Chapter 116

172 4 0
                                    

"ano na pala balak niyo sa JS?" tanong niya saamin ni Jess.

Napahinto ako sa pagbabasa, Oo nga pala JS na sa Sat.

"Sabay-sabay na tayo mamili ng susuot natin." sabi naman ni Jess.

"great, may alam ako saan tayo pwede mamili, may mall malapit sa condo ko."sabi ni Pia

"sige doon nalang tayo para naman makapasyal kami sa condo mo." sagot naman ni Ras.

"kayo bahala?" sagot ko nalang.

Bigla ko naalala yung JS last year, Yung time na umamin si Bryan na siya yung secret admirer ko at nagalit ako nun. Di ko na enjoy yung JS nun, tapos ngayon JS nanaman! ano naman kaya ma-e-experience ko? tss... Kung pwede nga lang wag na umattend e, di talaga ako aattend. Sabi kasi nila eto daw pinaka-memorable ng Highschool Life. Memorable nga yung last year epic naman.. Hay!

"Ang lalim naman ng iniisip mo friend." sabi ni Ras.

"Naalala ko lang JS natin last year."

"ahhh... yung umamin sayo si Bryan na siya yung secret admirer mo, tapos nagalit ka." sagot naman ni Jess.

"naalala mo kasi hindi perfect yung gabing yun para sayo." sabi naman ni Pia.

"ano ka ba? wag mo na isipin yun! Andito naman kami. Magiging memorable ang JS mo ngayon." sabi naman ni Ras.

"oo nga, tayo gagawa ng perfect JS mo."

"Thank you talaga sainyo. Pangit man nangyari nung junior year, well di ako papayag na pangit ngayong senior year." sabi ko.

"ganyan nga friend!" sabi ni Jess.

"ano naman ang pinag-uusapan niyo?" singit ni Oliver.

"yung JS kasi iniisip namin."

"Wow! Manunuod kami dyan." singit naman ni Jack

"Kailan ba yan?" tanong ni Rick

"Sa Saturday na." sagot ko.

"gusto niyo sa Wednesday bili na tayo." sabi ni Pia.

"sama naman kami dyan." sabi ng iba sa team.

"oh bakit saan pupunta?" singit ni Bryan na kakarating lang at umupo siya sa tabi ni Matt.

"JS na kasi sa sabado kaya sasama kami, ikaw pupunta ka ba?" tanong naman ni Matt sakanya. Di ko nagawang tumingin sakanya kung ano bang reaksyon niya.

"hindi." mabilis niyang sagot.

"ang kj naman nito." sabi ni Rick.

"sige na uuwi na ako." sabi niya at lumakad na siya palayo saamin.

Tsk! Naakainis na din siya minsan. Hindi niya ba naalala yung mga nangyari dati? Sarap ibato tong librong binabasa ko sakanya.

"Alam niyo kayong dalawa ang pabebe niyo. Halata naman sainyo na mahal niyo pa ang isa't - isa. Bat ayaw niyo pa ayusin." Iritang sabi ni Rick.

Nakakatuwa lang talaga si Rick pag na aasar... hahahaha!

Pagka-uwi ko sa bahay inisip ko agad yung JS na yan. Hanggang sa may narinig akong tumalon sa terrace ko, alam niyo na sino. Binuksan ko yung sliding door. At ang itsura naka-upo na naka cross arms pa.

"bakit?" tanong ko agad sakanya bago ako ma-upo.

"may tatanong ako, kung liligawan o makikipagbalikan sayo si Bryan. Papayag ka?"nakakatakot niyang tanong.

"bakit ganyan naman ang tanong mo? Anong nangyari sayo?"sabi ko

"wala naman, gusto ko lang malaman. Halata naman kasi na gusto niyo pa ang isa't isa. Pero ano sagot mo sa tanong ako?"sabi ni Oliver.

Remember your FIRST (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon