Chapter 46

383 11 1
                                    

"Si Oliver..." sambit ko habang umiiyak.

"Magiging ok siya, tama na Sam!" niyakap ako ni Jess at Ras.

"Tama magiging ok siya. Tahan na Sam." sabi ni Ras.

Ayaw parin tumigil ng mga luha ko sa pagtulo hanggang sa nakarating na kami sa hospital. Bumaba na kaming lahat. Binaba na din sa ambulansya si Oliver at inilipat sa usa pang hospital bed. Tumakbo ako sa tabi niya.

"Oliver please wake up! Please Oliver, wag ka namang ganyan!" sabi ko.

"Miss excuse dadalhin nanamin siya sa emergency room" sabi ng isang doktor.

Hinila na siya papasok, ako nakasunod pa din nahawakan ko kamay niya. Sinundan din ako nila Jess at Ras.

"Please Oliver... Wake up! Wag ka namang ganyan. Wake up!"

"Miss hanggang dito nalang po." sabi saakin ng doktor. Sinara na nila yung pinto at ako naupo sa sahig at umiiyak parin.

"Sam. Magiging ok si Oliver." sabi ni Jess at niyakap ako. Umupo kami sa waiting area!
Maya-maya lumabas na yung doktor. Kinausap kaming lahat.

"He's fine now, nasobrahan siya sa pagod. Gusto ko kausapin magulang niya."

"Wala po dito e, pero alam ko po yung number, pwede niyo naman po tawagan." sabi ko.

"come with me, ahm ililipat na din siya sa kabilang room para makapag pahinga."

"thank you dok" sagot nila. Ako naman sumama kay dok!.

Pagdating namin sa office niya. Pinaupo niya ako!

"Paki dial nalang yung number ng mom niya, I need to talk to her"

Dial ko number ni Ninang at nung nag ring na inabot ko na yung phone kay dok. Nasa isa pang private room si Dok kaya diko din narinig usapan nila ni Ninang.

30mins. lumabas na si Dok.

"Dok, tell me the truth malala na po ba?" tanong ko.

"dahil natanong mo na din, sasabihin ko yung totoo. Yes malala na kalagayan niya. Kailangan niya na ng donor. Hanggat wala pa siya nahahanap laging ganyan mangyayari sakanya hanggang isang araw pwede siyang mawala."

Pinili kong di umiyak, huminga ako ng malalim.

"Sige po dok, puntahan ko na siya sa kwarto niya. Salamat po!" lumabas ako sa office ni dok at naglakad sa kawalan.

Bakit siya? Ayoko mawala siya!

"Sam!" tawag saakin ni Bryan.

"Bryan." sambit ko.

"Tara, dito room ni Oliver." sabi niya saakin. Inakbayan niya ako. "ang himbing ng tulog ng bestfriend mo."

"Ganun ba? Napagod talaga siya." Sabi ko nalang. Ginulo niya yung buhok ko.

Si Bryan naging sandalan ko sa mga oras na kailangan ko ng kausap at kasama. Di na kailangan sabihin pa kasi alam niya na gagawin. Lalo ngayon na diko na alam gagawin.

Binuksan niya yung pintuan ng kwarto ni Oliver, andun si Coach ang team at si Jess at si Ras.

"Ok na daw siya, pahinga lang kailangan. Nasobrahan sa pagod." Sabi ko habang papalapit kay Oliver na nagpapahinga.

"I told you, magiging ok siya." Sabi ni Jess at niyakap ako.

Magiging ok pa kaya kung bigla nalang siya nawala.

"Bumalik na kayo sa resort, ako na magbabantay dito. Magpahinga na din kayo." Sabi ni coach

"Coach ako nalang po magbabantay kay Oliver." Sabi ko.

"No Sam. Kailangan mo na din magpahinga." Sabi ni Coach

"Ok lang ako coach, pwede naman po ako dito magpahinga e, dito lang ako kay Oliver. Sige na coach!" Pagpipilit ko.

"Sam." Medyo malamya na sabi ni Coach.

"Sige na coach, dito na si Sam. Baka mas lalong di makapagpahinga to pag di nakikita si Oliver" sabi ni Bryan.

"Ok sige, basta tumawag ka kung ano man mangyari ha?" Sabi ni coach

"Opo." Sagot ko.

"Sige na aalis na kami, ingat ka dito ha." Sabi ni Coach

"Teh text ka ha, pahinga ka na din." Sabi ni Ras at yumakap pa saakin pati si Jess.

Lumabas na sila at si Bryan yung huli.

"Thanks Bryan." Sabi ko tsaka ko siya niyakap.

"No prob. Basta magpahinga ka ha. Ang swerte ni Oliver." Sabi niya.

"Ikaw talaga. Sige na hinihintay ka na din nila. Ingat din kayo pabalik sa resort."

"Sige, goodnight Sam!"

"Goodnight Bryan!"

Sinara ko na yung pinto at lumapit ako sa tabi ni Oliver. Inayos ko yung kumot niya at hinawi ang buhok niya. Tsaka ako umupo sa tabi ng kama niya. Bigla ko nanamang naisip yung sinabi ni Dok na pwede siyang mawala. Pero alam ko matatag si Oliver.

"Good night Oliver." Hinalikan ko siya sa noo. Pinatong ko yung ulo ko sa kama niya at hinawakan ko kamay niya, kailangan ko na din magpahinga kaya pumikit na din ako.

Naramdaman kong may humaplos ng buhok ko pababa sa muka ko, Kaya nagising ako. Nakita kong gising na siya.

"Ahm... may masakit ba sayo? May kailangan ka ba?" Bigla akong nataranta.

"Hey hey... Relax! Im fine. Come here." Sabi niya. Kaya lumapit ako. Bigla niya ako niyakap!

"Don't worry, I'm fine!" Bigla nanaman tumulo mga luha ko.

"Natatakot ako mawala ka, natatakot ako baka iwan mo ko." Sabi ko.

"Ssshhh... di kita iiwan ok!" Binitawan niya ako tsaka niya pinunasan mga luha ko.

"Sabi mo yan ha, gutom kana ba? Teka bibili ako sa canteen!" Humiwalay ako sakanya. Pagbukas ko ng pinto dun naman dating nila Coach.

"Oh gising na pala kayo. Tamang tama may dala kaming agahan. Kumusta pakiramdam mo Oliver?"

"Ok na po coach."

"Pinag alala mo kami pre" sabi ni Matt.

Kamusta tulog mo? Mugto parin mata mo ah" pangangamusta saakin ni Jess.

"Medyo ok naman."

"Sabi ng doktor pwede kana lumabas mamaya. Sige na kumain na tayo."

Kumain na kaming lahat, nabuhay nanaman ang tawanan hamggang sa matapos kaming kumain. Inayos na din ni Coach yung pag didischarge saakin. Kasama ni coach pumasok si dok.

"Makakalabas kana mamaya, nakausap ko na din mom mo. Well payo ko lang wag ka masyadong magpapagod."

"salamat po dok."

"Sige, wag mo niyo na alalahanin yung bayad. Pinadala na ng mommy mo."

"Ganun po ba, salamat po ulit."

Lumabas na si Dok, at ako naman lumapit sakanya.

"Sorry ha, kahit ayaw mo mag alala si Ninang sinabi ko parin yung nangyari sayo."

"Wag kana mag sorry, maganda nga yun alam ni Mama yung nangyari. Kasi mas mag aalala yun pag walang balita saakin. Kaya ok lang. Smile kana, dipa kita nakikitang ngumiti simula nung gumising ako. Nagtatawanan ang lahat ikaw parang biyernes santo ang muka. Ngiti na... ngingiti na yan. Yiee ngingiti na yan."

"Oliver ano ba? Sige na nga oh!" Ngumiti na din ako. "Makita lang kitang nakangiti napangiti mo na din puso ko" bulong ko .

"Ano sabi mo?" Tanong niya..

"Sabi ko tumigil kana baka ano nanaman mangyari sayo." Pagpapalusot ko.

Kung titignan mo si Oliver di mo masasabing may sakit siya. Ang lakas mang asar, galing mag basketball. Ewan ko ba bakit siya pa.

Remember your FIRST (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon