THIRD PERSON'S POV
Dalawang linggo na ang nakalipas nang mamatay si Bianca. Tahimik na nanatili muna sa Transylvania ang mga Royalties at bumalik na sa America ang mga magulang nila Raven at Kristina. Hanggang ngayon ay pinaghahanap pa rin sila ng mga pulis dahil sa kaguluhang nangyari kaya wala sila ibang magawa kundi ang mag tago muna sa Transylvania.
Bumalik na rin ang mga kapangyarihan ni Queen Josephine at tuluyan na ring nawala ang Cransylvania. Muling nag sanib pwersa ang mga tauhan ni Miranda noon at ang mga taga Transylvania dahil tuluyan nang nawala ang kapangyarihan ni Miranda sa mga ito kaya hindi na sila naging puppet ni Miranda.
Ngayon ay abala ang mga Royalties sa pag ayos ng kani-kanilang mga gamit dahil kailangan na nilang umalis papuntang America upang mag tago at magsimula muli.
"Amanda, wag mong pababayaan ang mga kambal ha? Susunod ako kapag okay na ang lahat at kapag naibenta ko na ang bahay natin." Malambing na sabi ni Rebecca sa anak niya habang tinutulungan itong mag ayos ng mga gamit sa kwarto nila.
"Mama, wag kang mag alala. Mag iingat kayo ni Prince William dito at hihintayin namin kayo." Nakangiting sabi nito.
"Oo nga pala, pupunta ang tito Clyde mo dito mamaya. Alam mo naman na sobra sobra ang pag-aalala nun sayo pagkatapos ng laban. Gusto niyang magpaalam sayo ng maayos." Tumango lang si Amanda. "Pupuntahan ko muna ang kambal." Tinapik niya sa balikat si Amanda bago tuluyang lumabas ng kwarto.
Naiwang mag isa si Amanda sa kwarto nila ni James.
Wala si James ngayon dahil hinahanap nito si Ramon at ang anak nilang si Dylan. Araw araw umaalis si James para hanapin ang mga ito kasama si Raven at ang mga Apprentice ngunit araw araw din silang bigo sa paghahanap. Hindi mapanatag ang loob ni Amanda sa tuwing naaalala niyang buhay pa si Ramon at ang anak nila ni Bianca.
Kailangan nilang mahanap ang dalawa bago sila umalis at pumunta ng America dahil kapag hindi nila nagawa, malaki ang posibilidad na ang mga amang yon ang magpapatuloy sa mga plano ni Bianca.
MAG-ISANG naka higa si Jade sa ilalim ng isang puno sa gilid ng makulay na ilog ng Transylvania. Matapos ang dalawang linggong pamamahinga ay tuluyan na nga gumaling ang mga sugat na natamo niya mula kay Gilbert at sa mga taga Cransylvania.
Unti-unti niyang idinilat ang mga mata niya at tumingin sa langit -- naalala niya nanaman si Amanda. Pinakawalan nya na si Amanda at tuluyang ipinaubaya kay James pero bakit ganito pa rin ang nararamdaman niya? --- Hindi siya masaya. Gusto niya pang kumapit. Gusto niya pang umasa. Gusto niyang mahalin si Erin pero hindi niya magawa. Hanggang ngayon ay patuloy pa rin siyang umaasa kahit na alam niyang napaka imposible na. Hanggang ngayon may nararamdaman pa rin siya para kay Amanda.
"Anong iniisip mo?" Biglang dumating si William. Hanggang ngayon ay naiilang pa rin sya rito pero unti-unti namang nawala ang galit niya sa kanyang mga magulang dahil sa walang sawang pag-aalaga nito sa kanya noong mga panahong nanghihina sya dahil sa mga sugat niya.
Umupo si William sa tabi ni Jade na hanggang ngayon ay naka higa pa rin.
"Ayaw mo ba talagang magpa-iwan dito kasama kami ng mama mo?" Biglang tanong nito.
Napag desisyunan nila Rebecca at William na ibenta muna ang bahay nila Rebecca bago sila sumunod sa America. Gusto ni Rebecca na ibenta nalang ang bahay dahil si Gilbert at ang lahat ng mga kababuyan nito ang naaalala niya sa bahay na iyon.
"Nope. I'll stay with the Royalties." Sagot ni Jade at bumangon. Umupo siya kagaya ni William, "At isa pa, kilala na ako ng mga pulis kaya mas mabuting sa America nalang ako, kaming lahat actually."
BINABASA MO ANG
The Vampire Royalties: HIDE & SEEK
VampireTHE SEARCH IS NOT YET OVER. Dahil sa isang pagkakamali ay muling babalik ang propisiya na siyang iniiwasan ng lahat. Palaging may mawawala at palaging may magtatago. May bagong labanan nanaman kaya? Ito na kaya ang huli? ABANGAN!!! THE VAMPIRE ROYAL...