusto mo sila Oliver parin?"

"ay naku Ma nang-asar ka nanaman! Sige na po papasok na ako, baka malate ako, first day pa naman. Bye Ma!"

Humalik ako kay Mama tsaka umalis na, sumakay na ako ng tricycle. Sa isang subdivision kami nakatira, medyo mayaman kami. Kaya tricycle kasi si papa ang gumagamit ng kotse. Isang engineer si Papa si Mama public teacher.

Pagdating ko ng school, dumeretso na ako sa building ng freshman,para hanapin pangalan ko.

"Sam!!!" tawag saakin ni Jess at ni Ras.

Actually kababata namin sila ni Oliver, si Jessa/Jess for short. Si Ras half half siya alam niyo na point ko. Sila talaga yung nakasundo kong kababata.

"ang daya niyo, bakit di niyo ko sinundo sa bahay, nakakatampo kayo!"

"ay naku bakla wag ka na magtampo, makakaklase naman tayo." sabi ni Ras.

"seriously???" simula elementary magkakaklase kaming tatlo, wala talagang iwanan. At laging nasa first section di naman kami katalinuhan pero matataas naman grades namin.

Sa isang University kami nag-aaral simula't-simula palang di na ako magugulat pag iiwan nanamin ang University na to na may LOYALTY AWARD.

"Yeah, at first section tayo girl!" sigaw ni Jess na parang kinikilig.

"Wow! Great! Tara na." sabi ko, magkakasama kaming pumunta ng room.

Dipa kami nakakarating sa room nagbell na hudyat na Flag Ceremony na. Kaya napatakbo kami papuntang room para maibaba yung gamit namin.

Nung naibaba nanamin sumabay na kami sa mga kaklase namin pumila. After flag ceremony balik na ulit sa room.

Sa likod kaming tatlo umupo bali may isa pang bakante. Dun ko nilagay gamit ko.

"Kinakabahan naman ako, kasi magpapakilala tayo isa-isa!" sabi ni Jess.

"Relax girl, kunin mo sila sa ngiti gayahin mo ko, haha!" sabi naman ni Ras

"Good morning Class! Im your Adviser Mrs. Elena Sebastian. Ang subject niyo saakin is English. Ineexpect ko na masipag kayo sa subject ko. Actually di naman ako terror, mabait ako sa mabait yan nalang tandaan niyo. Ngayon kayo naman ang mapapakilala, mag start tayo sa dulo. You ( turo kay Rusty ) stand up punta ka dito sa harap. Introduce your self!.

"Good morning Ma'am, Good morning Classmates I'm Rusty Adrian Fuente but you can call me , Ras wag lang Adrian please! ( at nagtawanan kaming lahat sa kilos niya. ) ok thats all!" rumampa siya pabalik sa upuan niya, habang kami pati teacher namin natatawa sakanya.

"Ok thank you Rusty este Ras,  masaya una nating meeting ha, ok next!"

"Im Jessa Jane Domingo but you can call me Jess o Jj for short" bumalik na ulit siya sa upuan niya.

Ako na ang susunod, kaya tumayo na ako!

"Hi I'm Samantha Buenavista, just call me Sam for short!"

Bumalik na ulit ako sa upuan ko, napatuloy ang klase sa pagpapakilala. Hanggang makarating sa harap.

Maraming New Faces, yung iba naming naging kaklase nung Elementary dito din nag aral. Pero nasa ibang section sila. At ying iba sa ibang school nag-aaral. Pero bast kaming tatlo magkakasama masaya na ako dun.

Remember your FIRST (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon