Chapter 81

199 6 0
                                    

"Nakakainis naman kung kailan graduate na tayo ng highschool dun nagkaroon ng JS!" Naiinis na sabi ni Al.

"Sus! Ayaw mo lang na may sumayaw kay Jess, kaya ganyan ka!" Sabi ni Matt.

"Oo nga, tsaka ano naman kung may magsayaw kay Jess, natural maganda kaibigan namin, lalo sa prom!" pang aasar naman ni Ras.

"Jess,😖 promise me. Ako parin pagtapos ng prom niyo. Walang magbabago ikaw at ako parin. Jess diko kaya mawala ka."

"Ang drama mo pre, di bagay!" Sabi ng team.

"Ang drama naman ng boyfriend ko, sa tingin mo ba pagpapalit pa kita? Tsaka ano ba prom lang yun! Kumpara sa relasyon nating dalawa." Sabi ni Jess.

"Aaahhhh... Nakakakilig naman!" Sabi ni Ras.

"Grabe ang korni niyo!" Sabi ni Rick.

"Pre mag girlfriend kana kasi, inggit ka lang." Sabi ni Al.

"lul" sabi ni Rick!

At nagtawanan nalang kami lahat. At habang nagtatawanan kami lumapit si Manong Doms saamin.

"Sam pinabibigay ulit! Sige alis na ako."

"Thank you po!"

"Ayan nanaman yung sulat! Konti nalang ipapahanap ko talaga yan. Ang arte ayaw pa magpakilala." Naiinis na sabi ni Matt.

"Relax pre!" Sabi ni Bryan.

Sinimulan ko nang basahin yung sulat.

Hi Sam, how's your day? Mmmm... By the way alam mo naman na yung tungkul sa prom diba? I guess yun na yung right time para magpakilala sayo. Lalakasan ko na loob ko. At para di ka na din mahirapan kakaisip sino talaga ako. Susulat ako before prom bibigay ko sayo kung saan tayo magkikita dito sa Campus.

"Bakla magpapakilala na siya at sa mismong prom pa. Dapat magpaganda ka!" Sabi ni Ras.

"Di naman kailangan na magpa ganda, maganda na talaga si Sam inside and out!"

"Bryan ha." Pang aasar nila sakanya.

"Tumigil na nga kayo, thanks bry!"

"So ano balak mo?" Tanong ni Jess.

"Makikipag kita ako, matagal ko din hinintay to, makilala lang siya. Di naman siguro masama."

"Di naman, buti magpapakilala na sayo yan, papakilala mo saamin yan pag nagkita na kayo ha." Sabi ni Ras.

Remember your FIRST (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon