Chapter 70

170 4 0
                                    

Malapit lang din sa school yung kinainan namin. Eto ang tambayan ng iba after class, lalo mga college students. Actually ngayon palang kami makakakain dito. Si Coach na ang umorder ng pagkain naming lahat. Masarap daw dito sabi nila, well halata naman kasi ang daming estudyante, buti nakakuha kami ng pwesto. Hinihintay nalang namin si coach.

"gutom ka na ba?" tanong ni Bryan kay Sam. Mmmm... Mukang may gusto to kay Sam.

"medyo lang. Hehe!" Sagot naman ni Sam. At mukang kinikilig.

At di nagpatalo si Ras, sumingit din. Pero di siya pinansin ni Bryan. At sila naman ni Jess ang nag asaran, nakakatuwa lang sila. Ano kaya pag wala kaming Ras na nakilala, ang lungkot siguro ng grupo.

At dito na nga naki alam si Bryan. "tumigil nga kayong dalawa. Hehe"

"ano kaba? Natural lang saamin ni Jess na ganito, di kami nag aaway." pagpapaliwanag naman ni Ras.

"akala ko kasi nag aaway na kayo e!" sabi naman ni Bryan.

"masasanay ka din sa dalawang yan." sabi ni Sam,at nagtawanan ang lahat.

Naabutan kami ni nagtanan, inilapag na sa table yung dalawang bilao ng palabok.

"oh eto na pagkain natin." sabi ni coach. Dala niya yung dalawang bilao ng palabok. Tapos binigyan kami ng plato at kutsara't tinidor sinunod din ng waiter yung mga inumin namin.
Nag umpisa na kaming kumain lahat. Ganun din Kwentuhan at tawanan pinagsaluhan naming lahat. At dun nagsimula mabuo ang pagkakaibigan sabihin nating barkadahan namin.

"oh Ras, Jess at Sam kumain lang kayo ah, marami to. Wag kayo mahiya." Sabi ni coach. Napasalamat naman sila.

Matapos namin kumain, Nagsi-uwian na kami, kanya kanya na ng sakay at lakad pauwi. Pero kaming lima magkakasabay. At napansin ko din kay Sam na parang ilang siya saakin. Bakit naman kaya?

"Sam... Hello Sam! Bababa na po tayo." sabi ni Jess na wini-wave niya ang kamay niya sa harap muka ni Sam.

"ha??" sagot niya na parang wala sa sarili, adik ata to. Joke!

"bababa na kasi tayo, ano bang nangyayari sayo ha?" Tanong ni Ras.

"ha? Wala tara na!" sabi niya.

"uy teh pacheck-up ka baka may sakit ka, natatakot kami sa kinikilos mo." Natatakot na sabi ni Ras.

"oo nga, ano ba nangyayari sayo?"sumingit naman ako. Di kaya may poblema siya?

"guys ok ako, wala to." sagot niya at ngumiti.

"sige pahinga ka ha. Dito na kami ni Ras. Oliver alalayan mo yan ha." sabi ni Jess.

"oo ako bahala, dito na kami." sagot ni ko at nag paalam na kami.

Ayan kami nalang dalawa naglalakad pauwi. Pero parang ang awkward sakanya, teka nga parang alam ko na to e, "Sam... About dun sa ginawa kong ahmmm... Sorry!".

"huh??.. Bat mo ginawa yun?" mahinahon niyang tanong. Nahihiya na din kami sa isa't - isa, napakamot nalang akobng ulo ko.

"i don't know, nagulat din ako sa ginawa ko sayo. Di ko alam paano kita papatahanin kasi umiiyak ka. Sorry! Ok lang kung hampasin mo ko ngayon o kaya suntukin kasi..." di niya ako pinatapos sa sasabihin ko.

"alam mo ba first kiss ko yun? Nakakatawa lang kasi gusto ko ang first kiss ko sa mismong kasal ko at sa lalaking karapatdapat kong bigyan nun, diko akalain bigla nalang nawala yun." ngumiti nalang siya saakin, at ako hiyang -hiya. Akala ko kasi nasa state pa ako. Joke lang kahit andun ako diko naranasan na humalik sa babae. Nakaka bakla man umamin si Sam lang nahalikan ko sa labi. At nahihiya ako kasi iningatan nia bigla ko nalang kinuha.

"Sorry Sam di ko talaga sinasadya, nagulat lang din ako. Di ko alam na... Hay ano ba ginawa ko? Tsss..." Pagpapaliwanag ko ulit.

"Ok lang, basta wag muna uulitin yun." sabi niya.

"promise diko na uulitin yun". Sabay taas ng kanan kamay ko.

At agad niya ako kinamusta, buti nalang at iniba niya yung topic.

"ok naman kahit kaninang naglalaro ok lang ako." nakangiti kong sagot.

Tapos ayan sinermonan pa ako.
"ok? E halos di kana makahinga kanina. Nakakainis ka! Buti nga pinagpahinga ka ni Coach. "

"sorry, peace tayo. Ayoko pag awayan natin to, ok? Sige na pasok ka na." sabi ni ko nalang. Hinintay ko nalang na makapasok siya bago ako umalis. Pag kauwi ko kinamusta ako ni mama, at ayun nagkwentuhan kami kung ano mga nangyari.

Sabado:
Umaga ng sabado, napag disisyunan ni mama na puntahan yung doktor ko, kung ano na balita. Kaya ako naiwan muna kila Sam, binati ko siya diko akalain na magugulat siya sa ginawa kong pagbati. Hahaha

"GOOD MORNING sa pinaka magandang bestfriend ko."
"alam mo ikaw." sabay hampas saakin.
"aray! Bakit nanaman ba? Buti nga binati kita e."
"binati? E paano kung na stock tong hotdog sa lalamunan ko dahil ginulat mo ko. "
"sorry na po, sige kain kana."
"teka, bat andito ka?" tanong niya. Di ko sinabi yung dahilan, kumilos lang ako ng normal.
"aaahh... Dito muna ako kasi aalis si Mama may pupuntahan."

"oo dito muna siya hanggang bukas." singit ni tita. At etong si Sam muntik pang iluwa yung kinain.
"Bukas?" Gulat na sabi niya.
"oo, teka parang ayaw mo ata e!" sagot ko na kunwaring nagtatampo.
"wala naman ako sinasabi e!" At nagpatuloy na siyang kumain. Nung matapos siya, pumunta kami garden, dala ko nga yung bola ko nun, para naman may mapaglaruan lang.
"ui di ka ba napapagod dyan?" tanong niya.
"hindi, magbasa ka lang dyan!" sabi ko sakanya, at ako ganun parin. Si Tita nasa kusina nag preprepare nadin for lunch. At nagtanong siya ulit saan pumunta si Mama.
"Ahm Oliver saan naman ang punta ni Ninang at dito ka iniwan?"
"ayaw mo ata na andito ako ah." sabi ko.
"di ko naman sinabi, masama bang magtanong? Tsk!. Nainis na siya nun! Kaya lumapit na ako sakanya at umupo sa katabing silya.
"ito naman nagtampo agad, sorry na!" sabi ko at kiniliti ko na siya nun.
"ang bestfriend ko nagtatampo. Sorry na! Diko din naman alam saan punta ni Mama e!" patuloy parin pagkikiliti ko sakanya. At siya pinapahinto niya na ako, patuloy parin pag sosorry ko, diko siya tinatantanan hanggang satumawa na kaming dalawa,halos napahiga na siya sa pagkakakiliti ko sakanya. Ang saya ng oras na yun, diko alam gusto ko na ata siya. .

Pero umatake nanaman ang sakit ko."Tttee...kkaa... Tatawagin ko si Mama." sabi niya na nag papanic, halos di niya alam gagawin niya. Hawak ko lang dibdib ko nun. At sinabi ko sakanya
"no stay here! I'm ok, stay." At sinisi niya sarili niya "kasalanan ko to e!".
"No, it's not your fault!"
"umupo ka dito, kukuha ako ng tubig." inalalayan niya akong umupo at tumakbo siya papasok ng bahay pag labas niya may dala siyang baso ng tubig at ininom ko at nagpasalamat sakanya. At bigla nalang siya nag sorry saakin, ang lungkot ng muka niya.
"ako nga may kasalanan sayo e, tapos ikaw nag sosorry."
"arte ko kasi, ayan inatake ka tuloy! Sorry din ha!"
"oh kayong dalawa pumasok na kayo, kakain na tayo!" sabi ni Tita.

Pumasok na kami sa loob at kumain, kwentuhan lang din. Siya na fin nagligpit pero andun ako sa tabi niya. Mukang worried parin siya sa nangyari saakin. Matapos niya umakyat kami sa taas at sa kwarto niya tumambay. Binuksan niya yung sliding door niya para may hangin na pumasok. At ako tumingin sa cd stand niya ng mga movie.
"oh pili ka dyan." sabi niya at binuksan yung tv niya.
"wala kabang mga action?" reklamo ko, paano puro romcom tapos mga disney.
"wala akong hilig sa mga ganun!"
Hanggang sa nakapili na ako "eto nalang, maganda ba tong The Notebook?"
"oo maganda, akina para mapanuod na!" At kinuha niya na nga, at inayos na sa player.
Nagstart na din kami nanuod, umupo ako sa couch at siya sa kama niya. At ayun seryoso na kaming nanunuod.

Remember your FIRST (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon