Chapter 85

197 6 0
                                    

Nakarating na din ako sa garden, tumingin tingin ako. Wala pa siya. Kaya umupo muna ako. Hanggang sa nakarinig ako ng yabag ng paa. Siya na siguro to. Tumayo ako. Nakita kong papalapit na siya. Suot niya yung mask na suot niya nun nung masquerade ball.

"Kanina ka pa?" Tanong niya.

"Hindi naman." Tsaka ako ngumiti.

At kinuha niya yung kamay ko at may nilagay na flower na bracelet.

At kinuha niya yung kamay ko at may nilagay na flower na bracelet

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Pwede ka bang isayaw?" Sabi niya.

"Sure." Sabi ko. Ramdam ko na medyo nahihiya na kinakabahan siya.

Sumabay na kami sa tugtug. At talagang nataon ata yung music saming dalawa.

"Alam mo nakakatawa ka." Sabi ko.

"Bakit naman?" Tanong niya.

"Prom kaya to hindi masquerade ball. 😊"

"Tsk! Palabiro ka talaga, makikilala mo rin ako mamaya!" Sabi niya.

Sumayaw nalang kami, nakatitig lang ako sakanya hanggang matapos yung music. Hanggang sa may sumunod ulit na music kaya sinayaw niya pa ako ulit!

Habang sinayaw niya ako tinanong ko siya.

"Pwede ko na bang tanggalin maskara mo?" sabi ko. Yung kaninang mga kamay kong nasa balikat niya ngayon papunta na sa muka niya. Nagulat ako ng sabay kami sa pagtanggal ng maskara niya.

At nag slow motion ang lahat, pag tanggal ng maskara niya yumuko siya. Biglang naiba yung naramdaman ko, diko alam kung magagalit ako o matutuwa sakanya. Gusto ko tumakbo pero diko magalaw mga paa ko.

"Sorry Sam😢." sabi niya.

"IKAW? ano to? kala ko magkaibigan tayo, yung walang secret sa isa't-isa ha. Kala ko ok ka! Ginawa mo kong tanga. Alam mo ba yun ha? Di mo alam hirap na hirap akong alamin sino secret admirer ko?kaya pala ganun yung mga sinasabi mo sa sulat kesyo wag magagalit, kinakabahan, eto pala yun. At Sinusundan ko si Manong Doms at ilang beses na din kita nahuli na hawak yung letter. Sinungaling ka."

"Ok just listen to me, papaliwanag ko lahat"

"Papaliwanag? Wag na... Stay away from me! Ginawa mo kong tanga." Lumakad ako palayo ng umiiyak.

"Sam! stay with me, ipapaliwanag ko lahat bakit ko nagawa to sayo. Please!"

"No Bryan, Di ko alam bat nagtiwala din ako sayo. Katulad ka din niya." Lumakad na ako palayo sakanya hanggang sa makalabas ako ng Garden.

Hindi na ako pumasok ng gym, diko na alam saan na ako dinala ng mga paa ko. Umupo ako sa ilalim ng puno at dun umiyak.

"Kala ko iba siya, bakit ganun naglihim siya saakin? Ginawa niya akong tanga kakahanap sa secret admirer ko siya lang pala nasa likod ng lahat. Paglalaruan nalang ba ako."

Remember your FIRST (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon