Chapter 22

620 13 0
                                    

Sorry medyo natagalan ang pag-a-update ko. So eto na itutuloy ko na ang kwento. Bahala na medyo napag isipan ko naman yung susunod na scene. Eto na!
________

"Ano maganda ba?" tanong niya saakin.

"ikaw ha dinadaan mo ko sa mga ganyang bagay, kala mo papadala ako? HINDI!"

"Tinatanong ko kung maganda ba? Diko sinabing sermonan mo ko."sabi niya. Mukang babalik nanaman kami sa pagiging aso't pusa.

"Gusto mo malaman kung maganda?" tanong ko.

"Oo, ano maganda ba?"

"Honestly, NO!" sarkastiko kong sagot at tumalikod na ako para pumasok, alam ko ang hard ko. Ewan ko ba bat nagkakaganito ako.

"Sandali." pinigilan niya ako pumasok, kaya huminto ako, pero nakatalikod sakanya. "pwede humarap ka naman!"

So humarap ako sakanya na nakapamewang..

"So tell me, bakit ka ganyan ka lamig saakin? Dahil ba diko sinabi sayo na di ako papasok ngayon? Di ako nagtetext sayo? Yun ba bakit ganyan ka saakin ha Sam?" sabi niya na iba narin ang tono. Diko alam biglang na warak ang puso ko sa mga sinabi niya saakin. Nagbabadya nanaman tumulo mga luha ko.

"Exactly! di mo alam may nag-aalala sayo. Di na mapakali kakaisip kung ok ka ba? Pero para sayo wala lang yun?" hanggang sa tumulo na luha ko ulit. "ay oo nga pala, kaibigan mo lang pala ako, kaibigan na di pwedeng maki alam sa buhay ng kaibigan niya." tsaka ako tumalikod at pinunasan mga luha ko at pumasok na sa loob.

Pagkasara ko ng glass door dumapa ako sa kama at umiyak ng umiyak. Napaka manhid niya!

This is my first time na masaktan ng ganito, alam mo yung di naman kayo feeling mo brokenhearted ka. Tss... Hindi niya man lang ako pinigilang pumasok. Ok Sam stop acting like... Like... "wwwwwaaaaahhhh" sumigaw ako na nakatakip ang muka ko. Amp!

"Anak gising na! May pasok kapa!"sabi ni Mama pagbukas niya ng pinto ng kwarto ko.

"di muna po ako papasok, masama po pakiramdam ko!" sagot ko.

"sabi naman sayo wag ka magpuyat e, sige pahinga kana lang ha!"

"Ok Ma, thanks." at sinarado niya na yung pinto.

Sakit ng mata ko, ilang araw na ba akong umiiyak at parang ang bigat bigat imulat. Nakahiga parin ako sa kama nung may nagbukas ng pinto ko.

"Hoy bakla! Bumangon ka dyan may pasok pa tayo." sabi ni Ras habang niyuyugyug ako.

"Buti naabutan pa namin si Tita at nakapasok kami dito. Hoy ano kumilos kana may oras pa oh!. Sabi naman ni Jess.

"Di ako papasok, masama pakiramdam ko." sabi ko sakanila.

"Anong drama yan bakla?" sabi ni Ras.

"Ang kaibigan na walang kwenta!" pilosopo kong sagot! Tsaka nila hinila yung kumot na nakabalot saakin.

"Wag ka ngang pilosopo! Waaahhhh.... Zombie!!!" sigaw ni Ras na gulat na gulat makita ako.

"Hoy! Anyare sayo?" sabi ko kay Ras.

"Mukang puro Zombie nga pinanuod mo kagabi, ginaya mo pa yung bida." sabi naman ni Jess.

"Ewan ko sainyo, pumasok na nga kayo baka ma late pa kayo. Kaysa bwisitin niyo ko!."

"Ok, mag ayos ka ha! Pupunta kami dito mamaya, may ikwe-kwento ka saamin. For now, papasok na kami ni Jess. Ipapaalam ka nalang namin sa mga teachers." sabi ni Jess.

Tumayo na sila sa kama ko at lumabas na sa kwarto ko. At ako naiwan na nakahiga at tulala sa kisame. Pero tumayo din ako at pumunta sa harap ng salamin. Jusme pati ako nagulat sa nakita ko, tama sila muka akong zombie.

Tama na nga ang drama Sam ok! Oa muna di ka naman girlfriend para malaman ang lahat.(sabi ng isang side ng utak ko.) Pero kaibigan niya ako dapat diba alam ko din nangyayari sakanya? (sabi naman ng side ng utak ko.) Baliw, kahit kaibigan ka niya kung ayaw niya ishare hayaan muna, masyado ka e! (sabi naman ng isang side ng utak ko.)

"Ugh!" hinawakan ko ulo ko. "Baliw na talaga ako." pumunta ako ng banyo at inaayos ko ang sarili ko. Buti may concealer pa ako. Yun muna nilagay ko para matakpan yung eyebags.

Lumabas ako ng kwarto ko at dumeretso sa kitchen, kumuha lang ako ng juice at lumabas.

Paupo na ako ng may nagsalita at kilala ko ang boses na yun.

"Bakit dika pumasok?" tanong niya pero di ko siya pinansin umupo nalang ako pero nakatalikod ako sakanya.

"ok alam ko galit ka dahil sa mga nasabi ko kagabi, diko sinasadya yun! Kaibigan kita di nga lang kaibigan, kababata at kinakapatid. Sorry naging selfish ako. Ayoko lang na... Ugh! Sorry Sam." pagpapaliwanag niya.

At yung mga oras na yun pinaliwanag niya yung side niya, tumayo ako at naglakad papunta sa pinto namin na di siya nililingon kahit nasa kabilang bakod lang siya.

Huminto ako at binitawan ang mga salitang. "Kausapin mo nalang ulit ako kung handa muna akong pagkatiwalaan at di lang yun, bilang kaibigan." pumasok na ako sa loob.

Remember your FIRST (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon