Chapter 35

640 11 0
                                    

Sabado:

"Good morning Ma" bati ko.

"Gising kana pala. May nakahanda na dun sa lamesa. Kumain kana." sabi ni Mama habang nagdidilig ng mga halaman niya.

Dumeretso na ako ng kusina para kumain ng agahan. Nakaka tatlo palang akong subo biglang...

"GOOD MORNING sa pinaka magandang bestfriend ko."

"alam mo ikaw." sabay hampas sakanya.

"aray! Bakit nanaman ba? Buti nga binati kita e."

"binati? E paano kung na stock tong hotdog sa lalamunan ko dahil ginulat mo ko. "

"sorry na po, sige kain kana."

"teka, bat andito ka?" tanong ko. Parang sa kilos niya nakalimutan niya yung nangyari kahapon.

"aaahh... Dito muna ako kasi aalis si Mama may pupuntahan."

"oo dito muna siya hanggang bukas." singit ni Mama. Muntik ko na ngang ibuga yung kinakain ko.

"Bukas?" sagot ko.

"oo, teka parang ayaw mo ata e!" sabi ni Oliver.

"wala naman ako sinasabi e!" sagot ko. Pinagpatuloy ko kumain hanggang sa matapos ako.

Pumunta kaming garden ni Oliver, actually dala niya yung bola ng basketball. Dribol lang siya ng dribol.

"ui di ka ba napapagod dyan?" tanong ko.

"hindi, magbasa ka lang dyan!" sabi niya. Tuloy parin siya sa pag dribol.

Si Mama naman nasa kusina, nagluluto na ng lunch. Saan naman kaya nagpunta si Ninang?

"Ahm Oliver saan naman ang punta ni Ninang at dito ka iniwan?" tanong ko.

"ayaw mo ata na andito ako ah." sagot niya tsaka siya ngumisi, patuloy parin paglalaro niya sa bola.
"di ko naman sinabi, masama bang magtanong? Tsk!" sagot ko sakanya. Nainis na ako nun! Lumapit siya saakin umupo siya dun sa isang silya.

"ito naman nagtampo agad, sorry na!" sabi niya saakin. Dipa siya natapos dun. Kiniliti niya pa ako.

"ang bestfriend ko nagtatampo. Sorry na! Diko din naman alam saan punta ni Mama e!" patuloy parin ang kiliti niya.

"ano ba Oliver, kasi naman. Masakit na... Ano ba?" ayaw niya parin tumigil hanggat di ko siya pinakikinggan.

"sorry na kasi!" tumatawa na kaming dalawa. Halos nakahiga na ako sa damuhan siya nakaluhod at patuloy sa pagkikiliti saakin.

"Oliveeerrr ayoko naa... Tama na kasi" sabi ko sakanya. Bigla naman siyang tumigil. Pagbaling ko sakanya hawak niya yung dibdib niya at hinabol yung hinga nya.

Tumayo agad ako.

"Tttee...kkaa... Tatawagin ko si Mama." sabi ko na ngapapanic, di ko alam gagawin ko.

"no stay here! I'm ok, stay." sabi niya saakin.

"kasalanan ko to e!" sabi ko.

"No, it's not your fault!"

"umupo ka dito, kukuha ako ng tubig." inalalayan ko siya umupo at tumakbo agad ako papasok ng bahay.

Pagkuha ko ng tubig lumabas ako ulit para dalhin kay Oliver. Inabot ko sa kanya yung baso ng tubig. Ininom niya naman yun!

"thank you" sabi niya.

"sorry ha." sabi ko.

"ako nga may kasalanan sayo e, tapos ikaw nag sosorry."

"arte ko kasi, ayan inatake ka tuloy! Sorry din ha!"

"oh kayong dalawa pumasok na kayo, kakain na tayo!" sabi ni Mama.
Tumayo na kami ni Oliver at pumasok na sa loob. Kumain na kaming tatlo, si Mama naman di nagtatanong about kay Ninang, may alam kaya siya? After kumain at magligpit, diko na nga siya pinatulong e. Umakyat kami sa kwarto ko. Open yun diko sinara.

Humiga siya agad sa kama ko. Ako naman binuksan ko yung sliding door ko para may hangin na pumapasok. Tinignan niya yung stand ng mga cd's ko.

"oh pili ka dyan." sabi ko habang binubuksan yung tv.

"wala kabang mga action?" reklamo niya.

"wala akong hilig sa mga ganun!"

"eto nalang, maganda ba tong The Notebook?" tanong niya.

"oo maganda, akina para mapanuod na!" kinuha ko na.

Nagstart na din kami nanuod, umupo siya sa couch at ako sa kama ko ako pumwesto. Seryoso kaming nanunuod.

Remember your FIRST (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon