Chapter 58

260 4 0
                                    

Medyo gabi na din nung matapos ang praktis nila. Papasok na din kami ng subd.

"Guys dito na kami nila Jess. Oh Bryan hatid mo nang maayos si Sam ha." sigaw ni Ras.

"Opo, ako bahala." sagot niya.

Kasama din namin si Al, hahatid din si Jess. Nagkanya kanya na kami nang daan.

"oh tahimik ata si Sam?" sabi ni Bryan.

"ha? Eh! Wala to. Napagod lang sa lesson."

"Common, spill it! Makikinig ako." sabi niya at hinawakan kamay ko. Huminto kami sa kanto namin.

"Kasi naman yang secret admirer na yan. Mababaliw na ata ako kakaisip sino siya. Nakasayaw at naka usap ko nga pero diko parin nakita muka niya. Tsk!" sabi ko. Tapos bigla niya ako niyakap, bigla ko nalang siya naalala. Ganito din ginagawa niya.

"Feel better?" tanong niya. Kahit galing siya sa laro ang bango niya. Tumango naman ako sa tanong niya.

"Thanks Bryan!" tsaka ako humiwalay sakanya at ngumiti din siya. Naglakad na ulit kami.

"Dito nalang, Salamat." sabi ko pagdating namin sa tapat ng bahay namin.

"Welcome, Goodnight Sam" sabi niya tsaka siya ngumiti.

"Goodnight Bryan, pasok na ako. Ingat ka sa pag-uwi." nagwave nalang siya at naglakad na palayo, pumasok na din ako.

"Ginabi ka ata." bungad saakin ni Mama.

"sorry!" sabi ko, di naman galit si Mama.

"halika na dito, kain na tayo!" pumunta na din ako sa kitchen.

"wow sarap naman nito." sabi ko kaya umupo na ako, sabay-sabay kami kumain.

"kamusta naman ang araw mo?" tanong ni Papa.

"ok naman po. Medyo busy na din sa mga projects, kailangan maka pagpasa na bago ang laban ng basketball sa school."

"Asikasuhin mo na para di ka matambakan ha. Teka nga pala diko nakamusta yung masquerade ball niyo, kamusta pala?" sabi ni Daddy.

"ok naman po dad, enjoy po si Bryan nga lang po wala, nagkasakit."

"Ano kamusta mga nakasayaw mo?" tanong ni Mama na parang kinikilig.

"Ok naman po sila, tatlo lang yung diko kilala then the rest, yung barkada na." kwento ko.

"Speaking of Bryan, nanliligaw ba sayo yun?" tanong ni daddy.

"Hindi po, ganun lang talaga si Bryan. Kahit naman po sa iba." paliwanag ko.

"Ok yan ha, alam kang ihatid pag ganitong oras. Ok yang barkada niyo, pero Sam ha alam niyo dapat mga limitasyon niyo, wag niyo gayahin yung ibang barkada na kubg saan saan nagpupunta di nagpapaalam sa magulang, hating gabi na umuwi kasi nag bar hopping kung saan."

"Dad kalma. Ma, Dad hindi po kami ganun kilala mo naman si Jess at Ras, mabuti yung barkada namin, wala din silang hilig sa mga ganun." paliwanag ko.

"Pero sana maging aral yung nakikita niyo sa paligid niyo, buti nga matitino yang mga lalaking kasama niyo. Kung gusto niyo naman ng tambayan, pwede naman dito sa bahay." sabi naman ni Mama.

Ay grabe napraning na sila, alam ko naman yun e.

"Ok na Ma, sige dito kami tatambay minsan. Tsaka trust me! Alam ko naman po yun e. Kasi iba na generation ngayon. Ok na po ba?" sabi ko.

Di na din sila naka pagsalita at nagpatuloy na din kami kumain. After dinner umakyat na ako at dumeretso sa kwarto. Humiga agad ako kahit naka uniform pa. Chineck ko phone ko.

Remember your FIRST (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon