Chapter 51

345 5 0
                                    

⁄(⁄ ⁄•⁄ω⁄•⁄ ⁄)⁄ (๏_๏)⬅⬅⬅⬅ as in nagulat ako nung bigla niya ako halikan sa pisngi. Di ako nakagalaw agad, siguro mga 15secs nung natauhan ako at dahan dahan ko dinampi yung palad ko sa kanang pisngi ko. At dahan dahan din ako nagtanong.

"Bakit mo ko hinalikan sa pisngi?" as in lutang kong tinanong yan.

"huy! Ok ka lang?" tanong niya na chinecheck pa ako na parang ano nangyari. Gusto ko nga siya sigawan ng hinalikan mo lang naman ako ng walang paalam!!

Bawal mag iskandalo dito, tsaka pisngi naman, pero mali parin e.

"Ang tanong ko bakit mo ko hinalikan sa pisngi?" ulit na tanong ko, but this time nasa pag-iisip na ako.

"sabi ko sayo kanina may deal tayo, pag nakuha ko isa sa mga nasa loob nitong machine ikikiss kita. Bawi lang sa pang-aasar mo saakin. Oh para sayo pala, ikaw na mag-alaga dyan." sabi niya.

Loko din to minsan, sarap konyatan. Kung di lang gwapo to naku nagawa ko na. Kinuha ko naman yung stuff toy. Sakto naman nakaupo dun sa rides ng mga bata si Ras napagod din siguro kakalaro. Kinuha saakin ni Bryan yung nag iisang token na hawak ko.

Dahan dahan kami lumapit sakanila. At ang baliw na Bryan dahang dahang hinulog yung token sa rides, syempre nagulat si Ras.

"Ay kabayong umaandar!" napakamit si Ras sa pag andar ng inuupuan niyang rides.

"Whahahahaha..." tawa naming tatlo, si Ras nagulat at the same time natatawa na gusto magalit, yun bang gusto niya din hambalusin si Bryan. Grabe nakakatawa talaga. Di din makababa si Ras sobrang di niya alam paano siya bababa.

"teka Ras, pikturan ka namin, ang cute mo kasi dyan! Hahaha" sabi ni Bryan.

"Leche ka Bryan, matapos lang to hahalikan kita. Makabawi man lang. Bwisit!" sabi ni Ras.

Kami ni Jess tawa parin ng tawa. Halos diko na iniisip yung nangyari kanina saamin ni Bryan. Diko alam may pagka baliw talaga tong si Bryan. Napapailing nalang ako sa sobrang kulit niya.

Nung natapos yung oras ni Ras dun, bumaba siya at si bryan ready to run na.

"Humanda ka saakin Bryan lalo yang labi mo!" sabi ni Ras.

"Ok, RUN!!!" sabi ni Bryan tsaka lumabas ng Quantum at sumunod si Ras para habulin si Bryan. Kami naman ni Jess sumunod na din.

Kung saan saan na kami napunta, dept. hyper market halos na ikot namin tong mall kakatakbo! Nung napagod nagkita-kita nalang kaming mcdo. Dalawa kami ni Jess ang nandun tinext nalang namin yung dalawa na sumunod na dun.

Ang naunang dumating sa dalawa si Bryan..

"Si Ras?" tanong niya agad pagdating niya.

"Sa likod mo!" sabi ni Jess. Napatakbo ng konti si Bryan, hagalpak nanaman kami ng tawa ni Jess sa itsura niya.

"Ayan kasi, pinagtripan mo e!" sabi ko.

"Jess tabi nalang kami ni Sam, para makita kong dadating si Ras." pagmamakaawa ni Bryan. Pinagbigyan naman siya ni Jess.

Umupo na siya sa tabi ko, pagod na pagod at yung pawis tagaktak. Inabot ko yung bimpo kong baon sakanya, hindi kasi kaya ng panyo niya. Kinuha niya naman at pinunasan yung pawis niya.

"balik ko nalang sa lunes, tutal pasukan naman na." sabi niya.

"wag na ako nalang." sabi ko.

Ngumiti lang siya saakin, 15mins. Dumating na din si Ras

Remember your FIRST (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon