Chapter 78

190 4 4
                                    

Hello Readers, ayan balik na tayo sa POV ni Sam. Dito ko nalang din isisingit yung POV ng iba. Thank you 💞
_______________

Sam's Pov

Isang taon na lumipas 3rd year na kami, naka graduate na din ng highschool yung iba sa barkada. Pero pinili nila dito parin sa University mag-aral para sama-sama parin kami. Masaya parin lahat, lalo kinuha agad sa basketball yung mga grumaduate sa barkada na varsity dati. Pag wala silang practice pumupunta sila sa gym ng highschool kung saan kami tumatambay nung dipa sila graduate, minsan naglalaro sila, feeling ko nga di pa sila college e, kasi magkakasama parin kaming lahat.

Sabay-sabay parin umuuwi, si Bryan na din naghahatid saakin pauwi. Pero sama sama parin kami nila Ras, at si Al at Jess sweet nila. Nakakakilig sila lalo pag magkasama, pero dipa sila. Malay natin baka sagutin na din siya ni Jess. Yay!. At yung secret admirer ko wala parin balita, galing magtago e, kahit yung huling alas ko di nag work! Sana ngayong taon makilala ko na siya! Patuloy parin siya magbigay ng mga letters. Halos mapuno na yung box na pinaglagyan ko pati mga bulaklak.

Si Oliver? Ewan ko dun di naman nagpaparamdam! Isang taon na din, kamusta na kaya siya? Diko parin alam bakit niya ako iniwan. May konti,konti nalang naman galit ko pero ewan ko minsan kumukulo parin dugo ko sakanya. Hmpft!

"oh tulala ka dyan?"sabi saakin ni Bryan.

"Huh! Hindi ah. Tapos na kayo magpractice?

"oo, tara na. Hinihintay na din nila tayo sa labas."

Nasa library kasi ako, di ako nakanuod ng practice nila. Kaya sinundo na ako ni Bryan.

"Akina gamit mo, ako na magbitbit!"

"Wag na kaya ko naman, apat na libro lang to oh!"

"Apat nga ang kakapal naman, sige na akina yan!" At yun, kinuha niya na sa mga kamay ko yung mga libro at siya na yung nagbitbit!

"Ang tagal niyo naman!" Reklamo ni Ras.

"Eto na nga diba?" Sagot ko naman.

Lumabas na kami sa school, naghiwahiwalay na kami. Lima na kami magkakasama, hinahatid na talaga kami nila Bryan at Al. Matagal na rin nanliligaw ni Al kay Jess pero si Jess ayaw niya pa. Effort kaya ni Al nung tinanong niya si Jess kung pwede siya maging girlfriend. Maraming kinilig kasi sa mismong pagtapos ng laro nila dun na nagsimula ang lahat
.

Eto yung nangyari FLASHBACK!

"Congrats Guys!" Sigaw namin ni Ras.

"Congrats mga pre!" Sabi ng Barkada.

Laban ng kasi nila Al, Jake, Troy and Rick. Syempre sinuportahan namin sila.

At eto na nga ang nangyari. Tinapik na ni Al sila Jake, Troy at Rick. At pinuntahan yung team nila, at umalis silang lahat pumunta ata sa quarters.

"Wait lang ha, may kukunin lang ako sa quarters!" Sabi ni Al kay Jess. Medyo kakaiba nga kilos nila e.

"Sige!" Sagot naman ni Jess.

"Parang ang weird nila ha. Kaloka!" Sabi ni Ras. Maya-maya lumapit saamin si Rick at dinala sa gitna ng court si Jess. Parang sabi namin anong meron, pati si Jess nagtataka. Pero pinag stay parin siya dun ni Rick at bumalik siya ulit sa quarters. At isa isa na lumabas yung mga ka team nila may mga dalang isang rose at isa isa nilang inabot kay Jess. Napapangiti na si Jess nun. Ayos din gimik ni Al ah. Nung naabot na nila bumalik ulit silang quarters at hiling lumabas si Al. Halos mapaos mga babae sa gym kakasigaw pag labas niya. Natatawa na kinikilig si Jess nun. May dala rin siyang bulaklak. Grabe pati kami kinikilig.

"Di namin to alam ha!" Sabi ni Matt.

"grabe kinikilig ako." Sabi ni Ras.

Talaga namang nakakakilig e. Kailan ko kaya mararanasan yung ganyan. Hmpft!. Pero importante masaya kaibigan ko masaya na din ako.

Nag-usap yung dalawa sa gitna ng court. Medyo naiiyak na si Jess pero niyakap siya ni Al. Nung ok na pumalakpak si Al. Lumabas ulit mga ka team nila at humilera sa harap nilang dalawa. Inutusan na ni Al tumalikod sila, kaya naman pala kasi may mga letra sa likod at may mabubuong salitang "Will you be my girlfriend?"

Sigawan na lahat sa loob ng gym pati ako nagawa ko nang sumigaw sa kilig, ano pa kaya si Ras, naitulak na nga si Matt e. Hahaha... Naiyak lalo si Jess, parang nag propose ng kasal ang peg si Al. Pinunasan ni Al muka ni Jess at hinawakan niya kamay ni Jess.

Marami ng naghihintay ng sagot ni Jess! Tinanong siya ulit ni Al "Jess, will you be my girlfriend?".

At tumango na si Jess!!! Grabe ang ingay nanamin dito sa gym, and yes official na sila. Niyakap na siya ni Al.

"waaaaahhhhhhh......" Ang daming saksi na sila na ngayon. Yay!

Matapos ng palabas. Wala ng tao sa gym kami nalang natira.

"Congrats guys! Happy ako sainyo." Sabi ni Ras.

"bat di namin alam to Al?" Nagtatampong tanong ni Matt.

"kayo talaga, surprise! Thank you sa pag suporta saamin ngayon sa laban at syempre thank you Jess."

"Ay daming langgam!" Sabi ko.

"grabe sam ha. Thank you din syempre, na appreciate ko yung effort mo." Sagot ni Jess.

" Tara na icelebrate nanatin mga nangyari." Sigaw ni Jake.

"basta libre mo!" Sabi ni Rick.

"Nagbago na isip ko, tara nalang umuwi." Sagot ni Jake.

At nagtawanan kaming lahat. Masaya mga nangyari! Pumunta kami sa lagi naming kinakainan, nagkwentuhan, asaran, tawanan. Di naman mawawala saamin yun pag magkakasama.

"Sayang kulang na tayo, ano nakaya balita kay Oliver?" Sabi ni Troy.

"Oo nga, Saan ba kasing lumalop nagpunta yun?" Sagot naman ni Al.

Tahimik lang ako nung nabanggit nila yun, oo may galit ako sakanya pero miss ko na din siya. Saan ba kasi siya nagpunta.

"Ok ka lang?" Tanong saakin ni Bryan.

"Yeah, Im ok!" At ngumiti ako sakanya.

Matapos namin kumain, umuwi na kaming lahat. Pagdating ko sa bahay deretso ako sa kwarto at lumabas sa terrace ko. Tumingin ako sa terrace ni Oliver! Wala parin sila, kamusta na kaya siya?

"Hoy lalaki! Saan kana ba? galit parin ako saiyo. Pero miss na kita. Hay! Bahala kana sa buhay mo." At pumasok na ako sa loob at nahiga. Di ko namalayan,nakatulog na pala ako.

Remember your FIRST (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon