Chapter 34

646 10 1
                                    

Nakarating na kami sa kakainan namin, malapit din sa school. Eto ang tambayan ng iba after class, lalo mga college students. Actually ngayon palang kami makakakain dito, Eh di naman kami palatambay nila Jess at Ras.

Si Coach na ang umorder ng pagkain naming lahat. Marami pagpipilian may mga street foods like fishballs, kikiam, kwek-kwek etc. Meron ding hamburger buy 1 take 1, footlong at meron din silang ispageti, palabok, pancit. Masarap daw dito sabi nila, well halata naman kasi ang daming estudyante, buti nakakuha kami ng pwesto.

Hinihintay nalang namin si coach. Medyo gutom na din ako.

"gutom ka na ba?" tanong ni Bryan na kaharap namin.

Katabi ko kasi yung dalawa, ako nasa gitna nila. So si Oliver at Bryan nasa harap namin.

"medyo lang. Hehe!" sagot ko. Diko akalain na magiging close kami ng ganito.

"Bryan ako gutom na." singit naman ni Ras.

"tss... Hintayin nalang natin si Coach." sabi ni Bryan na napakamot sa ulo.

"grabe ka Ras, di ka din ano e!" sabi ni Jess.

"inggit ka nanaman teh?" sabi ni Ras.

"tumigil nga kayong dalawa. Hehe" pagsasaway ni Bryan sa dalawa.

"ano kaba? Natural lang saamin ni Jess na ganito, di kami nag aaway." pagpapaliwanag naman ni Ras.

"akala ko kasi nag aaway na kayo e!" sabi naman ni Bryan.

"masasanay ka din sa dalawang yan." sabi ko kay Bryan, tsaka kami nagtawanan.

"oh eto na pagkain natin." sabi ni coach. Dala niya yung dalawang bilao ng palabok. Tapos binigyan kami ng plato at kutsara't tinidor sinunod din ng waiter yung mga inumin namin.

Nag umpisa na kaming kumain lahat. Kwentuhan at tawanan pinagsaluhan naming lahat. Halos close na din namin yung ibang players. Actually nakakahiya kasi tatlo kaming sabit sa team, pero alam niyo yung ang warm ng pag welcome nila saamin, ang gaan pala sa pakiramdam.

Paano since nung bata pa kaming tatlo nila Ras at Jess dikit na kami. Hindi namin nagawang makipag socialize sa iba. Di naman kami yung tinatawag na LOSER. Di din yung famous na tinatawag siguro nasanay nalang kami, na kami lang na tatlo. At puro aral inatupag namin.

"oh Ras, Jess at Sam kumain lang kayo ah, marami to. Wag kayo mahiya."

"thank you po!" sagot naming tatlo.

Actually busog na din ako. Baka di na din kayanin ng sikmura ko. Matapos ang kainan kasama ang team. Nagsiuwian na kami, syempre nagpasalamat kami kay coach. Magkakasabay kaming lima sumakay ng jeep.

Di ko alam bakit ganito nararamdaman ko, feeling ko ang awkward pag katabi ko siya pagkausap niya ako. Dahil ba sa hinalikan niya ako? Bakit niya kasi ginawa yun?..

"Sam... Hello Sam! Bababa na po tayo." sabi ni Jess na wini-wave niya ang kamay niya sa harap ko.

"ha??" sagot ko.

"bababa na kasi tayo, ano bang nangyayari sayo ha?" sabi naman ni Ras.

"ha? Wala tara na!" sabi ko nalang.

"uy teh pacheck-up ka baka may sakit ka, natatakot kami sa kinikilos mo." sabi ulit ni Ras.

"oo nga, ano ba nanyayari sayo?" sabi naman ni Oliver na parang di niya alam ang nangyayari saakin.

"guys ok ako, wala to." sagot ko sakanila tsaka ako ngumiti.

"sige pahinga ka ha. Dito na kami ni Ras. Oliver alalayan mo yan ha." sabi ni Jess.

"oo ako bahala, dito na kami." sagot ni Oliver.

"bye" sabi ko nalang.

Ayan kami nalang dalawa naglalakad pauwi. Medyo nakaramdam ako ng hiya. Di naman ako ganito nung nakatabi ko siya sa kama ko. Iba kasi to e!

"Sam... About dun sa ginawa kong ahmmm... Sorry!" sabi ni Oliver.

"huh??.. Bat mo ginawa yun?" mahinahon kong tanong. Nahihiya na din kami sa isa't - isa, napakamot pa nga siya sa ulo niya.

"i don't know, nagulat din ako sa ginawa ko sayo. Di ko alam paano kita papatahanin kasi umiiyak ka. Sorry! Ok lang kung hampasin mo ko ngayon o kaya suntukin kasi..." di ko pinatapos sasabihin niya.

"alam mo ba first kiss ko yun? Nakakatawa lang kasi gusto ko ang first kiss ko sa mismong kasal ko at sa lalaking karapatdapat kong bigyan nun, diko akalain bigla nalang nawala yun." ngumiti nalang ako sakanya. Kitang kita pagkahiya niya saakin.

"Sorry Sam di ko talaga sinasadya, nagulat lang din ako. Di ko alam na... Hay ano ba ginawa ko? Tsss..."

"Ok lang, basta wag muna uulitin yun." sabi ko.

"promise diko na uulitin yun". Sabay taas ng kanan kamay niya.

"Kamusta pakiramdam mo?" tanong ko sakanya.

"ok naman kahit kaninang naglalaro ok lang ako." nakangiti niyang sagot.

"ok? E halos di kana makahinga kanina. Nakakainis ka! Buti nga pinagpahinga ka ni Coach. "

"sorry, peace tayo. Ayoko pag awayan natin to, ok? Sige na pasok ka na." sabi ni Oliver.

"salamat, pahinga kana din." tsaka ako pumasok sa gate.

"oh ginabi ka ng umuwi?" tanong ni Mama, di naman siya galit e.

"nanuod po kami ng laban ng basketball sa school, tapos ayun champion school namin. Niyaya pa kami ng coach na sumama at kumain dahil sa pagkapanalo, e kaibigan naman daw kami ni Oliver. Kaya eto ginabi na po uwi ko."

"sige, pahinga kana." sabi ni Mama.

"ikaw din Ma." umakyat na din ako sa taas. Di na din ako nakakain, busog na din naman ako.

Nagpalit na ako ng pantulog ko, tsaka ako humiga sa kama ko. At nag flashback yung mga nangyari kanina, ang sigawan at hiyawan sa gym habang nakapikit at umiiyak. At biglang may humalik saakin. Diko nakontrol ang kamay ko na dumampi sa labi ko.

Remember your FIRST (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon