Chapter 62

226 5 0
                                    

"O bakit andito ka sa labas?" sabi ko paglabas ko, iniwan ko muna sila sa loob. Gusto ko din makausap si Sam.

"Pake mo!" pagsusungit niya saakin.

"Mamaya ano mangyari sayo, kami nasa loob ikaw andito. Teka nga lang... Napansin ko lang ang sungit mo parin saakin. Ano kaba bata pa tayo nun, kalimutan muna yun!"

"Huh! Funny!.. Alam mo ok na sana buhay ko, masaya na tapos umuwi ka ulit, alam mo bang... Amp!" sabi niya, grabe parang gusto ako kainin.

"Oy ano ba problema mo? di na ako tulad nun, mga bata pa tayo nun, ok! Sorry nung tinawanan kita na akala ko poop yung nasa short mo, putik pala." hahaha natatawa ako pag naalala ko.

"ggggrrrrrr... Nakakainis ka diko na nga naalala, pinaalala mo pa, nakakainis ka talagaaaa... Hmpft! Ganun parin pag naaasar siya, nakakatuwa.

"Ok sorry ulit! Pwede naman natin simulan ulit diba? Friends? Nilahad ko kamay ko sakanya.

"Friends mo muka mo!" tsaka niya ako iniwan sa labas at siya pumasok na sa loob.

At lumabas na din si Mama kasama si Tita at Tito.

"Ah sige uuwi na din kami ni Oliver, sige na Mare uuwi na kami."

"Sige salamat Mare ha!"

Pagdating namin sa bahay. Umupo muna ako sa sofa namin!.

"ikaw ha, wala ka parin binagbago sa pang-aasar mo kay Sam." sabi ni Mama.

"ang cute kasi niya pag naasar."

"Sus sabihin mo, lalong gumanda si Sam pag naasar." sabi ni Mama. Sabagay gumanda lalo si Sam.

"Ma ha, yang mga ganyan. Sige na po akyat na po ako. Goodnight Ma!"

"Goodnight din!"

Kinabukasan...

Maaga akong nag ayos, para pumasok at para maabutan ko sila Sam.

"Ma alis na po ako, sasabay ko na sila Sam. Bye!" tsaka ako bumeso.

"Sige ingat kayo ah, yung pag dra-drive mo ha." paalala ni Mama.

Lumabas na ako at sumakay ng kotse, bumaba ako sa tapat ng bahay nila Sam.

"Good morning Tita."

"Good morning din hijo, sila Sam ba? Naku kakaalis lang kasama sila Ras at Jess. Baka maabutan mo pa sa gate."

"Sige po tita, bye po!"

"Sige ingat kayo."

At nagmadali na ako pumasok sa kotse at pinaandar ito. Sa di kalayuan natanaw ko sila. Naghihintay ng sasakyan!.

Papara na sana sila ng Jeep ng bigla akong bumusina sa likuran nila at lumabas ako sa kotse.

"Tatakasan mo pa ako ha, sakay na kayo!" sabi sakanila.

"O-M-G Oliver ikaw na ba yan?" sabi ni Ras.

"Ang ganda mo lalo Ras!" sabi ko tsaka ako ngumiti.

"Maliit na bagay... Saan ka ba pupunta?" tanung ko.

"Sa school natin. Tara na sakay na kayo!" sabi ko sakanila.

"Thank you nalang Oliver, may pamasahe naman kami, tara na!" sabi ni Sam kila Ras at Jess at hinila niya yung dalawa.

"Sakay na kayong dalawa Ras and Jess!" sabi ko sa dalawa at binuhat ko si Sam.

"Ibaba mo nga ako Oliver, sisigaw ako!"

Remember your FIRST (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon