Chapter 60

299 9 0
                                    

"Nakatapos din tayo." sabi ni Rick

"Oo nga, practice nalang iisipin natin."

"goodluck sainyo kaya niyo yan!" sabi ni Ras.

Bumalik kami ulit sa gym tumambay muna kami dun. Pero yung iba pinili maglaro ng basketball. Konti nalang estudyante sa loob. Kami ni bryan umupo sa bleachers sa taas. Habang pinapanuod namin sila. Natatawa din siya kay Ras ang kulit maglaro, minamanyak mga boys. Hahaha! Natigil lang nung may tinanong si Bryan.

"mahal mo ba talaga?" tanong niya.

"Huh?" sagot ko, pero parang may kung ano akong naramdaman sa puso ko.

"Si Oliver, mahal mo ba?" bigla akong nalungkot at yumuko.

"Oo kaya nga inamin ko sakanya ng di oras. Pero ngayon dina, masakit umaasa lalo sa taong di ka naman pala gusto. Natauhan na ako. Dun nalang ako sa taong gusto ako."

Ngumiti lang siya.

"Oh bakit ganyan itsura mo?" tanong ko.

"Wala, buti naman natauhan ka. Tama naman ginawa mo. So naka move on kana?"

"Oo, may galit parin ako sakanya. Naniwala ako sa mga pangako niya na di niya na ako iiwan ulit." sagot ko.

"wag kana magalit sakanya, baka inisip niya yung makakabuti kaya di sinabi sayo na aalis siya." sabi ni Bryan.

"Makakabuti ba yun? Sa tingin niya masaya ako nung iwan niya ako ulit. Tss... Alam ko di niya ako girlfriend pero bestfriends kami diba dapat nagpaalam nalang siya kahit masakit, kaysa yung umalis nalang siya bigla." sabi ko.

"Yun din yung point dun, di niya na sinabi sayo para dika masaktan sa pag alis niya. Pero aminin ko din mas masakit ang magpaalam kaysa sa iniwan nalang bigla. Kasi yun harapan mong sasabihin. Makikita niyo sa isat-isa ang sakit. Kaysa sa di nagpaalam di gaanong masakit kasi di niyo nakita ang isat-isa na nasaktan, pero andun yung galit at sakit. Tama ba?" sabi niya. Seryoso siya ha. Nakatitig lang ako sakanya habang sinasabi niya mga salitang yan.

"Hay! Napaka komplikado pag dating saaming dalawa. Tama ka naman e. Pero diko talaga magawang di magalit."

"nasa sayo naman kung iintindihin mo lahat. Baka may dahilan bakit siya umalis. Tsaka andito kami lahat." sabi ni Bryan at kiniliti niya ako sa tagiliran ko.

"Ano ba!" tsaka ko siya ginantihan din ng kiliti. Ang harot lang naming dalawa. Di naman kami pinapansin ng barkada kasi busy din sila mag-agawan ng bola.

"tama na nga." sabi ni Bryan na natatawa parin.

"Ahm Thanks Bryan!" nakangiti kong sabi. Tsaka ko siya hinawakan sa kamay.

"Para saan naman?"

"sa mga sinabi mo, tsaka yung lagi kang nasa tabi ko. Simula nung Summer na alam natin na maraming nangyari andyan ka lagi. Tapos ngayon. Thank you talaga."

"wala yun, basta ikaw!" nakangiti niyang sabi tsaka niya hinawakan yung kamay ko. Napangiti na din ako!.

Hay Bryan, bakit ganito ka saakin? Naninibago na ako sa mga kilos mo. Alam ko naman na mag kaibigan tayo.

"Nagsisisi ako sa mga ginawa ko. Siguro kung diko ginawa mga yun, tayo parin ganyan din tayo ka sweet ulit, baka di lang ganyan mas sweet pa."

"Hailey!" sabay naming banggit ni Bryan.

"ano ginagawa mo dito?" tanong ni Bryan.

"Napadaan lang ako, wala naman ako balak manggulo sainyo. Diko din alam na nasabi ko yung mga salitang yun. Sige dito na ako."

Ngumiti siya saamin, diko alam kung fake or totoo yun.

"Oh ano nanaman kailangan sayo nun pre?" tanong ni Matt.

"wala napadaan lang daw siya. Tara na umuwi baka gabihin na tayo nito e." sabi ni Bryan.

"mabuti pa nga!" sabi ni Ras at Jess.

Kanya kanya na kami ng lakad. Yung ibang boys nauuna maglakad. Well wala naman pinagbago, kami laging tatlo nahuhuli.

"Teh anyare kanina?" tanong ni Ras.

"Ha? Yun? Ewan ko ba dun. Sabi niya nagsisisi daw siya sa ginawa niya. Sana sila pa daw ni Bryan."

"Loka kasi, kung ako bat pa ako magloloko, e Bryan yan. Kilala tsaka habulin ng babae, pero siya lang tinignan ni Bryan noon pero siya tumingin pa sa iba. Tsk! Karma niya yan." sabi ni Jess

"Ahem, paano pag si Al nanligaw sayo, baka gawin mo yun!" pang-aasar ni Ras sakanya.

"Grabe ka Ras, magkaibigan lang kami." sabi ni Jess na parang kinikilig.

"Ewan ko sayo, aminin mo na kasi na may gusto ka sakanya. Na umaasa ka na one day manligaw siya sayo. Hahaha" pang-aasar nanaman ni Ras.

Ewan ko ba sa dalawang to. Natatawa nalang ako sakanila!

"Umaasa talaga? Hindi ah! Pero kung sakaling manligaw at sinagot ko, syempre diko gagawin kung ano man ginawa ni Hailey. Pero syempre wag din tayo umasa na tumagal ang isang relasyon. Bata pa tayo marami pa tayong makikilala." paliwanag ni Jess.

"haba teh ah!" sabay naming sabi ni Ras.

"oh guys paano ba yan next week na ulit, suportahan niyo kami ah." sabi ni Rick

"Oo naman no! Kayo pa." sabi naming tatlo nila Ras at Jess.

Sumakay na yung barkada bali kaming tatlo at Bryan at Al ang natira.

"Ahm... Ikaw Al dapat diba kasama ka nila?" pagtataka ni Jess.

"Ha? Eh? Sasama ako sainyo." medyo namumulang muka ni Al at napakamot siya sa batok niya.

"sus Al, deretsuhin muna kasi. Napaghahalata kana e." sabi ni Ras.

"Siya tama na yan, umuwi na tayo." sabi ko.

Sumakay na kami ng Jeep. Si Bryan lagi na kaming hinahatid. Ewan ko anong trip nito!

Nakarating na kami sa Subd.

"Oh Bryan kaw na maghatid kay Sam, ako na bahala sa dalawang to." sabi ni Al.

Nagpaalam na kami sa isa't-isa. Lumakad na kami ni Bryan papunta sa bahay namin.

"thank you sa paghatid, lalo sainyo ni Al."

"sus wala yun, lakas niyo saamin. Haha! Tsaka ginagabi na din tayo umuwi, kaya kailangan hatid namin kayo."

"Naks naman, pero thank you parin. Sige na baka hinihitay ka na ni Al sa gate. Bye! Ingat kayo sa pag-uwi. Goodluck sa monday!" tsaka kami ngumiti sa isa't-isa.

"Salamat, mananalo tayo. Kami paba? Sige na baka nga hinihintay na ako ni Al. Bye! Goodnight.

Pumasok na din ako sa loob. Dumeretso sa kwarto para magpahinga.
___________

Hello Readers natagalan ulit sa pag a-update. Sorry po! Alam ko nabitin sainyo yung iba.

Marami kasi ako inaasikaso, marami ding mga nangyari. Chos! At gusto ko din sabihin na magkakaroon na po ng POV ang mga characters. Para mas magandang basahin. So yun lang! Next Chapter Kaninong Pov ba gusto niyo? Comment lang. Thank you Readers :)

Sa ngayon eto muna. Happy Reading :) godbless!

Remember your FIRST (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon