Chapter 12

759 15 1
                                    

Recess...

"Ano teh ready kana ba? Malapit na tayo sa may garden." sabi ni Ras.

"Kinakabahan ako e! Wew..."

"kalma lang, dipa nagtetext si Jess kung andun na sila e."

"Ganito ba talaga feeling pag may gusto ka kausapin, parang principal yung kakausapin ko."

"Wait nagtext na... Andun na daw sila. Goodluck teh kaya yan, magkaka ayos din kayo!"

Grabe kabog ng dibdib ko, si Oliver lang naman kakausapin ko. Kasalanan ko to e, ako din ang aayos.

Malapit na kami, natanaw nanamin si Jess. Nung nakalapit na kami kay Jess.

"Oh Goodluck, kaya mo yan!" tinapik nila ako tsaka tinulak papunta sa loob ng garden.

Naglakad na ako at hinanap siya. Nung nakita ko na siya, lumapit na ako sakanya.

"Ahem... Ahem..." pag papa-papansin ko. Bigla siyang lumingon ako naman ang tumalikod.

"Mm... Bakit ka tumalikod? Ikaw pala kakausap saakin." sabi ni Oliver.

Dahan dahan ako humarap sakanya.

"aaahh??? Nahihiya kasi ako sayo, ang dami kong kasalanan na ginawa. Sige sasabihin ko na to kaya ganun nalang ako kairita nung umuwi ka, Nagagalit ako sayo, ano kasi?"

"Ano?" maikling tanong niya habang nakasandal sa pader.

"Ano... Ah ano kasi nagagalit ako sayo kasi iniwan mo ko nun, dimo ba alam sa bawat araw ng nagdaan pakiramdam ko kulang. Wala yung nang-aasar saakin kahit naiinis na ako. Tapos ngayon ano..." diko natuloy yung sasabihin ko kasi bigla niya nalang ako niyakap.

Nagulat ako sa ginawa niya. Di ako nakagalaw dahil sa pagkayakap niya.

"Kaya pala inis na inis ka saakin. Andito na ako ulit, kaya wag kana mainis." sabi niya.

"Sorry Oliver ha!"

"Ok lang, ano friends na tayo ulit?" tanong niya, at humiwalay ako sa pagkakayakap niya.

"Friends! Basta wag mo na ako asarin, baka masanay nanaman ako tapos bigla ka nalang mawawala."

"ok sige dina, e kasi ang cute mo asarin nung mga bata pa tayo, ang saya saya ko pag nakikita kitang nagagalit saakin, sa kagustuhan ko din magkaroon ng kapatid e wala naman kaya ikaw yung naasar ko lagi, dahil Ninang mo si Mama tinuring kitang little sister ko."

Ok di niya ako nagets, kapatid lang tingin niya saakin. Ang sakit naman nun.

"hmmm... Let's Go baka hinihintay na tayo nila Ras at Jess sa Cafeteria." sabi ko.

Lumabas na kami ng garden at pumunta ng Cafeteria.

"ahm Oliver narinig ko kasi kayo ni Ninang nagtatalo about dun sa pag sali mo ng basketball."

"ah yun ba? Sumali kasi ako nun nung elementary ako ng basketball, kasamaang palad napilay ako nun, kaya ganun nalang ang pagtutol niya saakin. Don't worry matagal na yun! Malaki na ako, kaya ko na sarili ko."

"So you mean tinanggap mo yung alok nila Bryan?"

"Oo, pwede sikreto lang? Gusto ko kasi maglaro ulit ng basketball. Please Sam.."

"Ok..."

"Thank you talaga!" sabay yakap niya saakin, medyo kota na ako ha.

Pagdating namin sa Cafeteria kumaway si Ras. Lumapit na kami!

"So bati na ang aso't pusa." sabi ni Jess na natatawa.

"Oo ok na kami." sabi ni Oliver.

Umorder na kami ng kakainin namin. Gumaan pakiramdam ko dahil nasabi ko na dapat kong sabihin, pero dipa lahat. Ok na din na friends kami. Kaya lang sa simpleng yakap niya baka masanay din ako.

After class, sabay-sabay na kami umuwi.

Remember your FIRST (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon