Chapter 105

183 4 1
                                    

Pagdating namin sa mall, pumunta kami sa hypermarket. Kumuha ako ng cart! At lahat ata ng magagamit at makakain binili niya. Simula sa banyo hanggang kusina. Dumeretso na din kami sa cashier at nagbayad na siya. Matapos nun niyaya niya ako kumain, ano oras na din kasi, inabutan na kami ng dinner, pumasok na ka mimsa isang kainan at dun kumain.

"Mag stay muna ako sa condo mo. Bukas na ako uuwi."

"Sus! Wag na magpahinga ka na sainyo. Tsaka gusto ko kamustahin mo si Sam kung makakapag usap kayo ngayon, tapos balitaan mo ko."

"Baka nga ayaw niya ako kausapin e."

"Kakausapin ka nun, tsaka next time kana mag stay sa condo. Next week pasukan na din."

"Ok po." Matapos namin kumain bumalik kami ulit sa condo. Nilapag namin mga pinamili namin.

"Sige na ako na bahala dito, umuwi ka na. Pasabi din kay Tita at Tito na thank you."

"Sure ka?sige sabihin ko. Mag-ingat ka dito ah, tawag ka lang pag may problema. Tsaka wag mo bubuksan yung pinto pag di mo kilala yung tao. May silipan naman sa pinto. Ok?"

"Copy po! Thank you Oliver!" Tsaka niya ako niyakap at kiniss pero smack lang."sige na, gabi na din. Ingat ka. Text mo ko pag naka-uwi kana."

"Copy po!" Tsaka kami tumawa at hinalikan ko siya sa ulo. At umalis na ako.
Pagdating ko sa bahay, gising pa sila Mama at Papa.

"Dyan ka na pala, ok ba si Pia sa titirahan niya?" Tanong ni Mama.

"Yes Ma, maganda dun tsaka pinalalahanan ko na din. Tinulungan ko mag-ayos namili ng mga kailangan niya. At sabi niya thank you din sainyo. Sige Ma pahinga na din po ako."

"Sige Anak!"

Pagpasok ko sa kwarto ko, nakarinig ako ng kanta. Malungkot yung dating!. Sumilip ako sa sliding door ko. Naka-upo si Sam sa terrace niya habang dinadama yung kanta. Naglakas ako ng loob lumabas.

"Ahem... Ahem..." Pagpapapansin ko.

"Tsss..."

"Gabi na bat andito ka pa?" Tanong ko.

"E bat ikaw din naman ah!"

"Sasabihin ko sana hinaan mo yang pinapatugtug mo, nakaka istorbo kasi." Patalikod na ako bigla niya ako pinigilan.

"Sandali, ahm... Pwede mo ba ako samahan dito?" Tumingin ako sakanya at naglakad ako at naupo ako. Di na ako tumalon papunta sa terrace niya.

"Si Pia?" Tanong niya.

"Hinatid ko na sa condo niya kanina."

Kung kausapin niya ako parang wala kaming napag usapan nung nasa resort kami.
"Ah ganun ba?"

"mm." Sagot ko.

Bigla nalang siya umiyak, may mali ata!.

"Iiyak mo lang yan, handa ako makinig kung ano pa yan. Gusto ko bumawi sayo, handa ako maging kaibigan mo... Maging bestfriend mo ulit! Alam ko mali yung ginawa ko nung nasa resort tayo. Tanggap ko na na dito nalang tayo. Kaya kung ano pa yan, handa akong makinig sayo."

"Wala na kami ni Bryan..." Pagkasabi niya nun, mas lalo ako nasaktan sa sinabi niya. Di na ako nagsalita. "Nakita niya tayo na magka-usap, baka di lang yun ang nakita niya. Nakita niyang magkayakap at hinalikan mo ko sa ulo ko. At nung gabing yun hiniwalayan niya ako. Kahit nag explain ako sakanya."

"Ugh!! Kasalanan ko to e! Kaya pala kahapon di kayo nagpapansinan. Kakausapin ko nalang siya, matulog kana. Wag ka na umiyak."

"Thank you kasi andyan ka parin kahit maraming nangyari."

"Marami akong kasalanan sayo. Gusto ko ayusin natin, at ngayong may pinagdadaanan ka andito ako, dito man lang makabawi ako sayo. Sige na matulog ka na."

"thank you Oliver, goodnight!" tumayo siya at pumasok na sa kwarto niya.

"goodnight"

____*****____

"Good morning po Tita, si Sam po?" nasa may labas kasi Mama ni Sam inaayos mga halaman niya.

"Nasa kwarto niya, ayaw pa lumabas e!"

"Pwede ko po ba siya puntahan? tsaka ipapa-alam ko na din po na ilabas siya. May pupuntahan lang po kami."

"Sige, para naman malibang yan. Broken hearted kasi." natawa pa si Tita nung sinabi niya yun, kaya ako natawa na din.

Umakyat na ako sa taas nila at tinungo ang kwarto niya. Kumatok ako pero di siya sumagot.

"Sam, ako to si Oliver!"

"bakit nandito ka?" tanong niya.

"may sasabihin ako kaya buksan mo tong pinto mo." maya-maya binuksan niya.
Natawa ako sa itsura niya di parin nagbabago. Pumasok ako tsaka ko tinungo yung damitan niya.

"ano bang ginagawa mo? wag mo nga buksan yan at guluhin." galit na sabi niya sakin. Di ako nakinig sakanya. Pumili ako ng damit para sakanya.

"suot mo yan, bibigyan kita ng isang oras para kumilos. Nasa sala lang ako. Wag ka na magtanong pinag-paalam na din kita. Kaya kilos na." tinayo ko siya at hinila sa banyo niya.

"huy ano ba to? huy!!" sigaw niya. Tumalikod ako tsaka kumaway sakanya.
Lumabas na ako ng kwarto niya at hinintay siya sa sala nila. Bigla nalang ako napangiti kasi ok na kami ulit ni Sam.

Sana nga ok na talaga. Tinignan ko yung orasan ko, maya - maya lumabas na siya. Tinignan ko siya, medyo nakasimangot lang! napangiti ako lalo.

"ano ngini-ngiti mo dyan?"

"sungit naman nito, tara na" Nagpaalam na din kami sa Mama niya! Sinakay ko siya sa kotse.

"saan ba kasi tayo pupunta?" tanong niya.

"basta, tsaka thank you kasi sasamahan mo ko."

"haay.. sige na"

Agad niya sinalpak yung earphone niya sa tenga niya, pero kinuha ko yung phone niya. Tsaka ko kinonek sa radyo na kotse. At inagaw niya, hindi para bawiin para mamili ng kanta. Ngumiti ako, ngumiti din siya. Masasabi ko talagang ok na kami. Walang feeling na awkward...

Minsan sumasabay kami sa kanta, at napapansin ko din na sinasabay niya yung daliri niya sa tugtog. Pag malungkot yung kanta, di ko mapigilang tignan kung ano itsura niya. gusto niya maluha na parang hindi at nakatanaw sa labas. Hinawakan ko siya sa balikat.

"ok ako, wag ka ngang oa! Kaya ko to."

Nakarating kami sa isang amusement park.

"anong gagawin natin dito?" tanong niya.

"basta, tara?"

Sinundan niya lang ako at pumunta kami sa bilihan nang ticket. Kinuha ko yung kamay niya at hinila ko siya papasok.
____________

Hello Readers, kamusta kayo? Wala na atang nagbabasa ng story na to 😖 ok lang! Sorry natagalan din mag update, busy din ako.

Comment kayo ano masasabi niyo sa update ko, maganda yung next chapter pero di ko pa a-update. Hahaha.

Thank you parin sa mga sumusuporta.

Happy Reading 😆

Remember your FIRST (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon