Chapter 118

199 3 0
                                    

ahm Oliver, Hindi ba pupunta si Bryan ngayon?"agad kong tinanong si Oliver.

"Hindi ko nga din alam e, tinext ko siya kagabi wala naman siyang reply. Dito ka lang, wag ka aalis dyan!" pagkasabi ni Oliver nun, hindi na nga ako maka-alis sa kinatatayuan ko. Sobra na yung kaba ko, kasi unti unting din umaalis yung iba sa dance floor at umupo sila. Nakakainis ano ba to? Tumingin ako sa table namin lahat sila nakatingin saakin. Ano ba talaga to?! At biglang nag play yung nasa projector na malaki.

Nagulat ako nung picture namin ni Bryan mga nag fla-flash.

Napangiti ako sa gitna ng panunuod ko sa mga pictures namin. Akala ko binura niya na lahat simula nung nagbreak kami. Pero hindi papala! Naiyak din ako, basta hindi ko ma-explain. At nung nagbukas yung isang ilaw sa stage nakita kong nakatayo na siya dun at may hawak na Bouquet of Flowers. At dahan dahan siya lumapit saakin. Akala ko wala na talaga siyang pake saakin, ang tagal ko din hinintay to, na magka-ayos kami. At siya talaga gumawa nang paraan. At tinaon niya pang JS.

Inabot niya saakin yung bulaklak, tsaka niya pinunasan mga luha ko. Pagtapos niyang kumanta niyakap niya ako ng mahigpit. Tuluyan na ako umiyak... at ang lahat nag sigawan sa kilig ata.

"namimiss na kita Sam."bulong niya saakin.

"namiss din kita Bryan. Ang tagal kong hinintay to. I love you Bry"

"I love you too Sam."

Ok na kami ni Bryan. Mas naging maganda ang JS na to para saakin. At kompleto na rin ang barkada namin. Hinalikan niya din ako sa noo. Tumugtog ulit yung banda pero hindi na si Bryan ang kakanta.

Kinuha niya yung bulaklak na hawak ko at pinatong sa isang lamesa.

"pwede ba kitang isayaw?" tanong niya saakin.

Tumango lang ako at ngumiti, ewan ko ba! Kinikilig talaga ako kay Bryan. At nakitang tumayo ang barkada at lumapit saamin. At sumayaw na ang lahat!

"salamat naman at nagkaayos na din kayo." Sabi ni Oliver.

"salamat Oliver."sagot ni Bryan at nag apir sila.

"may dapat pa ata kayo pag-usapan, dito muna kami."sabi ulit ni Oliver.

Tsaka sila lumayo saamin. Habang sumasayaw magkatinginan kami ni Bryan.

"Sorry sa mga kasalanan ko sayo. Sana mapatawad mo ko, sana maibalik ko yung dating tayo.?"

"pinapatawad na kita Bryan, unti unti nating ibabalik lahat. Sorry din sa mga kasalanan ko."

"wala kang kasalanan. Sana pinakinggan kita noon, ang laki ng pagsisisi ko nung hiniwalayan kita. To be honest nung dumating si Oliver may takot ako, na baka iwan mo ko, na magkaroon ka sakanya ng feelings ulit sakanya. Yung mga pasa namin nung time na yun, pinag-awayan ka namin. Hindi niya matanggap na ako naging boyfriend mo. Kaya nung nakita ko kayong dalawa sa tagpuan natin, nasaktan ako sa nakita ko. Kaya nung gabing yun, di na ako nagpakita sayo. Kasi inisip ko ok na kayo ni Oliver. Natatakot na nagagalit ako nararamdaman ko. Hanggang sa nakita mo ko, di ko lang talaga napigilan sarili ko na taasan ka nang boses at ang pinaka pinagsisisihan ko yung hindi kita pinakinggan."

"buti naman pinakinggan mo si Oliver, nung gabing yun, umamin saakin si Oliver na gusto niya ako. Alam mo bang ikaw ang pinili ko, kasi mali yung ginagawa niya, may girlfriend na siya. Tsaka bakit pa diba? Kasi akala niya may chance na siya. Dun siya mali kasi ikaw na yung mahal ko."

Remember your FIRST (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon