EPILOGUE

493 5 0
                                    

"Congrats Saaaammm and Welcome Back!!!...." bati nila kay Sam. Pagkadating niya sa bahay nila.

Pinili niyang sa ibang bansa maging intern. Pero hindi parin nawala communication nila ni Bryan. Hindi niya alam na may pa surprise parents niya at mga kaibigan niya syempre kasama na si Bryan.

"Thank you sainyo, grabe naman ang bongga naman nito." Natutuwang sagot ni Sam.

Nakapasa kasi si Sam sa Nursing. Halos lahat sila may trabaho na! Si Bryan piniling maging intern sa pilipinas, para makasama niya si Sam habang nag-aaral pa siya. At nung nag intern naman si Sam pinayagan niya namang sa ibang bansa. At doktor na si Bryan nun!

"Hindi ka sinundo ni Bryan sa Airport?" Tanong ni Jack.

"Hindi na ako nagpasundo, baka kailanganin siya sa ospital." Sagot ni Sam. "Pupunta nalang siya dito mamaya."

Beep beep.

"May bisita po tayo?." Tanong ni Sam.

Pagbaba ng sasakyan. Magulang ni Bryan ang dumating.

"Congrats hija, proud kami sayo. Welcome back din." Sabi nila kay Sam, may halong gulat ang reaksyon ni Sam.

"Thank you po, sila mama po ba ang nagsabi?" tsaka niya niyakap parents ni Bryan.

"Oo hija. Si Bryan ba nandito na?"

"Wala pa po tita. Mamaya po pupunta siya dito. Pasok po. Nasa loob sila Mama at Papa."

"Ganun ba? Sige dito muna kami sa mama at papa mo."

Nagbeso beso parents nila Sam at Bryan.

"Kamusta kayo?" Tanong ni Sam sa barkada tapos nag yakapan. "Namiss ko kayo ng sobra."

"Ok naman kami, grabe nakakamiss din bonding natin." Sagot ni Ras.

"Ano Rick sana naman may ipapakilala ka na saamin." Sabi ni Al

"Wag mo sabihin wala ka paring nahahanap na para sayo. Lagi kang naka travel." Sabi naman ni Jack.

"Easy lang kayo. Nahanap ko na siya." Sagot ni Rick.

"Talaga lang Rick ha, kailan naman namin siya makikilalal?" Tanong ni Jess.

"Secret. Basta chill lang kayo. Makikilala niyo rin siya. Hahaha". Natatawang sagot ni Rick.

"Ay nako Rick, puro ka parin kalokohan." Sabi ni Oliver.

"Thank you guys ha, nag abala pa kayo sa handa niyo saakin." Sabi ni Sam.

"wala yun, namiss ka namin, puro kasi tayo video call,mas maganda parin magkakasama parin tayo." Sabi ni Jess.

"Tama.." Sagot nilang lahat.

"Ano kamusta si Bryan nung wala ako?" Tanong ni Sam sa barkada niya.

"Mabait si Bryan, inander mo ata Sam! busy lagi sa Ospital. Bihira sumama saamin, niyaya ko minsan mag bar." Sabi ni Rick.

"Grabe ka Rick, tuturuan mo pa si Bryan. Di ka parin nagbabago." Sabi ni Sam. Tumatawa lang ang barkada.

"Syempre joke lang yun, nagbago na ako. Takot ko lang sa Girlfriend ko." Sagot ni Rick.

"Uy under, sino ba kasi yan? Takot na takot ka. Hahaha." Pang-aasar ni Oliver. Tumawa ulit ang barkada.

"Teka nagtext siya, wait lang!" Sabi ni Rick at lumabas ng gate.

"Ikaw Al, inaalagaan mo ba si Jess?" Tanong ni Sam.

"Oo naman, mahal na mahal ko to e!" Sabay halik sa ulo ni Jess.

Remember your FIRST (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon