Chapter 6

984 22 0
                                    

"Hoy kala mo friends na tayo, hindi at hindi mangyayari yun." sabi ko tsaka niya pinaandar yung kotse.

"Eto naman, move on na ang tagal na nun diba Ras and Jess?"

"Oo nga teh! Tama na yan. Ok nga tipid tayo sa pamasahe e!" sabi ni Jess.

"Pagbibigyan kita ngayon, dina mauulit to."

"Alam mo ikaw, ang sungit mo parin saakin."

"Kailan ka pa andito?" tanong ni Jess.

"Kahapon lang, grabe namiss ko kayong dalawa. And Ras wow talagang pinandigan muna yan ha."

"Nyenye nyenye..." bulong ko.

"Ikaw din namiss ka din namin no, gumwapo ka lalo Oliver. Naku baka pagka guluhan ka ng mga babae sa Campus."

"Eiw naman Ras, siya? Tsk! Mas gwapo pa si Bryan sakanya."

"Crush mo?" tanong niya.

"Oo." sagot ko, patay Sam bakit nag oo ka.

"Ay teh bongga, crush mo pala yun. Ayie!!!.."

"Tumigil ka nga Ras."

"May crush ka na pala!" sabi naman ni Oliver.

"Oh ano naman sayo?"

Nasa school na kami, pag baba namin ng kotse estudyante nakatingin saamin. Oo nakaka ilang lalo mga babae pa nakatingin saamin.

"Oh ano tinitingin tingin niyo? Siya ba? (turo kay Oliver) sorry dadaan muna kayo saakin bago niyo siya makuha. " sabi ni Ras.

"Loko ka talaga Ras!" sabi ni Oliver tsaka siya tumawa.

"Teka nga saan daw ba room mo?" sabi ko.

"Kailan kapa nagkaroon ng pake kay Oliver teh? Kanina kumukulo dugo mo sakanya." sabi ni Jess.

"wala parin ako pake ok? Mas lalo kumulo dugo ko sa mga nakatingin saatin sa Unggoy na yan!"

"Grabe ang gwapo ko namang unggoy Sam, Sa room 103 ako." sabi ni Oliver.

"WHAT???" sigaw ko. Dumikit na ata lahat ng kamalasan saakin.

"Kaklase ka namin Oliver, oh my... Sakto dun ka sa tabi ni Sam wala siyang katabi." excited na sabi ni Ras.

"Tara na... Dali!" sabi ni Ras at Jess. At iniwan nila ako.

Sige ako na masama, ugh!!! Padabog ako naglakad at sinundan sila.

______

Bakit kaya galit na galit si Sam kay Oliver? Sa tingin niyo bakit?

Di kaya may ginawa si Oliver sakanya na hindi parin makalimutan ni Sam? O yung lagi siyang inaasar nung bata palang sila?

Happy Reading.

Vote and Comment

Remember your FIRST (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon