Chapter 67

181 2 0
                                    

Pag labas ko ng bahay sakto ang daan nila Ras at Jess. Kaya sumabay na ako pqpunta kila Sam.

"Goodmorning Bakla... Good morning Tita." sigaw ni Ras pag pasok sa bahay.

"Good morning din sainyo!" bati din ni tita aamin.

"Teka teka... Bakit ang aga mo ata at parang ang blooming mo today ha?" sabi ni Ras na naka cross arms at inikutan Si Sam.

"Hmmm... Alam ko na sagot diyan teh! Si Bryan no?" singit nman ni Jess.

"Oh bakit naman si Bryan?" nagtatakang tanong ko.

"Oops... Enough tara na po pumasok baka malate pa tayo. Ok! Ma alis na po kami." yan nalang nasabi ni Sam ng mga oras na yun.

"Tita alis na po kami." saBay sabay naming sabi ni Ras at Jes.

Paglabas namin yung dalawa di na mapakali sa mga tanung nila, OP ako ha. Ano ba nangyari sakanila ni Bryan kahapon?

"hoy teh kwento ka naman ano nangyari sa gym?" sabi ni jess na kinikilig.

"oo nga ahm nagpropose ba sayo? Nanligaw? Kiniss kaba niya? Niyakap? Ano bakla ano nangyari?"

"Nanliligaw ba sayo yun?" tanong ko na medyo wala sa lugar.

"wala sa mga nabanggit niyo! Gusto niya lang makipag kaibigan, thats all!" sagot niya. Ang showbiz ha!

Sumakay na kami ng Jeep.

"Ang arte ha, kailangan dalawa lang kayo?" sabi ni Jess.

"kala ko naman nanliligaw na yun!" sabay tingin ko sa bintana, medyo gumaan pakiramdam ko.

"Paano kung manligaw?" tanong naman ni Ras saakin, medyo nagulat ako sa tanong niyang yun ha.

"Edi manligaw siya, wala naman saakin yung desisyon e!" imbis na kalma oang ang pagkakasagot ko, medyo naiinis ako.

Nakarating na si kami sa school, dumeretso na kami sa room. Pagkalapit namin sa row namin may nakapukaw ng atensyon ni Sam sa upuan niya. Binasa niya yun at nakita ko sakanya ang ngiti ng kanyang mga mata.

Rose na red with a note.

Hi! I hope you like the Rose, I found it beautiful like you.

-Secret Admirer

Hindi namin alam kanino galing yung sulat, sino naman kaya secret admirer niya?

"Bongga Baklaaaa.... Sumi-secret admirer kana... Haba ng hair mo." sigaw ni Ras.

"Sino naman kaya yan?" sabi ko nalang, di ko alam bat ang sungit ko. Tsk!

"Oo nga, naku teh ingat baka naman iba pakay sayo niyan ha."

"Sabagay, Ahm classmates nakita niyo ba sino naglagay nito sa table ko?" tanong niya.

"Si Manong Doms yung lumapit diyan kanina at nilagay yan dyan!" sabi nung isang classmate namin.

Alam mo yung gusto mo humagalpak ng tawa dahil sa sinabi ng kaklase mo. Pero di ko nagawang tawanan si Sam talagang pinigilan ko.b pero si Ras wagas makatawa.

"whaaaaahahhahaahhahaa..... Teh sandali.... HAhahahaha natatawa talaga ako e.... AHahahaha... Wait mga bente pang tawa... Hahahaha srsly si Manong Doms yung secret admirer mo? Haha hanep bakla natapakan ko na buhok mo." sa itsura ni Sam gusto ng sabunutan si Ras kakatawa.

"Iba ganda mo teh. Haha". Pang aasar naman ni Jess.

"Makatawa kayo, malay niyo napag utusan lang si Manong Doms." pagtatangol ni Sam sa sarili niya. At huminto sa kakatawa si Ras.

"Pwede din naman na ganun!" sabi ni Ras.

Medyo malalim iniisip ni Sam nung inignan ko siya. Siguro iniisip niya parin sino secret admirer niya.

Nung lunch break papunta na kami ng Cafeteria nakasabay namin si Bryan.

"Uy Pre kamusta kana?" tanong niya saakin.

"Ok na, nakapagpahinga naman na ako, kamusta ang team?"

"Ok naman, kulang ka lang. Ano ready ka na ba?"

"Oo naman, mamaya punta ako sa gym bawi ako sa praktis."

"Sure ka?" biglang tanong saakin ni Sam, concern kaya siya?

"Don't worry!" sagot ko at ngumiti ako sakanya.

"Ikaw Bryan ha, ano ginawa mo sa kaibigan namin?" tanong ni Ras.

"Ha? Eh? Nakipag kaibigan lang. Gusto ko makipagkaibigan sainyo yun lang?" sagot ni Bryan.

"Edi welcome sa group namin, haha tutal magka team naman kayo ni Oliver e."

"Oo nga pre, atleast may nakaka-usap ako sa mga alam mo na, haha! Just kidding!" pagbibiro ko.

Pumunta na kami sa table na kasya kaming lima. Kumaway lang kami sa team nung nakita namin sila, kumaway din naman sila. Kwentuhan, tawanan, asaran nangyari sa lunch namin dahil sa secret admirer ni Sam. Pati si Bryan di na rin napigilan, tumawa nadin.

"Srsly si Manong Doms ang secret admirer mo?" natatawang tanong ni Bryan.

Grabe talaga parang gusto nang turisin ni Sam si Ras sa sobrang daldal. Natatawa na din ako sa itsura niya.

"Malay niyo nga diba hindi si Manong Doms yun, inutusan lang siya? Ugh!" asar niyang sagot.

"Chill Sam... Ok guys enough na!" sabi ko nalang pero natatawa parin ako.

"ang sama niyong kaibigan." malungkot niyang sabi samin.

Tinapos nanamin yung asaran na yun at kumain nalang. After kumain dumeretso na kami sa Room.

"Siguradong maglalaro ka ngayon?" bulong saakin ni Sam habang nag aayos kami ng gamit namin.

"trust me, di ako magpapagod." sabi ko nalang, kahit alam kong madali akong mapagod

"ok fine!"

"ano ok naba kayong dalawa?" tanong saamin ni Ras.

"Ok lets go!" sabi naman ni Jess.

Lumabas na kami ng room at dumeretso kami sa gym. Nadatnan namin na nag wawarm up sila!

"Pareng Oliver, long time no see." sigaw ni Matt kumaway ako sakanila. At dumeretso muna ako sa locker room namin. Para magpalit ng damit.

"sunod ka nalang sa gym!" tapik saakin ni Bryan na palabas ng locker room.

"sige!"

Matapos kong magbihis, lumabas na din ako at lumapit ako kila Sam at inabot ko yung bag ko.

"Go Oliver!" sabi naman nung dalawa.

At pumunta na ako sa baba para mag warm up nadin.

Nag start na din kami sa praktis, nung una medyo kaya ko talagang sinasabi ko kaya ko pa maglaro, pero ayoko makitang umiyak si Sam dahil saakin. Medyo di na din maganda paghinga ko kaya humingi ako ng timeout. Pati sila nagpahinga muna din. Inaabutan kami ng mga bottled water nila Sam.

Habang nagpapahinga, tinanong ako ni Bryan. "Kaya mo pa ba pre?".

"Oo, napagod lang!" sabay inom ng tubig.

"mukang suportado ka pa rin ng ex mo ha." sabi singit ni Jess.

"Tsk... Nakakairita nga e!" sagot ni Bryan.

"Sus! Ang sweet niyo nga dati e, anyare?" sabi naman ni Ras.

"Ginamit niya lang ako, pagtapos nun humanap na siya ng iba! Ngayon hahabol habol." paliwanag ni Bryan.

"Ay naku di siya karapat dapat sayo! Gusto mo tayo nalang?" sabi ni Ras. Nabigla kami lahat.

"Nakakatawa ka Ras! Hahaha..." sabi ni Bryan.

Tawa kami ng tawa sa dahil sa muka ni Ras.

"Ok Game na ulit!" sigaw ni Bryan.

Kaya nag ayos na kami, at pumunta na sa court. At nag start na kami mag practice. Di pa ako pinapawisan pero pagod na pagod ako. Konting takbo lang hinihingal ako.

Remember your FIRST (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon