Chapter 23

608 19 2
                                    

Pagkasara ko ng pinto.

"Wew!" sabay ininom ko yung juice ng tuloy tuloy sa sobrang kaba ko. " aahhh... Ano bang nangyari saakin? Mababaliw ako dito e. Mabuti pang pumasok nalang ako ngayong hapon, tama tetext ko nalang sila Jess na papasok ako."

Umakyat ako at kinuha yung phone ko. Pagtingin ko may text saakin si Ras. Pag open ko.

From: Ras

Bakla hinahanap ka ni Papa Bryan, ikaw na talaga! Sinabi ko nalang na masama pakiramdam mo at ang sabi niya magpagaling ka daw. Sige na mamaya dadalawin ka namin.

Pagkabasa ko nun diko mapigilang kiligin, ikaw kaya hanapin ng sikat, bakit niya kaya ako hinahanap? Tsaka nga pala bat di pumasok yung mokong na yun? Teka nga paki ko ba wala naman siyang pake sa nararamdaman ko. Hmpft!

Dahil papasok ako ng afternoon class nag ayos na ako, dito na din ako sa bahay kumain. Bago ako lumabas ng bahay sumilip muna ako baka andyan nanaman siya. Pero nung nacheck ko nawala naman siya lumabas na ako sa bahay at tumakbo palabas ng gate.

"Wew! Teka nga bat ko ba ginagawa to? Para akong ewan, ano naman kung makita niya ako diba? Tsss... Baliw kana Sam!"

Nakasakay na din ako ng tricycle papuntang school. Pagbaba ko ng school naglakad na ako papasok, sakto at lunch break kinuha ko ang phone ko at tinext sila kung nasaan sila nakatambay.

Kakatext ko may nabangga ako..

"Naku sorry!" pagtingin ko sakanya nanlaki mata ko.

"Ok lang, kala ko ba masama pakiramdam mo, bakit pumasok ka?" sabi niya na naka ngiti.

"ha? Ahmm... Ok na ako kaya pumasok na ako. Teka alam mo ba nasaan sila Ras ngayon?"

"Papunta akong Cafeteria gusto mo sumabay? wala naman sila sa room niyo." sabi niya na nakalagay yung dalawang kamay sa bulsa niya.

"Ah ganun ba? Ok sabay na ako sayo." sabi ko. At ayun pumunta na kami ng cafeteria.

Medyo naiilang ako, paano lahat ng madaanan naming estudyante nakatingin saamin at nagbubulungan na.

"Don't mind them" sabi niya tsaka niya ako inakbayan ng walang pasabi. Dahil matangkad siya diko makita expression niya.

"ano ba Bryan, tanggalin mo nga yang kamay mo." gigil na pabulong. Sobrang nakakahiya, siguro kamatis na itsura ko sa sobrang pula.

"sakyan muna lang!" sabi niya ng mahinahon na pabulong.

Infairness ang bango niya. Kinikilig ako lord, enebe!

"dahil andito ka naman na, sasamantalahin ko na tong pagkakataon na to, mamaya pumunta ka ng gym." pagkasabi niya nun tinanggal niya na yung kamay niya sa pagkaka akbay saakin.

"Bakit?" tanong ko.

"Basta!" sagot niya na naka ngiti,tsaka niya.ginulo buhok ko na parang bata.

Sabay na kami pumasok ng cafeteria, oh ow! Diko inaasahan to. Lahat sila nakatingin saamin. Ano problema nila?

Nakita ko naman sila Ras nun at lumapit sakanila.

"Anyare? Pati kayo ganyan makatingin?" bungad na tanong ko sakanila.

"Kayo na?" tanong agad ni Jess. Medyo nagulat ako nun.

"Ha? Anong sinasabi mo? Nagsabay lang kami papunta dito, kami na agad?" sabi ko naman.

"Teka nga pala bakit ka pa pumasok e di ba masama pakiramdam mo?" pagsusungit ni Ras.

"Ok na ako kaya pumasok nalang ako. Kumain ka nalang!" sabi ko.

"Nagka-usap naba kayo ni Bryan?" tanong ni Ras.

"Mamaya daw sa gym e, Ano kaya sasabihin nun? Dipa sinabi saakin kaninang magka sabay kami."

"Naku mukang may something." sabi ni Jess na kinikilig.

Ano naman kaya yung something na yun? Medyo curious na din ako. Alam kaya nila?.

"wag kang mag-alala uuwi na kami para walang asungot sainyo. Hahaha" pantutukso ni Ras.

"ay teka nga pala may ikwe-kwento ka saamin. Ano pala nangyari sayo?" tanong ni Jess

"Ewan ko sa kaibigan niyo, pinalabas niya ako sa terrace ko kinantahan ako tapos tinanong ako kung maganda yung kanta niya so sinabi ko lang yung totoo na HINDI, tsaka sabi ko di niya ako madadaan sa mga ganun niya, tapos papasok na sana ako ng pinigilan niya ako. Tsaka niya ako tinanong " bakit ka ganyan ka lamig saakin? Dahil ba diko sinabi sayo na di ako papasok ngayon? Di ako nagtetext sayo? Yun ba bakit ganyan ka saakin ha Sam?" di ko alam bakit di siya mag open saatin. Tss.. Ewan ko ba kung kaibigan niya ako o pinagtritripan nanaman."

"chill lang, baka naman ayaw niya muna sabihin kung bakit, agad agad ka kasing nagagalit. Mag oopen din siya sayo. Kahit kami din naman hinihintay na mag open si Oliver bakit ganun ang nangyari. Chill lang! Tara na sa room." sabi ni Ras.

Lumabas na din kami ng cafeteria at dumeretso na sa room.

_______

Guys ano gusto niyo may POV mga characters o wala na?..

Thanks :)

Remember your FIRST (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon