Chapter 52

368 9 1
                                    

Labas ka sa lungga mo, miss na ko na kasi bestfriend ko.

Yun nakalagay sa note, loko to! Ok na din lumabas, tatanong ko bakit di siya nagrereply sa mga text ko. Binuksan ko na yung sliding door. Nakita ko siya nakaupo sa terrace niya.

"Psstt.." sitsit ko.

"Andyan kana pala, namiss kita." sabi niya. Tsaka siya tumalon sa terrace niya papunta sa terrace ko.

"Kamusta?" tanong niya.

"Ok naman, masaya! Sayang nga e wala ka. Maghapon ka ata natulog."

"Ah oo, sumakit din ulo ko, tapos wala pa akong load kaya di kita nareplayan. Bakit ano nangyari? Kwento ka naman." sabi niya.

"namili kami ng school supplies, sa di inaasahan andun din si Bryan, tapos ayun nilibre kami ng lunch after nun naglaro kami sa quatum talo nga kami e, kasi magkakampi kami ni Bryan. Basketball nilaro namin. After nun pinagtripan niya si Ras. Ang ending naghabulan kami sa mall." kwento ko na may halong tawa.

"Sayang di ako nakasama, pero ok lang basta nag enjoy ka, masaya ako dun. Pag may umapi sayo at nagpaiyak lagot saakin." sabi niya.

"Sus, ikaw lang naman nagpapaiyak saakin!" sabi ko.

"Hindi ah! Hehe"

"Kailan ka pala bibili ng school supplies mo para masamahan kita." sabi ko.

"ah meron na, si Mama kasi excited bumili kaya siya na bumili."

"ah ganun ba? Ok kana na ba?"

"oo napahinga ko naman na e. Wait kakantahan nalang kita."

Nagsimula na siyang kumanta, pero iba tong nararamdaman ko sa pag strum palang niya ng gitara. Pinakinggan ko lang siya habang magkatabi kami na nakaupo sa sahig.

Wala naman sigurong meaning yung kinakanta niya diba? Di naman siya mamamaalam diba? Kumakanta lang siya Sam relax lang. Magka eye to eye kami habang kumakanta siya. Kung titignan mo may meaning talaga e. Pinipigilan ko lang umiyak, pero kahit anong pigil tumulo parin luha ko. Bigla siyang ngumiti, loko to pinaiyak na ako lahat natatawa pa siya.

After niya kumanta, pinunasan niya luha ko gamit ang dalawang kamay niya.

"Ayokong umiiyak ka, nasasaktan ako. Gusto ko masaya ka, nakangiti lagi, mas nasasaktan ako pag nakikita ko mga luha mo." sabi niya.

"Ikaw kasi e!" sabi niya tsaka niya ako niyakap.

"Alam ko naman na ako lagi nagpapaiyak sayo, Simula nung dumating ako dito, kaya nga diba masakit din saakin. Sorry Sam!" sabi niya habang hinahaplos yung mahaba kong buhok.

Mas naiyak ako nung nag sorry siya. Malungkot yung dating ng oras naming dalawa. Ang bigat sa pakiramdam. Hinalikan niya ako sa noo ng matagal.

"wag mo ko iiwan ha!" sabi ko.

"Hinding hindi kita iiwan, di din pagpapalit ikaw lang." sabi niya.

"Sabi mo yan ha, di mo ko iiwan?"

Ngayon nakasandal na yung ulo ko sa balikat niya habang nagkwe-kwentuhan kaming dalawa ng mga bagay bagay, tungkul sa future namin. Pero ang mas masakit tanggapin yung mga sinabi niya.

"diko pa alam ano plano ko sa future, lalo dala ko pa ang sakit ko. (tumawa siya ng konti) Siguro mamamatay nalang ako ng diko na sasabi yung nararamdaman ko sa babaeng lihim kong iniibig, ayoko masaktan siya sa huli." sabi niya. Ang swerte nung babaeng yun. Sana ako nalang Oliver. Tsaka ako pumikit, at pumatak ang huli kong luha.

Kinabukasan

Nagising nalang ako nakahiga na ako sa kama. Wala si Oliver sa tabi ko, nakatulog siguro ako sa labas nung magkasama kami.

Pagbangon ko napansin ko yung note sa table ko.

I'm so sorry :( I'm sorry!

Halatang may tulo ng luha nung binasa ko yun. Umiyak ba yun nung sinulat niya to? At bakit naman siya bag sosorry?

Bumangon na din ako, at lumabas sa terrace. Sinilip ko yung kwarto ni Oliver. Sarado pa! Trinay kong tawagan pero cannot be reach. Kaya tinext ko!

Pst! Bakit ka nag so-sorry?

Pagka send ko nun, bumaba na din ako.

"Good morning" bati ni Mama.

"Morning!" sagot ko.

"kain kana ha, aasikasuhin ko muna yung garden!"

"ok Ma!"

Kaya kumain na ako, sinilip ko din phone ko, pero wala paring siyang reply. After ko kumain, pinuntahan ko si Mama.

Umupo ako dun sa tanaw bahay nila Oliver.

"Hinahanap mo siya?" sabi ni Mama habang busy sa pagkalkal sa lupa.

"Nope!"

"hindi ba talaga? Halata kaya!" sabi ni Mama.

"amp!"

"Umalis sila, diko alam kailan babalik! Nagpaalam si Ninang mo kanina."

"saan daw sila pupunta? Tsaka bakit matatagalan?"

"Di na din sinabi ng Ninang mo."

"dapat tinanong niyo po!" sabi ko tsaka ako tumakbo pumasok sa loob ng bahay deretso sa kwarto ko.

Pagpasok ko diko napigilang umiyak! At lumabas sa terrace at kinausap yung terrace ni Oliver.

"sabi mo di mo ko iiwan, sinungaling ka Oliver!!! Gusto na pala magpaalam dinaan mo pa sa kanta. Bakit di mo nalang sinabi saakin na aalis ka. Naiinis ako sayo! Sinungaling ka, sinungaling ka , galit ako sayo!"

Eto na yung huling iyak ko dahil sakanya. Sana di na siya bumalik!
_______

Grabe ang drama Sam ha! Saan ba kasi nagpunta si Oliver?

Kayo guys alam niyo ba? Tsk!

So yun ayan ang abangan niyo. Maghihintay ba si Sam o talagang nagalit na siya kay Oliver dahil di niya pinanindigan yung pangako niya. Hmmm... Iniisip ko na yung susunod na Chapter.

Thank you Readers :)

Remember your FIRST (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon