Chapter 114

280 4 0
                                    

Nagising ako sa ingay ng phone ko, Kaya tinignan ko kung sino tong tumatawag.

"Hello" tamad kong sagot.

"natutulog ka parin? Bumangon kana at pumunta kana dito." tanong saakin Ras.

"Inaantok talaga ako e... pasabi nalang sa barkada na goodluck. Pahinga muna ako."

"Sige na, mamaya pupunta kami dyan." sabi naman ni Jess.

"Sige, bye!" Binitawan ko na yung phone ko at bumalik sa pagkakatulog.

Knock...Knock...

"Dito ka lang ba?" tanong saakin ni Mama.

"opo." sagot habang nakapikit parin.

"sige alis na ako ha, ikaw na bahala dito. May makakain naman pag dumating mga kaibigan mo."

"ok po, ingat!" sagot ko

Sinara na ni Mama yung pinto ko. Grabe tinatamad pa ako bumangon, nakatulog ulit ako.Bumangon ako nung nakaramdam ako ng gutom. Inayos ko muna sarili ko tsaka bumaba. Binuksan ko yung Tv, at dumeretso ako ng kusina para magluto ng tanghalian.

Matapos ko magluto sa sala ako kumain, may center table naman kaya dun na ako kumain at naka-upo ako sa sahig, kumain na ako habang nanunuod. Matapos kumain niligpit ko na pinagkainan ko pinatay ko na din yung Tv at nagatugtug nalang ako,
kinonek ko yung phone ko sa speaker.

Inayos ko yung kwarto ko, niligpit ko yung mga kalat, pati sa sala naglinis ako. Nakakahiya naman pag dumating sila, pati sa labas inayos ko. Matapos ko maglinis nahiga ako sa sofa.

~~**~~

"Sam... Sam...Sam tao kami." Di ko napansin na nakatulog pala ako. Tumayo ako at lumabas, andito na pala sila. Binuksan ko yung gate para sa kanila.

"Ang tagal buksan ha." reklamo ni Rick.

"sensya naman, bahay mo?" sabi ko.

Dito kami lahat sa garden, Nasa 4pm na din sila nakarating dito sa bahay. Hindi nila kasama si Bryan. Pinark muna ni Oliver yung kotse niya sakanila kaya huli silang pumasok ni Pia. Iniwan ko muna sila sa garden, pumunta ako ng kusina at kinuha yung tatlong malalaking chips nilapag ko sa harap nila at ayun binuksan na nila. Nagtimpla naman ako ng juice at nilabas ko din yun.

"oh ano balita sa laro niyo?" tanong ko.

"Ano pa ba edi panalo." sabi naman ni Matt.

"Si Oliver nga gusto na agawin yung pompoms nung isang babae sobrang lakas mag cheer." pagbibiro naman ni Rick.

"loko ka talaga" sabay bato ng chips kay Rick. Nagtawanan kami lahat!

"bat di mo man lang sinabi kagabi, naka-usap pa kita edi sana ginawan kita." pagbibiro ko din sakanya.

"Isa ka pa." sabi niya, nagtawanan kami lalo. Kami lang ata pinaka-maingay sa subd.

"pahinga muna team, sa friday ang finals, hinihintay nalang namin sino makakalaban namin." sabi ni Rick.

"Ipanalo niyo yan ha."

"pag nanunod ka ipapanalo namin, pero pag wala ka ikaw masisisi bat natalo tayo." sabi ni Al.

"Grabe siya, Try ko sumama."

"walang mararating yang iwasan niyo ni Bryan. Pag uuntugin ko na kayo." gigil na sabi ni Rick.

"Bat ayaw niyo pa kasi ayusin?" tanong naman ni Pia.

"ibaba niyo muna kasi mga pride niyo." Sabi naman ni Jack.

Huminga nalang ako ng malalim, dapat ba ako ang mauna makipag usap sakanya? Siya nga tong may kasalanan. Nagsi-uwian na din sila matapos nila ubusin yung chips at maubos ang kwentuhan namin. Hinatid naman ni Oliver si Pia sumabay na din yung iba sa kotse at yung iba nag commute nalang. Nilinis ko yung mga kalat namin at hinugasan ko din yung mga basong ginamit.

Dumating na din si Mama kaya sa kwarto ako nagkulong. Manunuod ba ako sa friday? Tsss sige na nga, finals nadin naman yun. Nakita ko yung box kung saan nakalagay mga binigay niya saakin, Nilagay ko din dun yung ibang pictures namin na naka display dati dito sa kwarto ko yung mga grupo nalang dinis-play ko. Tinago ko ulit sa
i

lalim ng kama ko yung box.

Bryan's Pov

Andito na kami lahat sa Gym, mag start na din kasi yung laro.

"Finals na to, ipanalo niyo to." sabi ni Coach.

"yes coach!" sagot naming lahat.

"asahan ko yan."

Nakita ko nang dumating sila Ras, Jess, Oliver at Pia umupo na sila at nag goodluck sign sila saamin.

"Si Sam ba? tsk! manunuod daw siya sabi niya." bulong saakin ni Rick.

"Baliw ka talaga."

At nag buzzer na nga hudyat na start na ang laban, nagsigawan na lahat ng mga estudyante. Pagkatoss nakuha namin yung bola at 3pts agad pinakawalan ni Al. Takbo dito takbo doon, pasa dito pasa doon. Hanggang sa matapos yung 1st quarter kami lamang ng 5pts.

Tumingin ulit ako sa pwesto nila Ras, wala parin siya. Sinasadya niya ba talaga na hindi manuod?. At nag buzzer ulit, 2nd quarter na nasa kalaban yung bola, at nagpakawala din sila ng sunod-sunod na tres. Sila naman ngayon ang lamang nitong 2nd quarter.

Tumingin ulit ako sa pwesto nila Ras wala parin talaga siya. Pumasok na ang 3rd quarter seryoso kaming pumasok sa court kailangan kami ang lumamang hanggang 4th quarter. Nagseryoso na kaming lahat, minsan sila nag lumalamang at bumabawi naman kami. Gigil na gigil kami sa bola lahat, Minsan nawawala na kami sa focus hanggang sa nawala na nga ako sa focus kasi nakita kong katabi na nila Ras si Sam kaya diko na shoot yung bola.

"Bryan FOCUS!!!" rinig kong sigaw ni Coach. Kaya nagpa time-out muna.

"Ok lang pre." tap nila saakin habang umiinom.

"Mag focus kayo sa laro at bola." Galit na sabi ni Coach.

"Sorry Coach!" sabi nalang namin.

Nag buzzer ulit, 4th quarter na, Lamang yung kalaban namin ng 10. Kailangan namin bawiin yun. Kaya nagstart na ulit, Nagtulungan kaming ng team. Salitan ulit ng score pero nakabawi na kami 5 nalang lamang. Nung 10 secs. nasaamin yung bola napakawalan ni Matt yung tres niya, hindi naka shoot yung kalaban namin, 5 secs binigay saakin yung bola nasa half court ako, binato ko nalang saktong bell pumasok yung bola. Nagsigwan lahat ng tao sa gym pati kami di namin napigilang magyakapan, tumalon at sumigaw.

"wwoooooohhhhhhh... Panalo tayo!!!" sabi ni Jack.

Matapos ng kalandian namin, kinamayan nanamin yung nakalaban namin, at lumapit kay coach kinamayan niya kaming lahat.

"Di niyo talaga ako binibigo. Congrats sainyo. Parang ayoko na kayo Grumaduate kasi di ko alam saan ako kukuha na gaya niyo."

"naku coach pag praktisin niyo lang, di kayo bibiguin ng mga susunod saamin." Sabi ni Rick

"Congrats Guys, kayo na talaga!" sabi naman ni Ras pagkalapit.

"Oo nga ang galing niyo. Sana pala sumali ulit ako." sabi naman ni Oliver.

"Sayang nga e, pero proud ako sayo tandaan mo yan Oliver." sabi naman ni coach sakanya.

"thank you Coach!" sagot ni Oliver at sumaludo pa.

"Congrats guys!" sabi naman ni Sam.

"e bakit late ka? tss..." sabi naman ni Rick

"Grabe magalit oh! Boyfriend ka ba?" Pang-aasar ni Jess habang pinupunasan si Al.

Ayos din tong dalawang to matatag, Hindi nakitang nagkatampuhan, nag-aaway.

"e bakit ka kasi nahuli?" tanong ni Jess kay Sam.

"punuan mga jeep e, tsaka naabutan pa ako ng traffic." paliwanag ni Sam.

Matapos namin mag-ayos, lumabas na kami sa gym palabas na din ng Campus. Nagkayayaan kumain, Pumunta kami sa isang mall. Pagka pili nila ng kakainan umorder na kaming lahat. Katapat ko si Sam sa table, nakakahalata ako na sinasadya nila lahat.

Remember your FIRST (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon