Chapter 29

580 12 0
                                    

"Siguradong maglalaro ka ngayon?" bulong ko habang inaayos namin gamit namin.

Tapos na din kasi ang klase.

"trust me, di ako magpapagod." sabi niya.

"ok fine!"

"ano ok baba kayong dalawa?" sabi nu Ras.

"Ok lets go!" sabi naman ni Jess.

Lumabas na kami ng room at dumeretso kami sa gym. Nadatnan namin yung ibang team member nag wawarm up na!

"Pareng Oliver, long time no see." sigaw ni Matt kumaway nalang si Oliver at yung ibang member.

Masaya naman ako sakanya kahit may sakit siyang dinadala gusto niya paring kumilos na parang normal. Ayaw niyang itrato siya na iba at kaawaan. Susuportahan ko siya sa mga gusto niya dahil bestfriend ko siya.

Naupo na kaming tatlo sa bleacher at si Oliver pumunta ng Locker nila para magpalit. Biglang pumasok si Bryan at sumaludo saamin.

"ang hot naman ni Papa Bryan!" sabi ni Ras na pumupungay ang mga mata.

"Oh bakla matunaw!" sabi naman ni Jess.

"Alam mo ang dami mo kaagaw oh!" sabi ko tsaka nilibot ang paningin sa gym.

May mga mga ibang year din na nakatambay dito at manunuod.

"Mangarap sila, kasi saatin dumidikit si Papa Bryan at di sakanila." pagsuaungit ni Ras.

"I LOVE YOU BRYAN!!!" Sigaw nung isang babae sa kabilang bleachers.

Hindi niya Fangirl yun, Maniwala kayo sa hindi Ex-Girlfriend niya yung sumigaw si Hailey Flores siya ang Famous sa laboratory highschool kasama mga alipores niya.

"Ayun pala karibal mo Ras!" sabi ko.

"sorry di siya pinansin kawawang Hailey!" sabi naman ni Ras.

Lumabas na din si Oliver at lumapit saamin at binigay saamin yung bag niya.

"Go Oliver!" sabi naman nung dalawa.

Gusto ko siya pigilan pero ngumiti siya saakin at ginulo buhok ko. Sa ganung ginawa niya gets ko na kaya ngumiti nalang ako.

Bumaba na siya at nag start sila mag warm up. Tinitignan ko lang sila, ok naman siya kung titignan.

"Ahm guys pupunta ako Cafeteria may gusto ba kayo?" tanong ko.

"Ikaw na bahala." sagot nung dalawa.

Bumaba ako ng bleacher at lumabas ng gym. Pagdating ko sa Cafeteria bumuli ako ng 5 tubig tapos yung malaking Nova, binayaran ko na yun at bumalik ulit sa gym.

"Sorry ha, Isang malaki na binili ko." sabi ko sakanila pagka upo ko.

"Ok lang!" sabi nila tsaka binuksan yung binili ko.

Nagstart na din sila mag praktis. Medyo nababahala ako sa itsura ni Oliver nahihirapan na siya huminga. Tumingin siya sa pwesto namin!

"mga pre time out muna!" sigaw niya.

"Mabuti pa nga, kanina kapa naghahabol ng hininga." sabi nung isang member.

Pumunta sila ni Bryan sa pwesto namin. At inabot ko yung bottled water para sakanila.

"Thanks!" sabi nila.

"Kaya mo pa ba pre?" tanong ni Bryan.

"Oo, napagod lang!" sabay inom ng tubig.

"mukang suportado ka pa rin ng ex mo ha." sabi ni Jess.

"Tsk... Nakakairita nga e!" sagot ni Bryan.

"Sus! Ang sweet niyo nga dati e, anyare?" sabi naman ni Ras.

"Ginamit niya lang ako, pagtapos nun humanap na siya ng iba! Ngayon hahabol habol." paliwanag ni Bryan.

"Ay naku di siya karapat dapat sayo! Gusto mo tayo nalang?" sabi ni Ras. Nabigla kami lahat.

"Nakakatawa ka Ras! Hahaha..." sabi ni Bryan.

"Ang sama naman nito!" grabe di talaga maipinta muka ni Ras sa sinabi ni Bryan, pati kami natawa.

"Ok Game na ulit!" sigaw ni Bryan. Tsaka sila bumaba ni Oliver at nagpunta sa Court.

Mabilis talaga mapagod si Oliver, konting takbo lang namumula na siya, any moment pwede siyang matumba. Pero kontrol niya naman, nakakashoot parin siya.

Minsan napapapikit ako pag tumatakbo siya. Kasi diko kayang nahihirapan siyang huminga. Pinagdadasal ko nga sana may dumating na donor para sakanya.

Remember your FIRST (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon