Chapter 86

192 5 0
                                    

Mas pinili ko munang mapag-isa maghapon. At dun ako sa lugar kung san ko din dinala si Oliver, Pero hindi si Oliver ang iniisip ko. Si Bryan! Hindi ko man lang siya pinakinggan, e kasalanan niya din naman e, bakit may ganun pa siyang paandar? Pwede naman niya sabihin saakin. Ay ewan ang gulo gulo na!

Halos magdidilim na din eto parin ako sa tambayan ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Halos magdidilim na din eto parin ako sa tambayan ko. Naramdaman kong nagvibrate phone ko kaya chinek ko.

Alam ko namang di mo ako pakikinggan pag nag explain ako sayo ng personal kaya tinext kita, pero sana basahin mo. Sorry talaga kagabi, di ko talaga alam paano ako magtatapat sayo na gusto kita. Kaya dinaan ko sa sulat at bulaklak. Naintindihan ko bakit ka nagalit, siguro nga katulad niya din ako na sinungaling, pero eto tandaan mo kahit ganito nangyari andito parin ako para sayo kasi gusto kita, noon pa. Parusa narin siguro saakin to. Pero tandaan mo andito lang ako.

"Nakokonsensya na ata ako, kasalanan ko din naman, dapat pinakinggan ko nalang siya. Pero naiinis parin ako sakanya, ewan ko kung bakit talaga. Hay!!!"

Tumayo na ako at sumakay sa bike ko, madilim na kaya uuwi na ako. Hanggang sa nasalubong ko yung dalawa. Sino pa ba edi sika Ras at Jess.

"Bakla saan ka naman nagsususuot dito sa Subd." Tanong ni Ras.

"Oh Bakit?"

"Galing kami sainyo balak ka namin kausapin, pero wala ka. Naubos nanamin pagkain niyo sa bahay niyo kakaantay namin ni Ras sayo." Sabi ni Jess.

"Patay gutom talaga kayo, tsk! Ano ba kasi pag uusapan natin?"

"Nakakagutom kayang hintayin ka, muka kasing may hindi magandang nangyari kagabi, kasi parehas kayo ni Bryan ang nawala. So parang iniisip namin may something." Sabi ni Ras

"Something... Something... Dami niyong alam! Malay niyo natatae siya kaya biglang nawala diba? Osiya uuwi na ako, kaya kayong dalawaumuwi na din at may pasok pa bukas." Sabi ko.

"Sige, sunduin ka namin bukas. Tsaka pakain na din." Sabi ni Ras ulit.

"Wala na akong ipapakain sainyo, inubos niyo na."

Remember your FIRST (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon