Chapter 80

212 5 0
                                    

Oliver's Pov

Isang taon na din nung umalis kami ng pilipinas para ipagamot ako dito sa state. Dito kami ni reffer nung doktor na gumamot saakin nung summer na nag outing kami. Tumawag siya saamin na bigla daw may nag donate kaya inayos nanamin ni mama yung mga papel namin, para ma schedule din ako sa pag papa opera. Masakit saakin iwan si Sam ulit, alam ko magagalit nanaman siya saakin. Tatanggapin ko nalang yun, babawi ako sakanya pag ok na lahat.

Ok naman lahat, lalo yung naging operasyon ko. Minabuti muna ni mama na dito lang ako sa bahay baka bigla daw akong mabinat, huminto ako sa pag-aaral. Wala naman kaso saakin yun, pag ok na ako babalik naman ako.

"anak may bisita ka." Katok ni Mama sa pinto ng kwarto ko.

"Si Pia..." Sabi ko.

"Surprise!!!" Sabi ni Pia na sumilip sa pinto.

"Sige iwan ko muna kayo dyan. Hahanda ko kayo ng merienda."

"Sige Tita, thank you po."

"Andito ka nanaman babae ka?" Sabi ko.

"Miss na kasi kita tsaka gusto kitang kamustahin no."

"Thank you Pia, ok naman ako kaya di kana dapat pumupunta dito araw araw."

"Ay nako Oliver, sa ayaw at gusto mo dadalawin parin kita."

"Bahala ka, ang kulit mo!. Pero thank you kasi andyan ka lagi."

"Oo naman dito lang ako. Hello ako lang makakasama mo sa araw araw na wala kang kausap. Basta dito lang ako."

"Oh mag merienda muna kayo!" Sabi ni Mama

"Thank you po!" Sabay naming sabi.

Inalalayan niya akong umupo, dahil medyo dipa kaya ng katawan ko. Maganda na yung nag iingat. Kwentuhan tapos nagtawanan pero di masyado alam niyo na sitwasyon ko.

Siya si Pia Cortez, naalala niyo yung nag papicture saakin nung summer? Siya yung kasama ko ngayon. Daddy niya yung gumamot saakin dito sa state, at Tito niya yung umasikaso din saakin nung summer at yun yung daddy ni Nica. Aksidente yung pagkikita namin ni Pia. Nung naconfine ako ng ilang linggo sa ospital. Minomonitor ako ng Daddy niya nun nung pumasok siya sa kwarto ko sa hospital, at dun niya ako nakita nakahiga. At dun nagsimula lahat, siya yung nagbabantay saakin sa ospital, siya yung kausap ko pag wala si Mama, nagpapakain saakin. Kwento lang siya ng kwento pag magkasama kami. Hanggang sa inuwi na ako dito sa bahay ayan kasama ko parin.

"Ok na busog na ako, kwento mo palang."

"Grabe ka talaga Oliver! Amp..."

"Eto naman di na mabiro, lika nga dito!" Sabi ko tsaka ko siya niyakap.

"bitawan mo nga ako, galit ako sayo." At kumawala siya saakin.

"bahala ka." Lumabas siya dala yung tray.

"babe sorry na, balik kana dito." Sabi ko na nakangiti.

"Babe mo muka mo, aalis na din ako." Sigaw niya!

"Teka lang..." Sinubukan kong tumayo. Pero nabigla ako. "Aaahh...Aray!"..

"OLIVER!!!.." bigla siyang bumalik sa kwarto.

Pagdungaw niya sa pinto, ngumiti ako! Biniro ko lang siya para di na siya magtampo.

"alam mo ikaw nakakainis kana, di maganda yung biro mo ah!" Tumayo ako at lumapit sakanya.

"Ikaw kasi e! Sorry na." Hinawakan ko yung muka niya.

"alam mo kung di ka lang gwapo. Babangasan kita. Tsk!"

"Alam ko matagal na akong gwapo, basta sorry na!"

"Yabang! Basta wag muna uulitin yun ha, pinapakaba mo ko e!"

"Oliver, ano nanaman ginawa mo kay Pia." Singit ni mama na lumabas sa kabilang kwarto.

"Wala po Ma!" Tsaka ako ngumiti sakanya.

"Sige na po Tita, uuwi na po ako. Baka ano magawa ko dito kay Oliver!" Sabay kurot sa pisngi ko.

"Aray naman!" Sabi ko tsaka ko hinawakan pisngi ko.

"Kayo talaga, sige hatid mo Oliver sa labas, ingat ka Pia. Salamat din sa pagdalaw." Sabi ni mama. Nag beso beso silang dalawa bago kami bumaba at lumabas.

"Oh magpahinga ka ng mabuti ha. Yung mga paalala ni Daddy sayo."

"Copy po! Salamat ulit Pia." Tsaka ko siya niyakap.

"O siya sige na, dito na ako. Salamat! Bye..." Sumakay na siya sa kotse nila.

"Ingat!" Sabi ko. Pagka alis niya, pumasok na sin ako sa bahay at dumeretso sa kwarto ko.

Sa totoo lang ok naman na ako. Gusto ko na din umuwi ng pilipinas, miss ko na sila. Lalo si Sam. Mapapatawad niya kaya ako pag nagkita kami? Nangako ako sakanya na di ko siya iiwan. Pero ano ginawa ko, iniwan ko parin siya pero sana maintindihan niya kung bakit ko siya iniwan.

"Anak!" Katok ni Mama sa pinto ko.

"Pasok po."

"Mukang ang lalim ng iniisip mo ah."

"Ahm... Ma tanong ko lang kailan tayo uuwi sa pilipinas?"

"Anak, gusto ko sana ituloy mo muna yung pag aaral mo dito, pag nag college ka balak ko sa pilipinas kana mag-aaral. Gusto ko makahabol ka sa mga kaibigan mo dun. Next week i-eenroll na kita, gusto ko kasama ka"

"Ok ma, thank you po." Tsaka ko siya niyakap.

"Sige, pahinga kana." Tsaka lumabas si Mama sa kwarto ko.

Sam's Pov

Maraming araw na dumaan, hanggang sa dumating ang February! Ano ba meron sa February?

"Ano ba yan, Feb na!..." Malungkot na sabi ni Ras.

"Oh ano naman kung Feb na, kasi wala kang ka date? Sus andito kami oh!" Sabi ni Jess.

"Wag ka nga, malamang may date kayo ni Al! Wag kang ano, si Sam ok pa."

"Grabe ka naman, edi group date para masaya." Sabi ko naman.

"Good morning Class!" Sabi ng adviser namin. At bumati kaming lahat.

"May announcement ako sainyo, this February magkakaroon tayo ng JS Prom. Well every year naman ginagawa ng school to. At ito ay gaganapin dito sa school February 14. Ok sige na hintayin niyo na next subject niyo."

Umalis na din Si mam nun. At etong mga kaklase namin sobrang excited. Hay!

"Ayan nanaman mga teh, magpapaka lalake naman ako sa araw na yun. Hay!" Reklamo ni Ras.

"Ano kaba Ras, nung Masquerade party nga nakaya mo e, JS pa kaya. Tsaka isang gabi lang naman yun. " sabi ni Jess.

"Ay wait paano yan, wala kang partner, si Al college na. Naku selos yun pag may sumayaw sayo." Sabi ko.

"Ano ba yan, edi tatlo tayo, kung may magsayaw saatin go lang. Di naman siguro magseselos yun."

At yun ang napag usapan namin, ano kaya kung andito si Oliver, yayayain niya kaya ako bilang date niya? Parang ang labo naman. Teka nga bat siya nanaman iniisip ko.
___________

Eto na talaga pinakahihintay ko, joke! Alam ko hinihintay niyo din to. Thank you ulit sainyo.

At ano ang papel ni Pia sa buhay ni Oliver? At eto na din ba ang tamang panahon para magpakilala ang secret admirer ni Sam?

Abangan...

Remember your FIRST (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon