Chapter 20

666 19 0
                                    

Nasa school na din kami. Ganun parin naman ang mga ganap pinagkaiba lang wala si Oliver.

Recess...

"Sam... Right?" sabi ni Bryan kasama yung ibang players na lumapit sa table namin.

"Yeah!"

"Ahm kamusta si Oliver? Nag aalala din kami hindi kami binalitaan kahapon e."

"Ganun ba? He's Fine don't worry!" sabi ko sakanila. Tsaka ngumiti saakin si Bryan.

"Mukang nag alala ka talaga sakanya kahapon ah, kasi yung mata mo. Sige dun na kami sa table namin. Salamat!"

"ha?? Ahm... Sige." yun nalang nasagot ko, nakakahiya yung itsura ko.

"pati si papa Bryan nahalata mata mo, bakit kasi nag drama ka." sabi ni Ras, maka papa naman tong baklang to.

"Di ba nagtext sainyo si Oliver?" tanong ko.

"Wala e, teka nga nagka usap kayo kagabi diba? Bat di niya ba sinabi sayo?." sabi ni Jess

Di nalang ako kumibo, saan kaya sila pumunta ni Ninang? Baka nagpa check up yun sa nangyari sakanya kahapon.

"Oh baka naman nagpatingin ulit sa doktor. Kalma lang baka mamaya makausap mo na rin siya."

"Sana, tapos na kayo? Tara na sa room." sabi ko sakanila. Baka nga nagpa check up lang siya, nag-aalala na ako sa kanya.

"Tara na" sabi nung dalawa tsaka kami lumabas ng cafeteria.

Sa paglalakad namin, nasalubong namin isa sa mga ka-team ni Oliver si Matt.

"Teka, bat di pala pumasok si Oliver?" tanong niya.

"diko din alam e, wala naman siyang nabanggit kahapon saakin, but he's fine.... I guess!" sagot ko sakanya, tapos humawak siya sa balikat.

" you need a rest. I guess." sabi niya at nag smirked pa saakin at umalais na din siya, kami naglakad na papuntang room.

Nakakahiya na talaga itsura ko, dami ng nakakapansin. Kailangan ko siguro ng pahinga, hindi din ako nakatulog ng maayos kagabi e. Babawi ako sa pagtulog!

Natapos na ang klase namin na walang text si Oliver, kahit ganun nakapag focus naman ako sa mga lessons.

"Uwi na tayo guys." sabi sakanila.

"Tama para makapagpahinga ka." sabi naman ni Ras.

Lumabas na kami ng room, habang naglalakad kami nakasalubong namin si Bryan.

"ingat sa pag-uwi." sabi niya at ngumiti pa. Teka bakit kumabog dibdib ko. Di kaya??? Waaaahhhh...

"Teh ang haba ng hair mo, natapakan ko na... Waaaahhhhh...." kinikilig na sabi ni Ras.

"Loka!" yan lang nasagot ko. Pero kinikilig din ako.

"ahem... Ahem... Mukang nag-iiba ihip ng hangin ah." sabi ni Jess.

"kayo lahat ng makita may meaning agad, di ba pwedeng kaibigan natin si Oliver, kaya ganun sila ka approachable sa mga kaibigan ng ka team nila!" sabi ko sakanila.

Nakasakay na kami ng tricyle pauwi. Di na sumagot yung dalawa sa sinabi ko. Pagkababa namin sa gate naglakad na kami papasok.

"Sa tingin niyo ok naman siya diba?" tanong ko.

"Ok siya, masyado ka nang stress teh, look at you. Pagkahatid namin sayo magpahinga ka ha... Nag aalala kami sayo, baka naman ikaw magkasakit niyan." sabi ni Jess.

"Ok I will, thanks guys!" sabi ko tapos ngumiti lang ako.

Bat parang sakanila ok yung nangyari kay Oliver?.. Weird na ata ako.. Haayy! Pagkahatid nila saakin, pumasok na ako at dumeretso sa kwarto ko. Tumingin muna ako sa salamin.

"Ugh... Tama sila grabe yung itsura ko ngayon. Pahinga nga talaga to."

Nagbihis na ako, diko na nagawang tignan yung terrace ko. Humiga na agad ako at natulog.

Remember your FIRST (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon