Chapter 54

367 6 0
                                    

"Oliver!" banggit ko pagkabukas ko ng sliding door ko.

Pero hindi siya, isang pusa lang pala. Huminga ako ng malalim at sinara yung sliding door ko. Bumalik ako gumawa ng assignments ko.

"Sam ano ba nanyayari sayo. Wag kana umasa na babalik siya, iniwan ka niya ulit. Di niya tinupad yung promise niya." bigla nalang din ako naiyak.

School

"Bakit kaya walang J.S no?" pagtataka ni Al.

"Oo nga, sabi pa naman nila yun daw pinaka magandang memory sa high school. Pero ok na din kasi Maquerade naman, kaya halos lahat ng year makakasama natin." sabi ni Matt

"Ras... Makikita kitang mag tutuxedo, OMG! Ang gwapo mo siguro." pasigaw na sabi ni Jess

"Sorry Jess, masama pakiramdam ko sa araw na yun." sarkastik na sagot ni Ras.

"Ang KJ naman nito, isang araw lang na magiging lalaki ka. Kami bahala sayo." sabi ni Rick.

"Ok ok fine!!!" sabi ni Ras na di talaga interesado.

"wala parin bang balita kay Oliver?" tanong ni Jake. At sabay sabay silang tumingin saakin.

"what?" masungit kong tanong. "Di ako tanungan ng nawawala, sa customer service kayo or pahanap niyo sa pulis!" sabi ko at naglakad.

"Sorry! From now on, wala ng babanggit ng pangalan niya ok, wala kasi siya dito." sabi ni Jess at hinabol nila ako sa paglalakad.

"Maiba tayo, maypraktis kami tuwing hapon, alam niyo na!" sabi ni Bryan.

"Sige manunuod kami." sabi ko at ngumiti naman si Bryan.

Pumasok muna kami sa mga klase namin. So after class, dumeretso na kami ng gym para manuod ng praktis nila.

Pagpasok namin sa gym humarang ulit si Manong Dom saamin at may inabot nanaman.

"Pinabibigay ulit!" sabi niya kaya kinuha ko. Diko muna binubuksan, humanap muna kami ng mauupuan.

Nagpra-praktis na din sila Bryan nung dumating kami. Pagka-upo namin tsaka ko binasa yung note at may paper bag pa. Medyo mabigat ha.

"Ano sabi?" tanong ni Ras.

Hey! Alam ko narinig mo na about sa Masquerade Ball. Diko man maiabot ng personal yung nasa paper bag, sana maappreciate mo. Gusto ko yan ang isuot mo sa gabing yun. See you ❤

Kaya binuksan ko agad yung nasa paper bag. Pagbukas ko isang tube dress, pair of black shoes, may guantes na mahaba at mask.

"Bongga naman ng adimirer mo. Siya na bumili ng gagamitin mo. Mameet mo na siya sa Ball. Oh my!" sabi ni Ras na kinikilig.

"Too beautiful to wear this. Hindi bagay saakin." sabi ko.

"Edi gagawin natin lahat para bumagay." sabi ni Jess.

"Oh bakit ganyan itsura mo?" tanong ni Bryan kasama ibang team, pahinga muna kasi nila.

"May binigay kasi ulit yung "admirer" niya." sabi ni Ras.

"Ano ba yan?" tnignan ng team laman ng malaking paper bag.

"Oh, aga naman nito, wala pa ngang date yung ball may isusuot kana?" sabi ni Rick.

"Yun nga e, nahihiya naman ako bakit kailangan niya pa magbigay ng ganito." sabi ko.

"Tanggapin mo nalang, andyan na yan e!" sabi ni Bryan. Tsaka niya nilagok yung isang boteng tubig. Kala mong uhaw na uhaw.
"alam ko na to e, para siyang fairytale ang peg, isusuot mo yan sa araw ng ball para madali ka niyang makilala." sabi ni Ras.

Remember your FIRST (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon