Chapter 93

191 4 0
                                    

Bryan's Pov

Diko maipaliwanag yung feeling na, yung gusto kong babae girlfriend ko na. Aminin ko baliw siya minsan pero wala akong magawa kundi unawain, suyuin siya maayos lang namin ano ang napag aawayan namin. Swerte niya ako boyfriend niya pero mas swerte ako nagkaroon ako ng girlfriend na gaya niya.

Pero bago pa maging kami, marami kaming napag awayan, dipa kami niyan ha. At dahil sa mga yun mas nakilala pa namin isa't-isa. Last game nanamin yun nitong taon. Wala siya kasi magka away kami, pero di ko hahayaan na matapos yung araw na di kami ayos.

Paano kami nag away? Ganito yan! Isang linggo nalang laban na, kaya sobrang wala akong time! yung simpleng hiling niyang, kahit manlang na magsabay kaming kumain di ko magawa, ihatid siya sa kanila, alam na din ng parents niya na nililigawan ko siya. Ayun nagalit saakin. Isinabay ko din sa sched ko yung gagawin kong supresa para sakanya. Kinausap ko din yung mga pambato ng campus sa sayawan, nakipag usap ako sakanila. Nagpraktis din ako kasama sila kaya di ako nakakasabay umuwi sa barkada, alam naman nila balak ko. Sa music hall kami nagprapraktis.

Dumating ang laban na wala siya, hindi talaga siya nanuod. At inutusan ko nang kidnappin si Sam, nila Ras at Jess. Bahala na silang mag palusot!. Natapos yung laro namin at kami ang nanalo. At ako nanaman ang MVP! At sa oras na to sana makuha ko na ang trophy ko kay Sam. Ang matamis niyang OO!

At lahat ng nanuod ng game, sa music hall pumunta. Pinagpaalam namin ulit mga gagawin ko sa Dean ng school. At ako naghahanda na. Kinakabahan din kahit papano. At nakatanggap ako ng text kay Jess na nasa school na sila. Sumunod na text papasok na sila sa backstage. Nagsalita muna ako, tapos naglagay na sila ng upuan. At nagstart na ako kumanta. Nagsigawan lahat!

Yan yung surprise ko sakanya. Nung pinalabas na siya sa stage at pinaupo na di ko napigilan kiligin kaya bumaba na ako at nilapitan siya. Tsaka ko siya niyakap, tapos nilapit ko muka ko sakanya. Nakita ko yung nakakalusaw niyang ngiti. Sumunod na eksena, kung sa video tinanong ni Austin yung name nung girl ako iba! tinanong ko si Sam.

"WILL YOU BE MY GIRLFRIEND?"

Nagsigawan lahat, di ako nabigo sa sagot niya.

"YES!"

Sagot niya, tsaka ko siya niyakap. Sigawan na lahat! At kung ano mga sumunod na nangyari gaya din ng nasa video.

Pagpasok namin kung saan siya lumabas pina ikot ko siya ulit at niyakap siya ng mahigpit. Tsaka nagsalita sa mic "Thank you!"

Habang nagliligpit na yung iba, kami ni Sam nasa isang room sa music hall.

"Nakakainis ka!" Sabi niya na umiiyak. Di ako nagtanong bakit mas hinigpitan ko lalo yung pagkakayakap ko sakanya.

"Kala ko ano talaga nangyari sayo, sabi nila Jess na may nangyari sayo habang naglalaro kayo. Pinagbihis pa ako bago nila sinabi. Tapos eto mangyayari. Nakakainis talaga." Sabi niya ulit.

"Di ko alam ganun pala sinabi nila, Sorry! Tsaka sorry din kasi nawalan ako ng time sayo this past few days."

"Kasi busy kayo sa finals ng laro niyo, tapos etong ginawa mo para saakin? Naintindihan ko yung laro, pero etong palabas mo." Pinigilan ko siyang magsalita.

"Alam ko namang nagustuhan mo."pangtutukso ko sakanya.

"Ano pa ba? Nakakainis lang!"

"Oh bakit naman?" Tanong ko.

"Namiss kaya kita, yung pangungulit mo minsan."

"Sus nagtampo na girlfriend ko. Ayie!"

"Ikaw may paganyan ganyan kapa. Wala akong masabi sa boyfriend ko."

"Sus! Halika na nga. Baka hinihintay na tayo nung mga yun!" Sabi niya tsaka ko hinawakan yung kamay niya.

"WHOAH! Congrats guys!!" Sigaw nila.

"Magkakasabwat kayo no?" Tanong niya.

Di sila nagsalita at nagtawanan sila. Matapos nang araw na yun na masaya kaming lahat.

Yan yung mga nangyari.

Sam's Pov

Naiinis na talaga ako kay Bryan, amp! Wala ng time, nanliligaw tapos iiwanan ka din. Di kaya nagsawa na siya? Di naman siguro! Busy lang. Oo inintindi ko yun. Pero sa sobrang pagkatampo ko di ako nanuod ng laro nila. Bahala siya!

Nasa bahay lang at nagkulongnsa kwarto, nang marinig kong may sumisigaw sa gate namin, ayan na sila bubulabugin ako. Bumaba ako at pinagbuksan ko sila.

"Oh anyare sainyo?" Tanong ko.

"Si...si... BRYAN!!!" sabi nilang dalawa, kinabahan ako bigla.

"Ano nangyari kay Bryan?" Nag papanik kong tanong.

"Basta hirap ipaliwanag... Kaya tara na habang nasa school pa siya." Sabi ni Jess.

Tumakbo ako papunta sa kwarto ko. Para magbihis, at yung dalawa hinintay ako sa sala namin. Kasalanan ko to e! Sana ok lang lahat! Lord please! Pagkabihis ko tumakbo na ako pababa.

"Ano tara na. Sana walang malalalang nangyari."

"Relax!" Sabi nilang dalawa.

Pagbaba namin sa tapat ng school, bigla nalang ako piniringan.

"Ano ba to? Hoy ano ba!"

"Sorry friend, kailangan lang. Sumunod kana lang tsaka magtiwala ka saamin." Sabi naman ni Ras.

"Ugh! Gawa ni Bryan to no?"

Di na sila nagsalita sumunod nalang ako inalalayan nalang nila ako. Ang layo ata pupuntahan namin dito sa campus. Nagtaka nalang ako bigla kami huminto. May mga ingay akong naririnig.

At napamura ako sa isip ko, ano to concert? Ano nanamang pakulo ni Bryan to. Para saakin ba to? Nagsimula na siyang kumanta. Medyo kinilig ako! Matagal din ako naka blindfold. Nung tinanggal nila yung blinfold ko bigla nila ako nilabas sa kutina. At pinaupo.

Syet! Halos mga estudyante andito. Nakita ko siya pababa at papalapit saakin, diko napigilan kilig ko. Ang gwapo e! Hanggang sa tinanong niya na ako ng will you be my girlfriend. Lusaw na... Kaya napa yes na ako. At ayun niyakap niya akomat niyakap ko siya. Kung ano nasa video ganun din ginawa ko.

"Thank you😊" sabi ko nung hinatid niya na ako sa bahay.

"Wala yun, basta para sayo!" At niyakap niya ako ulit.

"sige na gabi na din, ingat ka pag uwi!"

"I love you💜" sabi niya.

"Tanong ba yan? 😆 hahaha"

"Bigla siyang nalungkot, niyakap ko siya tapos tinignan ko siya. I LOVE YOU TOO BRY!"

Ay landi! Hahaha niyakap niya ako ng mahigpit at ngumiti siya.

"Sige na uuwi na ako, bye!"

"Goodnight!"

At umalis na siya. Ako naman, pumasok na at dumeretso sa kwarto. Mukang di ako makakatulog sa sobrang kilig. Hay!!! Lakas parin ng kabog ng puso ko.
_______

Ano masasabi niyo? Char!. Sorry ngayon lang ulit naka pag update. Bawing bawi naman siguro ako sainyo. Manhid yung hindi kinilig dito sa chapter na to, joke! Hahaha. Hay! Sana ganito mangyari saakin. Lol.

O basta hintayin niyo next chapter! Thank you readers 😀

Happy Reading!!!

Remember your FIRST (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon