Chapter 56

295 5 0
                                    

Eto na pinakahihintay ng lahat ang MASQUERADE BALL!

"hey saan kana?" text saakin ni Jess na nasa school na.

Sinundo kasi siya ni Al, at yung iba andun na din. Well kami ni Ras nalang ang wala sa barkada.

"Anak andito na si Ras, baba kana!" sigaw ni Mama sa may hagdan.

"Andyan na po!" sigaw ko. maya-maya binuksan ko na din yung pinto ko.

At lahat sila jaw drop. Pati si Ras mukang naging lalaki ang aura nung makita ako. Pumunta siya sa gilid ng hagdan habang nakatitig parin saakin. Pag baba ko nilahad niya yung braso niya para dun ko pulupot yung kamay ko. Natawa ako sa kinikilos ni Ras.

"Ang ganda mo Sam!" sabi niya.

"loko!" sagot ko na natatawa.

"Ang ganda mo anak!" sabi ni Papa.

"Kanino paba magmamana yan, syempre saakin." sabi naman ni Mama.

Nagtawanan kaming lahat.

"Tama na to, malalate na kami, kanina pa text ng text si Jess. Sige na po tara na!" sabi ko.

Naka alalay parin si Ras saakin. Inistart na din ni Papa yung kotse. At sumakay na kami ni Ras.

Sa loob ng Kotse.

"Pa di na po kami papasundo mamaya, may kotse si Al dun na kami lahat sasakay para umuwi."

"Sige, basta mag-iingat kayo ha. Ang ganda mo talaga anak!" sabi ni papa na dipa din maka move on.

"Ay naku, dati kung masabihan niyo ko ng panget wagas ngayon nag iba ata. Ahaha!" sabi ko at natawanan kami ni Ras.

"Dalaga kana, baka isang araw may ipakilala kana saamin ni Mama mo. At sa mga susunod na taon baka ikasal kana." sabi ni Papa.

"hala ang o.a ni papa. Tama na yan!"

Nakarating na din kami ng school, tinext ko na din si Jess saan sila banda.

"Anak enjoy lang ha, sige iwan ko na kayo, ingat kayo mamaya!"

"thanks pa!"

"Salamat Tito, ingat po!" sabi naman ni Ras.

"Bakla andun sila malapit sa entrance ng gym. Tara!" sabi ko kay Ras. At naglakad na kami papuntang gym.

Diko maiwasan mailang. Kasi yung iba grabe makatitig saakin. May dumi ba muka ko? Pero paano nila makikita e naka mask ako. Di kaya may punit yung damit ko? baka nga!

"Ras, nakakatakot naman tingin nila!"

"Relax, ang ganda mo kasi kaya ganyan! Nahihiwagaan sila sino ka!" paliwanag ni Ras.

Di na ako nakapagsalita, malayo palang kami nakita na nanamin sila Jess, naka mask na din sila. Paano ko nakilala? Hello sa damit. Haha

"Hello guys!" bungad namin ni Ras sakanila.

"wow! Ikaw ba yan Sam? Ang ganda mo..." sabi ni Jess.

"Pinagloloko niyo naman ako. You too, ang ganda mo Jess." tsaka kami nagyakapan.

"Pareng Ras. Gwapo ah!" sabi ni Al.

"Salamat pre!" sagot ni Ras, at nagtawanan kaming lahat.

"ahm bat parang kulang kayo?" sabi ko.

"Ah si Bryan? Di makaka attend, may sakit! Sayang dika nakita." sabi ni Matt na nakangiti na may laman.

Ilang oras nalang magsisimula na din ang ball.

Remember your FIRST (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon